Hola everyone! Part 2 na ng aking kwento about my lovely trip to the lovely El Nido! Day 3 na!
Sa Day 3, kami ay dadalaw sa Secret Beach, Matinloc Shrine, Star Beach, Hidden Beach at Helicopter Island.
Tinanong namin kay Kuyang Banker-o kung bakit Hidden at Secret Beach pa din ang tawag sa mga beaches kung bunyag naman na sila - e syempre di nya nasagot ang pilosopo naming tanong :) Ito nga pala si Kuyang Banker-o ang cute nya in person kahawig ni Donaire! :)
First stop ay ang Secret Beach! Aba hidden nga sya. Naka tago sa loob ng rock formations ang beach na ito. Napa "oooh!!" at "aaah!!" kami ng mapasok namin ang Secret Beach! Sabay nga lang ng aming pag "oooh!!" at "aaah!!" ay ang biglang buhos ng ulan! Sayang at di kami naka pag picture sa Secret Beach. Nag swimming at snorkeling na lang kami to the tune of Ulan by Aegis.
Next stop after namin mapagod at manginig sa ginaw ay ang Helicopter Island. Yan ang pangalan nya kasi shaped syang helicopter pero walang elisi syempre. Yan sya sa pic sa baba, putol nga lang. Sa tingin ko dapat Chicken Joy Island ang pangalan nya, mas mukha kasi syang Chicken Joy! :)
Maganda ang view sa Helicopter Island, may rock formations..
..more rock formations (mas Sister Inah pa..)
..at syempre may ako! O ha! Hahaha :)
At dito ko pa nakita ang bahay ni Spongebob! :)
Mag pa-part time si Sister DJ sa pag gawa ng sand art! Galing :)
Sina Sisters Jaq, Dennisse at Annie naman naglaro ng taguan. Taguan ng baby fats :)
Dedma na sa baby fats nung lunch time na! Pinag handa kami ng mga kuyang bangkero ng super delicious lunch! Fresh na fresh ang seafood, buhay pa ang crab nung kinain ko haha :)
After kumain, dumighay at mag excuse me (may manners dapat) ay off to next stop na kami - ang Matinloc Shrine!
Ang kwento ni Kuyang Banker-o Donaire, pinatayo daw ng isang big time foreigner at asawa nyang Pinay ang Matinloc Shrine. Bukod sa shrine na pinag mimisahan dati ay may katabi itong mansion na bahay ng dating mag asawa. E nag hiwalay na daw ang mag asawa tapos inabandona na ang shrine. Chikadora si Kuyang Banker-o! Pwede sa The Buzzzz!
Isa pang chika ni Kuyang Banker-o ay haunted daw ang mansion at ang shrine. Di pa sinabing haunted ang buong island! Syempre pag scary ang story, tutok lahat sa pikikinig!
Dahil matatapang kami (kasi may araw pa) ay pinasok namin ang abandonadong mansion. Maganda pa ang mansion, may mga maaayos pang gamit sa loob pero puno ng basura at sirang gamit ang loob. Natakot ako mag picture sa loob kasi baka may makita ako sa camera! Pero syempre joke lang yan! Eto o nakapag pose pa ako sa sofa..
..at naka pag look up pa sina Sisters!
Nung takot na kami ay bye bye Matinloc Shrine na. Napansin namin yung ibang bangkero ay hindi bumaba ng bangka, kasi takot daw talaga sila. May experience kasi sila na may Chinese family na nag picture sa harap ng mansion - at sa picture ay wala ang dalawa nilang anak at may pumalit na babaeng mahaba ang buhok. Awwwoooo! Tinignan ko ang camera ko at may ganitong picture!
Pacute na multo! Napa jump shot na lang kami! Acheche! :)
Last stop for the day ang Star Beach kung saan inulan na naman kami kaya walang pictures. Best in snorkeling at nginig nginig lang kami sa kalamigan, again to the tune of Ulan by Aegis. Uwi na kami after. Dinner time after a few hours at kami ay nag dinner sa - - La Salangane, as modeled by Sisters Mac and Jaq :)
Gumagawa sila sa La Salangane ng sarili nilang rum. Ang cute tignan ng mga fruits! Parang ang sarap inumin lahat :)
For dinner I had tapsilog - one of the best I've tried! Ito pinili ko kasi french yung name ng ibang dishes e malay ko ba kung ano yun! Mamaya fetus ihain sa akin, kaya stick na ako sa alam ko na haha :)After dinner we had a round of their house rum! Tignan nyo kung matutuwa kami sa lasa..
..haha na-bad trip lahat! Ang pait! Thinner ata napa inom sa amin!
Si kuyang bar owner naman natuwa sa amin, aba nilibre pa kami ng isang round! Kung hindi lang sya nakatingin baka tinapon namin ang shots haha :)
Eto nga pala ang aking coolest room mates! Sisters Kitboy and Annie! :)
And the rest of the crew with Kuyang bar owner :)
It was a fun dinner but we had more fun back at home base. A few rounds of drinks habang nag lalaro ng In Between - kung saan ako ay natalo ng halos P200! Okay lang ang saya naman e. Had to call it a night kasi uwian time na the next day.TIK-TI-LAOK! 4th and last day na sa El Nido! We were up early and packed then went on our way back to Puerto Princesa. Along the way we dropped by Fuerza de Sta Isabel, a fort built way way back in 1667.
Patay ka sa pose ni Ate Sarah :)
Taytay ang pangalan ng town kung nasaan ang Fuerza de Sta Isabel at may marker sila ala Hollywood! Ang galing! Sana lahat ng lugar ganito para pag magtatanong ka "asan na ako?" madali mo malaman ang sagot :)
Next stop namin ay ang Baker's Hill. Sikat na hill to kasi may mga baker haha :) Kaano ano kaya ng Baker's Hill ang Silent Hill? #waleyangjoke!
Bili bili ng pasalubong pag may time, at pag may pambili syempre. Sarap ng pastries dito! :)
At akalain mong may tamilok for sale din dito. Argh!
Mas argh ang kili kili power ni idol Marilyn!
Argh naman ang sound ng karate chop!
Argh din ang tunog ng pirate!
Argh nako ang corny ko na haha! Basta enjoy kami sa Baker's Hill! :)
BTW kung buhay ka pa after ng pose ni Ate Sarah kanina, dito sure ka na :)
Bye na sa Baker's Hill at move on na kami sa iba pang pasalubong shops. Nothing special kasi usual pasalubong lang naman. Pinag kiss ko lang sina croc at turtle para cute.
We had dinner after at Bilao at Palayok - known resto sa Puerto Princesa. Known for it's very native interiors and yummy food! Price reasonably too :)
Food was great! The best itong crunchy kare-kare! 10 out of 10 spoons! :)
At tapos ng dinner ay airport na kami at fly back na pauwi ng bahay. Nag parachute ako pabagsak ng Antipolo para tipid sa pamasahe haha. Ayan ang aking mahabang post, sana di naman kayo napagod o inantok sa pagbabasa :)
El Nido is a very lovely place, I hope you get to visit it too! At sana hindi maulan pag nagpunta kayo para ma enjoy nyo ang tour, maka pag-picture kayo ng maayos at hindi kayo ginawin sa bangka (to the tune of Ulan by Aegis syempre) I'm very happy and thankful I got to visit El Nido, another place I can cross off my to-go list! :)
Thanks all for reading and tagging along! God bless and as always....much love from me to all of you! To Tikboy X 1,000,00 na love! Yihee! Hehehe :)