I have always wanted a tattoo. Pero syempre ang tattoo ay matagal dapat pag isipan at pag desisyunan. Hindi sya parang turon na maiisip mong "gusto ko ng turon!" sabay punta sa kanto at bili ng turon. Sorry na comparison, nag cra-crave ako ng turon e.
After years of thinking, I pushed through getting a tattoo last Friday. Sa mga nag iisip o nag pla-planong mag pa-tattoo - ito ang aking tips, based na din sa aking experience :)
1. Anash Design?
Matagal kong inisip kung ano ang design na gusto ko. Nag browse ako sa Pinterest, sa Buzzfeed, nag ocular sa Muntinlupa, naki pag eye ball sa mga ex con. Hindi ko alam, sya lang pala ang sasagot sa mga katanungan ko.
Hindi si Kuya ha! Yung tattoo nya :) Syempre kailangan ang design ay relevant sa akin. Something special at di pag sasawaan. At dahil favorite ay naniniwala akong lucky sa akin ang 13 - Roman numeral XIII ang naisipan kong ipa-tattoo. (Thank you random kuya for the inspiration)
2. Kelan Itey?
Kung random ka lang na tao, dedma lang kung kelan mag patattoo. Pero sa gaya kong sentimental, pinag isipan ko talaga ito.
March noon at nakita kong ang susunod na Friday the 13th ay sa June. At dahil gaya ni Killer Jason, isa ko pang favorite ang Friday the 13th, set na yan. At may bonus pa! Full moon ang Friday the 13th sa June. Rare occurrence, ang susunod ay sa 2049 pa. E syempre alam nyo naman lunatic ako at favorite ko ang full moon kaya push na push na talaga ito! Nag align ang buwan at Friday the 13th para sa akin :)
3. Sanchi?
Syempre iisipin mo kung saan lalagay ang tattoo. Kung gusto mong pangalandakan - sa noo o sa pisngi mo palagay. Ako dahil unli talak ang mapapala ko kay Mama at Papa, kailangan tago muna ang tattoo. Hindi pwede sa waterline (eyeliner pala haha) at sa noo. So sa upper thigh ko naisip. Para mga maswerteng tao lang din ang makaka kita ;)
3. Push Mo Te?
Next, sinet ko ang sarili ko kung kaya ko ba talagang mag pa tattoo at kayang mabuhay na kasama sya FOREVER. Ang ginawa ko, araw araw kong drina-drawing ang tattoo sa aking thigh tapos minamasdan ko sa harap ng salamin, may hawak na kandila sabay sabing "Candy Man, Candy Man!"
At natangap ko naman sa sarili ko na kaya kong mabuhay na kasama sya forever. Inisip ko din ung malaki kong peklat sa legs dahil sa motor accident, at kung sya nga nakaya kong dedmahin, si tattoo pa kaya.
4. Kaninong Parlor?
Syempre ibang uri ng parlor ito - ang tattoo parlor. Kailangan dun ka sa may pangalan naman na tattooan. Wag sa tabi tabi lang dahil baka maging mukhang tattoo ng taong bilibid ang tattoo mo.
Ako, doon sa Lucky 31 kung saan sinamahan kong mag patattoo ang aking friend na si Linday years ago.
Ang nag tattoo sa akin ay si Butching. Cute ng name parang batang palaboy lang :)
5. Sinetch Ka-Join?
Nabasa ko na dapat may kasama ka pag magpapatattoo ka. Para may kausap ka at ma-distract habang tinutusok tusok. Dahil wala dito si Patooties, sasamahan dapat ako ni Lindsay pero may pasok sya. Si Rex na bf na lang nya ang sumama sa akin. Mainam di na lalaki ang sinama ko, at least nag kwentuhan sila nung magta-tattoo. Ang hirap kumausap ng straight na lalaki minsan, nauubusan ako ng topic! haha :)
6. Anong Ganap?
So pag dating doon, sasabihin mo syempre kung ano ang design at saan mo lalagay. Una, i-ske-sketch ng artist an design na papel. Kailangan maging vocal ka kung may gusto ka pabago o ipa-dagdag kasi tandaan, wala ng burahan to.
Pagka sketch, i-o-outline ang skecth kung saan ilalagay ang tattoo.
Ito pala ang nakaka tawang eksena. Tinanong ako ni Butch kung naka boxers ako, sabi ko hindi. Sabi nya"brief?" Sagot ko "hindi din. Naka t-back ako!" Tapos inexplain ko na para mas madali, kaya ako nag t-back. Pag baba ng shorts ko sabi nya "t-back nga!" Naloka siguro.(Pinixelate ko ang pics para di kita ang aking singit. Di dahil kita si ZaiZai Jr :))
So ayan na, trinace ni Butching yung sketch sa transparent paper, may pinahid na oil sa akin, tapos dinikit ang sketch at tada! Lumipat ang outline! Magic! :) Nung nilabas na ang pang tattoo - sabi ko"ay okay na pala tong drawing lang". Natakot lang :)
Nung ilalapat na sa akin ang pang tattoo, natakot ako, feeling ko sobrang sakit. Tapos naririnig ko pa yung"tzzzzzzzzzz! tzzzzzzzzzzz!" parang bubuyog! Pero ng naumpisahan na, surpise of all surprises! Di ako nasaktan! Nakatulong ata ang mga stretch marks ko haha. May times na nag dudugo ung tinatattoo pero okay lang. Para lang ginuguhitan ng ballpen.
After ng outline, i-shade naman ung blank spaces ng tattoo.
At sa haba ko, montik na di mag kasya sa picture :)
After one hour - natapos na ang tattoo! Ang saya! Uwian na! Pero pic muna with my first tattoo artist - si Butching :)At ayan, may tattoo na ako! Meet - Trese :) BTW, Php 1,500 ang price nya.
7. Anong Ganap After?
Syempre may after care ang bagong tattoo. Ang bilin sa akin ni Butching ay lagyan ko daw ng petroleum jelly at takpan ko daw ng cling wrap at i microwave. Haha! Palitan every 2 hours. Wag kamutin at sabunin at least 3 - 5 times a day. In 3-4 days daw ay gagaling na sya. Gagaling sumayaw? Kumanta? Di ko nalinaw.
At ayan ang aking tips kasabay ng kwento ng aking first tattoo :) Pareho na kaming may tattoo ni Patootie kaya kami na ay - Tattotie Pattooties :)
I love my tattoo and so far I have not regret it. If you're planning to get one, do think it over a lot of times, and if you do not like tattoos, okay lang yan :)
Thanks for visiting my blog everyone! Have a great week ahead! :) :) :)