Hello everyone, ako po ay buhay pa! Busy lang sa kung ano ano at medyo masama ang pakiramdam ilang araw na. Meron ata akong "labnat!" :)
Anyways, share ko sa aking pag babalik ang aming very fun, tiring and wet trip to El Nido, Palawan last June 19. Nagka aberya kasi na late kami ng dating sa airport! 10 a.m. ang flight e na late kami ng ilang minutes. Natraffic kasi umuulan. Ending bumili ulit kami ng tickets at! 6 p.m. pa ang flight! Kaya sa pag aabang, may natulog..
..may nag nail art..
..at syempre, may nag daldalan at kumain ng kumain. Wala ng picture alam nyo namang ako yan haha :)
Eto nga pala ang aking mga kasama, ang mga sisters na sina Dj, Kitboy, Dennisse, Annie, Jaq, Inah, Ate Sarah, Mac and Dee. Pagod na sila mag intay kaya wala na sa mood.
At last alas sais na! Happy na at nasa mood na kami ulit. Si Tatay lang sa likod ang grumpy mood pa rin.
At airplane na! First plane ride ni Kitboy kaya memorable ang flight - para sa kanya.
Pag landing sa Palawan, derecho kami at nag dinner muna Kinabuchs! Noong tinatanong ko kung saan kakain tapos sagot nila "Kinabuchs" naisip ko parang "kina Bong", "kina Sherwinne" o "kina Tikboy" yun pala yun talaga pangalan. Labo ko no? Haha :)
Masarap ang food Kinabuchs! May tamilok pa pero pass ako doon, extreme na sa akin ang kare kare :)
Pag tapos ng dinner ay may 6 HOUR VAN RIDE, YES, TAMA PO YAN, 6 HOUR VAN RIDE papunta ng El Nido. Na flat lalo ang pwet ko sa tagal ng pagkaka upo. Gabi pa ang byahe kaya puro puno, kadiliman, puno at kadiliman pa ang view. Dumating din kami at last, AFTER A 6 HOUR VAN RIDE sa aming home for the vacation, ang Lally and Abet Beach Resort.
Madaling araw at madilim pa pag dating namin kaya nung umaga na namin nakita ang kagandahan ng resort.
Eto ang view namin! Breath taking!
After breakfast ay derecho na kami sa Island Tours. For Day 1, ang tour namin ay ang Face of El Nido, dadalawin namin ang Small and Big Lagoons, Shimizu Island, Secret Lagoon at 7 Commandos. Dahil hindi kasama si Marseng Joanne na pwede kong reference at mahina ang ala-ala ko, di ko na maalala kung ano bang mga isla ang pinuntahan namin haha.
Ang naalala ko lang ay tawang tawa kami kay Kuya Enteng, isang bangkero namin na nag sasabi ng "ridi, beg smayl!" pag picture-an nya kami :)
Ayan di maka get over sina Mac at Jaq sa ridi, beg smayl na yan :)
Ang ganda ng views ng mga island at rock formations na nadaanan namin!
I'm sure magagandahan pa dito lalo si Marse sa view na ito ;)
Si Sister Annie akala mo wala sa dulo ng bangka kung maka pag pose :)
May tinigilan kaming lagoon kung saan nag kayak at snorkeling kami.
Ang saya ng kaya ni Sister Inah, 13! :)
Sa pag ka excite ko, tumalon ako bigla sa tubig, wala ng life jacket! Part mermaid naman ako. Saya lumangoy sa open sea! :)
Ng napagod mag sagwan at nabusog na sa dami ng nainom na sea water, pumunta na kami sa 7 Commandos para mag lunch! Ayan may naalala akong island kasi doon kumain :)
Walang picture ng food, na excite kasi kami kumain. Buti na lang natapos na lunch bago nag picture ng ganito - naumay ako e! Sexy nina sisters! :)
Bilang panulak, bumili kami ng buko! BUKO KA BA? Baket? Ikaw kasi ang buhay ko e! Waley! Haha :)
Matapos ng kainan portion ay back to home base na kami, pero group pic muna. Ridi, beg smayl ulit! :)
Balik sa resort, naka tulog kami agad. Paano super pagod! At syempre recharge for the rest of the days to come!! Sa part 2 ng post na ito nyo yan makikita :)
May chismis pala ako : Sa El Nido, walang kuryente from 6 a.m. to 2 p.m. kaya bago mag 6, charged na dapat lahat ng dapat i-charge, planchado na dapat ang lahat ng planchado at i-record na ang The Ryza Mae Showwww!
Ayan ako naman mag blog hop dahil na miss ko ang mga blogs nyo. Kung walang sense ang comments ko, pasensyahan nyo na lang ako ay may "labnat" Thank you all and I hope we all have a great and love filled July! Much love, as always! :*