Hi everyone! May detailed posts na sa blogs nina Marseng Joanne, Arline and Empi kaya quick post na lang ito about the highlights of our fun ( and super kaduper uber tiring ) Siargao trip :)
BYAHILO BYAHAGGARD
Kwinenta namin ni Marseng Joanne (actually sya lang nagkwenta dahil mahina ako sa Math) at almost 12 hours kaming nasa byahe. Taxi, plane, van, boat and habal habal ride. Kung nakaka pag salita lang ang pwet ko, sisigaw na sya sa pagod kaka upo.
FUN HABAL HABAL RIDE
Super fun ng habal habal ride namin ni Marseng Joanne! Mega kaway kami sa mga nadadaanan naming mga tao, we were listening to music with matching sing and slight dance, tawa, kwentuhan. Nang naka kita kami ng rainbow, sigaw pa kami on the top of our lungs "may rainbow! may rainbow!" Buti hindi kami sa mental dinirecho ni Kuyang habal habal driver!
CHURPRISE!
May simple surprise kami para sa birthday boys na sina Empi and Arvin. I prepared a banner and balloons, si Marse naman nag pahanda ng cake. It was funny how I was up at 2 a.m. blowing balloons in the toilet. Ang hirap umihip ng lobo ng walang tunog ha infernes! Yung cake naman na pinahanda ni Marse, slightly fail - Alvin at EmIi ba naman ang naka sulat! At ang lettering akala mo pre school ang gumawa, kalowks! But still, glad that we were able to surprise the bday boys :)
BASA SA DAGAT
Inday! Ang boat ride papunta sa mga islands at caves ay buwis buhay. Umuulan sa gitna ng dagat, tumigil ang bangka, pinasok ng tubig. Sana pala kumanta ako ng "heto ako basang basa sa ulaaaan!" e kaya lang tulog ako hahaha :) Ako lang nakakagawa ng buwis buhay kaganapan e, nakakatulog pa rin. All is well naman, salamat kay Papa God of course! :)
JELLYFISHING! JELLYFISHING!
In the Bucas Grande Island, we saw jellyfishes Such a fun and surreal experience. Made the super tiring boat ride worth it. They were so cute and gentle - syempre dahil stingless sila.
Nung una may halong slight takot pa kami ni Marse sa mga jellyfish. Just look at our reactions on this stolen picture. Priceless! :)
TO THE BAT CAVE!
Okay not really bat caves, but we went to caves! The Hagukan Cave and the Sohoton Cave. I am afraid of A LOT of things, isa dyan ang caves, malamig na tubig at spiders ( o lugar na feeling ko ay may spiders) so ibang level ang takot ko ng pumasok kami ng caves. Pero go pa rin, pinikit ko na lang mata ko ng di ako gaano matakot. Huli ang pag pikit technique ko sa pic sa lower right. Galing no! :)
TALUNAN PORTION
To get off the Sohoton cave, we had to jump off a platform, I guess was about 12 feet high. Ang babagsakan ay open waters! Isa pa ang takot ko ang heights pero inunahan na ng katawan ko ang isip ko kaya nakaya ko tumalon! Si Marseng Joanne din naunahan ng pagtulak ni kuya ang katawan at isip nya kaya no choice na sya hehe. Too bad wala kaming pics nung tumalon, ito na lang - super saya namin no?! :)
ISLANDS PHILIPPINES!
Boat ride again to 3 super lovely islands - the Naked Island, Daku Island and Guyam Island. Favorite ko ang Guyam Island, that's the one in the very bottom of the pic below - super quaint and charming :)
METRO SHOOT
Sa mga islands na yan syempre ang venue ng aming controversial shoot! Bongga di ba? Dito ko din na meet ang super cute puppy na kamukha ni Ivy from Pokemon. She's so sweet kung pwede lang ay inuwi ko na sya :)
SURF'S UP DUDE!
At last naka pag surfing ako ulit! It was loads of fun though super tiring kasi ang dami naming ginawa the whole day. My arms hurt so much hindi ako magugulat kung natangal na lang bigla ang mga braso ko at lumutang lutang sa tubig. Anyways, it was fun too because first time ma-experience nina Arline, Empi and Arvin mag surf! Ang saya! Too bad though wala kaming pics while surfing, wala kasing photographer.
KITAKITS PORTION
Super fun to see and meet Lala and Baste! Really glad they had time to spare just to meet us. Ang saya saya! Si Lala hinatid pa kami sa airport, hindi lang kami naka pag bonding ng bongga kasi antukin ako hahaha :)
Anyways, I love how being a blogger can make me have more friends, di lang sa cyberspace - kung di sa totoong buhay pa. Aww love you guys! *tulo luha from left eye.
BUNDATAN PORTION
At syempre hidi kumpleto ang post na ito kung walang food pics! Sadly hindi gaanong bongga ang mga kainan experience namin. Pero okay na din! My fave meals are the one we had after our surfing trip - kumain ako ng inihaw na manok, longganisa at vegetable kebab, 2 rice! at syempre ang Jollibee breakfast. Nyam!
And that is it for our fun ( and super kaduper uber tiring ) Siargao trip! :) Sana next time makasama namin kayo sa ganitong adventures!
Ayan makaka pag blog hop na ako, see you guys sa PBO Bazaar for a Cause on the 24th! May time pa kayo humabol sa pag donate ng items that we can sell! :)
Thank you and God bless! Love lots as always!