Hello hello everyone! Today sa post na ito ay sha-share ko sa inyo ang loob ng aking newly painted home.
Dati ko pa nasabing hindi ko feel na bahay ko na talaga ang bahay ko hangang hindi sya gray (arte lang, kunwari sosyal) and I'm glad to say na ngayon feel ko na bahay ko na talaga sya! Oh yes!
Tutal naman ay favorite ko ang moon, ang pinili kong shade ng paint ay Moonstone Gray at white naman para sa lahat ng ibang bagay. Para fresh lang ang colors. Eto na ang pictures..ika nga ni Korina..handa na ba kayo?! :)
Ang aking closet, mirror at board of pictures :)
Ang aking kitchen and my white cabinets! :)
White na din ang aking table :)
My desk ek-ek! :)
My ever growing collection of framed pictures! :)
My Totoro banyo! Pinaint ko si Totoro ng matakot ang mga kingin@ng mga gagamaba na yan! Mga hayop! Alam ng takot ako sa gagamba, sa bubong pa namahay!
Anyways...kaya lang ang cute ni Totoro, baka mag pa-picture lang ang mga gagamba! Buti na lang may resbak pa, si little dog Tommy.Ang cute din pala ni Tom, baka sya pa matakot sa gagamba. Ano ba yan lahat na lang kami sa bahay na'to cute! Hahaha :)
And that is how my home looks like now - just how I like it :) Special thank you to Patootie who helped me paint the kitchen! Kahit may picture ako ng aking crush - the late Koh Masaki, ikaw lang ang aking love :)
Speaking of Patootie, he made this list on our first monthsary - a list of things to do. For 2013 lang dapat e kapos sa time, so extended yan! Pang 1 year na! Ay may DONATE BLOOD TOGETHER PALA! Pang 50 years na to, takot ako sa injection!
Isa pa lang ang nagawa namin, ang BREAK A LAW TOGETHER - yan ay matapos humarurot sa motor si Tikboy habang hinarang kami ng pulis dahil wala kaming helmet haha :)
Ngayon, dalawa na ang na Check na Check sa Patootie List - pang number 2 ang CREATE A SIGNATURE DISH! :) Ang ginawa namin ay ang Patootie Ramen. Signature to kasi may carrot na korteng P at may carrot din na korteng heart. At ito lang ata ang lito na ramen kasi mukha syang mami hahahaha :)
Syempre may oh my gulay; carrots, Baguio beans, mushrooms, wansoy, Chinese cabbage..
..at syempre may noodles. Kung puro gulay e di salad lang yun. Hindi namin alam kung ano nga palang type ng noodles ang pang ramen kaya lomi ang binili namin. Very mami tuloy ang peg :)
Pero syempre masarap ang Patootie ramen, mainit, masabaw at puno ng pag mamahal. Hindi man sya sinigang, sya ay may asim kilig!!!! :)

BTW kung napansin nyo, sa Patootie List ay may EXCERCISE AND STAY FIT TOGETHER - kung STAY FAT na lang sana yun aba e di sana tatlo na nagawa namin haha :)
At ayan lang po ang gusto kong i-share sa inyo. Ay eto pa pala..may rainbow nung isang araw, ang saya lang. Totoo ngang may rainbow pag katapos ng....kasal ng tikbalang :)

Have a great day y'all! Mwahs! :)