Dati ko pa nakikitang pinopost sa Instagram ng mga celebrities gaya nina Divine Lee, Kris Aquino at Gretchen Barretto ang Haribo - isang brand ng gummy bears. Tuwang tuwa sila sa Haribo, at syempre bilang dakilang matakaw, nacurious ako kung gaano ba talaga kasarap ang Haribo. To my surprise may Haribo na pinadala sa akin ang aking dating Team Captain (Hi TC Jescy!) At last matitikman ko na ang hyped na Haribo! Ang lasa nya? Matabang! Mas masarap pa ang Potchi! Na-realize kong hindi pala porke hyped ang isang pagkain ay masarap. O baka pang Potchi lang talaga ang taste ko? :)
May bago kaming pet dog, si Tom the hairy chihuahua. Dati akala ko maliit na si Pinky, the maarteng chihuahua pero ngayong nakita ko si Tom na super liit (tipong pwedeng maging keychain) aba na realize kong malaki pala si Pinky. Nag birthday ang aking dear sister / kawarlahan sa bahay na si Carla. Hindi ko na tinanong kung ano ang edad nya kasi mare-realize ko ang bitter truth. Na kung matanda na sya, aba mas matanda ako. Pero at least hindi halata!
My dear friend June's father passed away last week. He passed away in his sleep, without showing any signs that he was ill the night before. It was so sudden. It made me realize na minsan, nasasanay lang tayo sa mga bagay na minsan hindi natin napapahalagahan, sa routine, sa taong tingin naman natin ay laging magiging andyan.
Pero pwede pala silang mawala, ng walang pasabi, sa panahong hindi natin inaasahan. It made me think and realize I should show my family and my friends more, how I love them. It may seem like I'm thinking morbidly, but at least I always know that whatever happens I make the people who are special to me, know how much they are.
Syempre walang pic galing sa burol, pero ito ang super cute pamangkin ni June na si Ygo aka Super Cute Bhebhe!
May change sa work, magkakaroon kami ng bagong team leader. Ayaw namin syempre. Napa isip pa kami ni Marseng Joanne na mag resign at humanap ng ibang trabaho. Tapos biglang ang balita ay paghihiwahiwalayin kaming mga team mates at ikakalat sa ibang team. Lalo kaming nalungkot. Napa isip na okay na din magka bagong team leader, wag lang kami magka-hiwahiwalay. At yun nga nangyari in the end, magkaka team pa din kami, may bago nga lang team leader.
Ang gara lang at na-realize ko na kailangan pang may mas malalang pwedeng mangyari para matangap namin ang pagbabago. Kailangan minsan isipin na hindi naman lahat ng pagbabago ay masama, baka may mas masama pa palang pwedeng mangyari.
Eto nga pala ang mga naisip kong pwedeng ibang work ni Marseng Joanne in case mag resign kami. Ano sa tingin nyo ang pinaka bagay sa kanya, hmmmm? :)
Pole Stripper?
Drug Mule?
Babaeng Ahas sa perya?
Ang saya saya ko lang sa aking Patootie (yes yan ang aming tawagan) Ngayon ko na-re-realize kung bakit hindi nag work out ang aking mga relationships dati. Nahirapan din ako matangap dati ang mga nag fail kong relationships, kasi lagi ako nag o-obsess, nag i-isip paulit ulit kung bakit kaya hindi kami naging successful, o kung may kulang ba sa akin, etc etc. Nakaka pagod mag isip ng mga bagay na wala namang makukuhang sagot.
Ngayon, maaga pa masyado pero masayang isipin na ito siguro ang dahilan bakit hindi nag work out ang dati. Kasi makikilala ko pala si Tikboy, na para sa akin ay ang pinaka mature, loving, thoughtful, sweet, gwapo at lahat lahat na. I feel very stable and I feel I can just be my crazy self when I am with him. I have never been this happy, it is sooooo worth the wait.
And that is a rundown of my recent realizations. I believe that realizations are lessons time has presented to us, that we have to take time to understand and accept. If we meet these lessons along the way and do not realize what they are, we are making a waste of our lives.
So we must keep our eyes wide open, our hearts full of love and our minds ready to accept new things. Life is full of realizations! :)
That is all my friends! Much love from me to all of you! Love love love! :*