Hello everyone! So as you might know, last Tuesday ay naganap ang 1st project ng PBO - ang little party namin for kids at the White Cross Children's Home in San Juan.
Before I go and share how the day went, I sincerely want to thank EVERYONE who conceptualized, formed, volunteered, supported and wished PBO well. Dahil sa ating nabuong group at sa first event na to, at I'm sure sa madami pang susunod, I felt that me being a blogger has more meaning now. Di lang basta puro gala, pagkain, damit (at pagkain pa ulit) ang purpose ko, ngayon kahit paano nakakatulong na ako sa tao (tulo luha from left eye, sipon on left butas ng nose) I am really, really happy, proud and grateful to be part of PBO! :)
Ayan na, nung kumpleto na kami sa meeting place, go na sa White Cross. It was a well kept place, really charming but I wouldn't want to be here at night time, duwag ako e :)
We started right away, decorated the area where we are going to have the party for the kids. First time ko ma-meet sina Jun, Axl, Pao, Josh, Jikoy, Deo and Senyor. Super nice nilang lahat wala akong masabi. Ang ang tangkad ni Pao o, tignan nyo halos magkasing height kami :)Na-transform namin ang area from "blah" to "bongga!" in no time! :)
At syempre ang star ng party, food and loads of goodies for the kids :)
Nang naka setup na, naglabasan na ang mga kids! Itong si baby ko for the day, sa akin tumakbo at kumandong. I love her, she's super cute at may taste kung kanino pupunta. Chos! May shades po sya, nilagyan kasi ni Empi :)
Though hindi planned, nagkaroon kami ng kanya kanyang kid for the day. Here are Joanne's and Empi's. Isang boy na lang daw ang kulang kumpleto na ang family nila :) Eto naman si Daddy Jun with his super pretty kid for the day :)
Pretty Arline and cutie Pao :)
Syempre pinakilala ko ang aking baby for the day sa kanyang ninang, si Ninang Marseng Joanne :)
After getting to know the kids, punta na kami sa dance portion ng clowns aka takutan portion for me. Takot kasi ako sa clowns, feeling ko bigla akong sasaksakin habang tumatawa tawa. Crazy no?! Well mas crazy ang clowns.
Dahil dyan, kahit tuwang tuwa sila sa clowns, doon kami ng baby for the day ko sa likod. Just in case topakin ang clown at least makakatakbo kami agad :)
Speaking of clowns pa din, sumunod na ang games for the kids! Nag Trip to Jerusalem, kung saan gi-nuide ng clowns ang mga bata sa pag ikot ikot. May time na binuhat ng clown ang bata at kinandong sa akin, napa sigaw talaga ako sa takot haha.
Buti na lang sa next game, ang pabitin, wala ng clown na pumapel. Si Miss Minchin na lang ang pumapel - tignan nyo kung paano sya makatingin sa akin, porke ako ang kumuha ng mga goodies para sa mga kids hahaha :)
Eating portion naman! Akala ko perfect na pareho kami ng baby for a day ko; may pagka masungit, witty, charming at takot din sya sa clown; pero nung kakain na - aba ang hina nya kumain! Opposite ko sya friends!
Nga pala, naka Skype sina Arvin at Gracie kaya nakasama din namin sila kahit paano sa event.
Eto mamatay man ako, totoong nangyari. Si Arvin nagpapakita ng sign na may nakasulat na POGI AKO, may isang batang babae na tumingin muna sa kanya sa screen, tapos humarap sa akin at umiling. Ung iling pa nya, parang iling ng mga doctor sa movie, yung pag tinanong kung mabuhuhay pa ang pasyente, iiling ng may halong lungkot. Pero okay lang yan Arvin, iba iba naman tayo ng pananaw sa kagwapuhan. Kung ako ang tatanungin mo...teka, maka pag costume nga muna ng pang doctor :)
Moving on..dumating na ang byebye portion! We had to say byebye to the kids na, pero picture-picture muna. Syempre mahirap kumuha ng matinong group pic pag mga bata ang kasama :)
Had to say byebye to my baby for the day! I super love her. I used to think I know how unconditional love feels, but turns out I actually didn't. Unconditional love is what I felt for my baby for the day, she's not perfect but she is perfect to me. She's makulit like any kid but you just can't get mad at them. I realized mas natuwa at mas may napala pa siguro kaming PBO'ers sa pag bisita namin sa mga kids, kesa sa other way around. It was a really touching and enriching experience.
We waved them byebye, then went upstairs to peek at the other kids and babies at the White Cross Children's Home. The babies were super cute! I can imagine how hard it must be like for the mothers of these babies to have to leave them. Hay, it was heartbreaking seeing the babies.
And that's it for PBO's first event! Parang unconditional love lang ang project natin, not perfect but it was prefect! Thanks everyone :)
Fun dinner - dito nameet ko na sina Rix and Erin :)
Cutie guys and pretty muse Deo! :)
Napag meetingan ang next event at nag botohan ng next officers. Guess what, naging president pa ako! Ohemgee, thanks guys! Dati binu-bully ako sa school at sabi sa akin pang muse lang ako (chos!) ngayon president na. Thank you all for your trust, I'd do everything para sulit ang boto nyo sa akin. Kung hindi, tama nga, pang muse lang ako hahaha :)
Ngayon, ako ay nilagnat, nahaggard ata sa pagod, puyat at beer at margarita lols. Pero keri na, tutulog ko na ulit mamaya. Anyways, that is it for our first PBO event, can't wait for more successful events to come! More power to us! :* I love you all guys!
BTW, hiniram ko ang ilang nyong pics mga friends, para sa entry na to. Thank you! :*