Naka leave ako for the first four days of March dahil may plan na mag Boracay kami ni Pats to attend a wedding ng kaibigan nya. E may dumating syang boss from China, tapos wala pa kaming na book na flight, tapos..tapos..so hindi na lang tuloy. Yung kasalan naman sana natuloy.
Anyways, para hindi sayang ang leave, kung ano ano ang ginawa ko! Ito ang first - ang pag dalaw sa at last ay nag open na after renovation - ang Hinulugang Taktak!
Kapansin pansin naman na may narenovate sa Taktak. Nabago ang mga landscaping ekek, nagka plants, pati yung pool mukhang luminis. Mukha lang, puro dahon pa din sya.
Ang hindi lang nakakatuwa ay ang humabol na experience namin ng paalis na kami. Tinanong kami ng same guard/pulis na nagsabi sa amin na in verbatim - WAG MAGKAKALAT, BAWAL MAG YOSI - na "saan nyo po tinapon yung basura nyo?" Ako naman parang kinder na proud pang sumagot "doon po sa basurahan" Si kuya ang sagot ay "naku sir bilin naman po namin, ang pinasok nyo pong basura, dadalin nyo po palabas, bawal mag tapon sa basurahan sa loob".
So syempre ang reaction ko ay natulala at napasabi na "hindi po ganyan ang sinabi nyo kanina at bawal mag tapon sa basurahan???"
At ang sagot ni guard/pulis na mukhang sya pa ang nainis ay OO, mafi-fine daw kami ng Php 500. May iba pang guard/pulis sa likod nya na tila ba ume-echo echo. Pero nakita nya siguro kung gaano kabanas ang mukha ko at nag advise sya na pwede daw namin kunin ang basura para hindi na ma fine. E di syempre kesa mag bayad, mas pinili namin maging instant basurero. Aba 50 pesos lang ung kinain namin, ma fine ng 500?! Hinanap namin ni Ge ang mahiwagang trash bag. E wala na ang trash bag! Pinagtanong tanong namin, natapon na daw.
Ang magara lang, ung napagtanungan namin na ibang guard/pulis, ang sagot ay "ah yung Jollibee!""Sasawayin ko dapat kayo kaya lang kumakain ako". So nakita na pala kami, hindi pa sinaway. Hindi malabong maisip na baka sinadya ang mga pangyayari.
At dahil wala na ang basura. akyat ulit kami. Ang hirap pa naman umakyat, tignan nyo naman ang paghihirap ni Ge..
So ayun, inunahan ko ng talak si guard/pulis. Inulit ko ang sinabi nya, na wala syang binangit na (again, nakaka lokang isipin) na bawal mag tapon sa basurahan. Umokay na lang si kuya. Buti hindi pinilit ang 500 fine kung hindi ihuhulog ko talaga sila sa falls.
Okay na sana ang aming morning sa Hinulugang TakTak, nakita namin ulit, na enjoy ang renovation, etc, nasira nga lang sa tingin ko lang naman ay mini pangongotong scheme. Haist!
Kaya ayan, ako na mismo ang magsasabi sa inyo. In case mapunta kayo sa Hinulugang TakTak, BAWAL MAGKALAT PERO BAWAL MAGTAPON NG BASURA SA BASURAHAN. Ayan lang po.
Anyways, para hindi sayang ang leave, kung ano ano ang ginawa ko! Ito ang first - ang pag dalaw sa at last ay nag open na after renovation - ang Hinulugang Taktak!
Ayon sa alamat na verified by Google, may naghulog daw ng malaking bell sa falls kaya ganon ang pangalan. Buti hindi inupdate kundi naging Hinulugang Trash Trash na ito, kasi naman naging makalat ang TakTak for sometime. Kaya ganun na lang ako (at ang ibang taga Antipolo na rinonevate ito)
Libre, walang entrance fee! Ang bilin lang ni kuyang guard/pulis ay, in verbatim - WAG MAGKAKALAT, BAWAL MAG YOSI. Okay. Para kaming asong display sa FX ni Ge sa pag tango. In unison. At kahit naman hindi kami sabihan ni kuyang guard/pulis, hindi naman talaga kami magkakalat. Edukado po kami kuya.
Pag pasok ng park, ang saya! May mangilan-ngilang tao at may mga family pa na parang nag pi-picnic.
At ang Taktak falls, ganun pa din naman.
May baon kami ni Ge na beef-beef-beef-beef, garlic pepper beef!
Pagkakain, nag hanap kami ng basurahan. Aba wala kaming nakita, ang nakita lang namin ay ang very, very suspicious na spring water na tumutulo mula sa pvc na tubo....hindi nag tiwala si Ge, pinanghugas lang ng kamay.
Eventually may nakita kaming garbage bag na puno ng dahon at doon namin tinapon ang pinagkainan ng beef-beef-beef-beef. (May relevance po ang kwento tungkol sa basura kaya paki subaybayan please) Tapos ikot ikot ulit kami at picturean!Kapansin pansin naman na may narenovate sa Taktak. Nabago ang mga landscaping ekek, nagka plants, pati yung pool mukhang luminis. Mukha lang, puro dahon pa din sya.
May bridge pa to the other side!
Ito ang view from the other side :)
Tumambay kami under the shade of trees at inenjoy ang view ng falls kahit may amoy na mahirap i-enjoy. Understandable naman na kahit anong renovate ng paligid, kung hindi pa rin disiplinado ang mga tao sa pag alaga ng tubig bago mag TakTak falls, e syempre madumi pa din ang babagsak na tubig. #lagotkayokayMariangMakiling #tagaLagunangapalasya.
Nakakatuwa na makitang ang daming naglilinis sa TakTak, makitang mong active talaga sila sa pagpapaganda nito.Ang hindi lang nakakatuwa ay ang humabol na experience namin ng paalis na kami. Tinanong kami ng same guard/pulis na nagsabi sa amin na in verbatim - WAG MAGKAKALAT, BAWAL MAG YOSI - na "saan nyo po tinapon yung basura nyo?" Ako naman parang kinder na proud pang sumagot "doon po sa basurahan" Si kuya ang sagot ay "naku sir bilin naman po namin, ang pinasok nyo pong basura, dadalin nyo po palabas, bawal mag tapon sa basurahan sa loob".