Quantcast
Channel: Zai moonchild
Viewing all articles
Browse latest Browse all 111

Tanay Road Trip

$
0
0

TBT ENTRY! :)

Last June 7, Sunday, nag align ang mga bituin sa langit at naka pag road trip  kami ng familia Buenavista. Bihira lang kami maka alis ng aking family kasi  busy sa trabaho, school, pag tulog, pag kain - kaya pag may ganitong  okayson, ang saya saya ko talaga.
Ang pupuntahan namin? Ang far away land ng Tanay, Rizal!
2 hours din ang trip namin from the bundoks of Antipolo to the faraway land of Tanay. Ang pupuntahan pala namin ay ang Tanay Adventure Camp. Sabi ni Mama, dito daw sya nag military training kaya bidang bida sya sa lugar. Kulang na lang mag abot ng flyers hahaha :)
Php 300 ang entrance sa Tanay Adventure Camp. Si Mama, bilang dakilang kuripot wais, chinika lang ang bantay. Sabi nya nag training daw sya dun at papakita lang sa amin ang grounds. Go daw sabi ng bantay. Bumungad sa amin ang nasa baba..

..nag flashback nung nakidnap ako! Haha. Anyways, sabi nga ng name ng lugar, madaming pang adventure activities sa Tanay Adventure Camp. Una naming triny ang mga lubid lubid na tulay. 
Ang saya saya lang tumawid sa lubid! May konting panganib kasi medyo mataas at bato bato ang babagsakan. Pero okay na, sabi nga, para sa ekonomiya! Tignan nyo si Papa halos mag power nap na.
Next nag hiking kami! May mini mountain or should I say hill sa grounds kaya inakyat namin, since andyan na sya di ba. Tamis tamisan pic muna ni Papa at Mama.
 Kahit hindi super sunny, ang init! Hulas lahat ng pwedeng humulas. Ang sarap lang mag hubad.
 May nag hubad nga ata talaga, may shorts sa isang sanga ng puno! Asan na yan ha haha.
We decided na tumigil na sa pag hike dahil hindi kami sadista. Tambay kami sa ilalim ng puno :)
At dun sa ilalim ng puno naganap ang epic na Pangako Sayo scene ni Mama at Papa. (Insert ang epic din na pag birit ni Vina Morales..)
Bumaba na kami after at kakain na ng lunch! Pinakita sa amin ni Mama sa baba kung saan daw sya nag luluto while on training. Tingin nyo ba nasunog ung niluto ni Mama? :)
Speaking of niluto, sabi ni Mama a day before the trip na sya daw mag luto ng kanin at ulam, sabi ko ako naman sa snacks. Laking gulat ko ng makita ko ang niluto nyang lunch namin - kanin at nilagang itlog! Hahaha! Kaya kami nag aral mabuti para hindi na muli kumain ng ganito inay. Sabi nya pagod daw sya kaya ganyan haha. Dahil dyan, kinain na din namin ang merienda dapat namin. Effort ang hinanda ko, sardine pasta with unli cheese at potato salad. Nyarms!!
After ng lunch bye bye na kami sa Tanay Adventure Camp. Napansin nyo ba na ang sabi ni Mama sa bantay, papakita lang nya sa amin ang grounds - ngunit, subalit, datapwat! Nagawa na namin lahat ng activities, naki kain pa haha. 

Kulang na lang mag overnight kami haha. Ganyan ka kuripot wais si Mama.

Next stop namin ang JE Camp Hotel and Resort sa Maldives. Syempre sa Tanay pa din. Dito daw kinulong si Erap nung time na nakulong sya. Sa ganda ng lugar, sana makulong din ako dito.
Php300 ang fee sa pag swimming at Php150 kung gusto mo lang mag guided tour. Syempre pinili namin mag swimming! So happy napa sayaw kami ng nae nae.
Mukha akong tangae-ngae kaya tinigil ko na. Sorry na po.
Mama and Papa chose to take the guided tour kasi wala pa daw silang beach bod.
Kami naman, helllllloooo swimming pool! Ang ganda ng pool at hindi gaano matao. Perfect!
Hindi pa rin ako beach ready pero pool ready na. Sabayan na lang ng singhot ng chlorine kontra umay.

Lumibot libot din kami sa grounds habang naka swimming attire. Ito ung hotel ng JE Camp. Kinda spooky!
Nameet ko din pala ang ulo ni Erap. Tama nga sabi nila, lumaki ulo ni Erap magmula naging president sya #waley!
May animals din sa JE Camp. May madaldal na mga ostrich..
..madaming cute ducks..
..may crazy looking bird na tinuka ako..
..at may cute deers!
Malawak pa ang JE Camp pero nag madali kami bigla kasi a-attend daw ng mass sa Regina Rica.
So bye bye JE Camp at hello ---- at sarado na ang Regina Rica dahil late na daw. Ending, napa uwi kami ng hindi oras. Kung nabitin kayo sa post, aba lalo naman ako hahaha :)

Anyways, inenjoy na lang namin ang trip pa uwi. Ang ganda ng view namin along the way, sabi ni Papa ito daw ang Sierra Madre. Papa sya kaya naniwala ako haha.
At dyan nag tatapos ang fun Sunday naming familia Buenavista. I super love this trip because I spent it with the people I love the most. To more trips to come!
 
Thank you all for reading and tagging along this trip! Salamat ng marami and as always, much love from me to all of you! XOXO!

Viewing all articles
Browse latest Browse all 111

Latest Images

Trending Articles



Latest Images