I'm back balakubak! :)
I'm going to share my super fun trip to the lovely Nagsasa Cove. Nagsasa Cove is in Pundakit, San Antonio, Zamabales. Para maka punta doon, pwedeng mag Victory Liner bus mula sa Cubao. Byaheng Iba, Zambales. Pwede ding mag plane, tapos parachute ka pababa.
Kami ay napa cutting trip kasi di namin naabutan ang unang byahe. Kaya nag bus kami papunta ng Dau, Pangasinan - tapos bus ulit papuntang Olongapo, tapos bus ulit papunta ng San Antonio. 3 bus! Naflat na ang pwet ko kaka upo! At teka, di pa tapos ang upuan! Pag dating ng San Antonio, mag tricycle papunta ng pangpang. Tapos isang oras na bangka ride papunta ng Nagsasa Cove. (Lista ko mamaya lahat ng gastos)
At syempre natapos din ang kakaupo! Nakarating din kami at last! :)
Kuya Noel ano po ang gagles? Paki explain, labyu!
Ang ganda sa Nagsasa Cove. Gaya ng neighboring sister nito na si Anawangin, ang Nagsasa ay may mga pine trees. Napapalibutan din ito ng mountains kaya pwede mag "the hills are alive, with the sound of myusssiiiicccc!" kung ganyan ang trip mo. Pwede ding mag Hills Have Eyes, pero wag naman sana, scary yun e!
Walang cottages (pero may banyo), walang kuryente at limited ang pagkain sa Nagsasa, kaya kailangan may dala kayong tent at baon na food. May tents for rent naman at may palengke sa San Antonio kaya pwedeng mamalengke ng mga babaunin. At dahil sosyal kami, di lang basta palengke food ang baon namin - may JCo kami :)
Bumili kami ng mga iihawin at ang perfect sa mga hot and steamy scenes gaya ng ihawan? Talong at itlog na pula :)
At may baon din kaming favorite ko, kahit amoy namama latcha - ang tupig! <3 comment-3--="" nbsp="">3>
At syempre hindi mawawala ang halo halo! Ang saklap lang kasi lasang gawa ng bata ang halo halo sa Nagsasa. Kay lungkot!At dahil dyan, binigay na lang namin sa mga bata. At least sila na enjoy nila :)
Speaking of bata, ang mga kasama ko ay ang aking bff mula nung bata at musmos pa ako, si Myla. Artistahin ang puti ko pag katabi ko si Myla, I love it! :) Kasama din si Chud at si Emer.May hammock kami na sinabit para achieve ang laid back beach life :)
Pahirapan mag pabaga kaya buti na lang may malakas maka Transformers na portable kalan si Chud. Kabitan lang ng butane at boom! Kalan na! :)Pero kailangan pa din magpabaga kaya yan ako, nagbabaga sa katabaan :)
After 37 na sunrise at sunsets...
..Tito Boy...ihaw naaaaa!
We had inihaw na piggy, inihaw na fishy, inihaw na talong at itlog na pula with kamatis. Sarap! :)For dessert, we had marshmallows, roasted on a bonfire! Sosyal! :)
Matapos ng kainan portion, kwentuhan portion, ligpitan portion ay tulugan portion naman. Para ma enjoy ko ng todo todo ang nature ganap, natulog ako outdoors, sa hammock. In fairness walang lamok, pero naka surround sound ako ng "tuuukkkkoooooo!" Enjoy na enjoy naman ako at para sa akin, isa yon sa best tulog ko ever :)Tananananan! Kinabukasan, breakfast na! For breakfast we had hotdogs, scrambled eggs, bread and soup :)
Group pic ng mga gutom! :)
Maisingit lang - ito ang aking "nilapastangan ako and I kinda like it look" :)
Nag hiking kami after lunch. Dahil nga napapalibutan ng mountains ang Nagsasa, pwede kang mag hike sa mga ito. To the tune of The Climb by Miley para masaya.Ang ganda ng view sa tuktok! Pero hindi pa talaga tuktok yan. Dahil madali kami mapagod ni Myla, nagpa iwan kami sa gitna ng bundok. Gusto ko pang umuwi ng buo kaya hangang dyan lang kami.
Sina Emer at Chud na akyat bahay ata, syempre narating ang tuktok. Sila na!
After ng bundok climb, pumunta naman kami sa isang lake sa isa pang side ng Nagsasa Cove. May stop over muna - ang Camp Bira Bira!At ang aking official ride bilang ang reigning Miss Zamabales :)
Tapos ng kalokohan ko (at outfit change) nakarating na kami sa lake. Breath taking ang view, promise! Kahit di umabot ng tuhod ko ang tubig sa lake, ang ganda naman ng view. Mapapa mura ka sa ganda :)Parang baby fats ko lang din na napamura ng very sweet :)
Balik kami sa aming camp para mag lunch. Naubos na ang aming supplies kaya di na bongga ang food namin - tiis na sa tira tirang hotdog! Cheers! :)
Matapos nyan ay sinundo na kami ni kuyang bangkero, nag tricycle, nag 2 bus, isang taxi at tada! Nasa bahay na kami. Ibang level ang pagod ko sa byahe pero it's all worth it! Fun memories, bonding with friends at pictures to last a lifetime :)
Eto na ang mga gastusin, in case mag plano kayong mag Nagsasa Cove :)
Bus Fare - Php 350.00 each - one way / 4 - 5 hours travel time
Tricycle - Php 30.00 each - one way / 30 mintes travel time
Boat Ride - Php 1,600 for a boat for 4-5 persons, roundtrip / 1 hour travle time
Fee for staying at the island - Php 100.00 each
Tent - Php 200.00 - good for 2 persons
Firewood for bonfire - Php 150.00 or gather your own firewood, for free :)
And that's it! See, it's a super affordable trip and isn't as far as other beaches :) It's a wonderful experience too because you get to enjoy the not so comfy yet fun and great outdoors :) If you have yet to visit Nagsasa or Anawangin - you should visit it, now na! :)