Quantcast
Channel: Zai moonchild
Viewing all 111 articles
Browse latest View live

1st Halong Kempet for 2013!

$
0
0
Hello! Ilang hours na lang at magaganap na ang PBO event sa White Cross Children's Home. Super excited na ako! Alam ko magiging successful ito kasi..kasi..kasi assuming ako. A basta, alam ko it will be a great success kasi mapapa saya namin ang mga bata, kahit sa sandaling panahon at sa simpleng paraan.

Hindi kami naka attend ni Marseng Joanne sa pre-event meeting last Sunday kasi we have to work. Kaya nag handa na lang kami nang pang dagdag na gifts for the kids. Marseng Joanne bought books and I prepared goodie bags. Salamat sa mga pinilit naming office mates, sina June, Anne and Carlo na nagdagdag nang ilalaman sa goodie bags.
Sa mga makaka attend - see you all later! So excited to meet you all and meet the kids too :)

Last Sunday, nakapag despedida breakfast kami with dear friend Andie na mag fly away na balik ng Riyadh. First we had breakfast at Bossing's Grill (na may best litsilog e-v-er!!!) then had coffee at Starbucks then more kainan at McDo. It was super fun, kainan at kwentuhan with my dear friends. Love you Andie, see you again soon! Balik tayo ng Marinduque ha! :) 
Straight from shift nga pala ang kaganapan sa taas kaya leveling ang antok at kakiratan ko. Pero syempre di papa awat sa pagpapa cute :)
Recent kong kinababaliwan na kainin ang spanish bread mula sa bakery malapit sa office! Pag may time na wala akong iniisip, spanish bread ang sumisingit sa isip ko! Kahapon naka 19 pieces ako, 9 sa office tapos take home ng sampu. Nahiya pa ako kay Marseng Joanne, pagka sakay nya ng jeep bumili ako sa bakery, sasabihin kasi nyan "ano ba yan ang dami mo ng kinain! kalowka!" Nag crave na naman ako oh-my-God!
Tapos kong (pilitin ang aking sarili na) mag linis ng kwarto, relax time naman today! Naka pag bonding kami ng my present boyfriend, si remote control :) 
                            
Pinapanood ko ngayon ang American Horror Story Asylum - ibang level ang kabaliwan ng series na to : may alien, may baliw, may possessed na madre, may Nazi, at marami pang iba! In fairness I really love this series, relate ako sa mga baliw (nyahahaha)

Share ko lang sa inyo to! As you can see, the first 3 words you see are supposed to come to you in 2013 :)
Mine were LOVE, POPULARITY and HONESTY. Oh yeah! Si June, intelligence ba naman ang nakita. Sabi ko kung ako nakakita nun ma-o-offend ako hahaha :)

Kayo ano nakita nyo? Share nyo naman sa comment! :)

That's it for now! The first halo halong kempet for 2013! Thanks y'all for dropping by. Love you all! :)

PBO : 1ST!

$
0
0
Hello everyone! So as you might know, last Tuesday ay naganap ang 1st project ng PBO - ang little party namin for kids at the White Cross Children's Home in San Juan. 

Before I go and share how the day went, I sincerely want to thank EVERYONE who conceptualized, formed, volunteered, supported and wished PBO well. Dahil sa ating nabuong group at sa first event na to, at I'm sure sa madami pang susunod, I felt that me being a blogger has more meaning now. Di lang basta puro gala, pagkain, damit (at pagkain pa ulit) ang purpose ko, ngayon kahit paano nakakatulong na ako sa tao (tulo luha from left eye, sipon on left butas ng nose) I am really, really happy, proud and grateful to be part of PBO! :)

Ayan na, nung kumpleto na kami sa meeting place, go na sa White Cross. It was a well kept place, really charming but I wouldn't want to be here at night time, duwag ako e :)
We started right away, decorated the area where we are going to have the party for the kids. First time ko ma-meet sina Jun, Axl, Pao, Josh, Jikoy, Deo and Senyor. Super nice nilang lahat wala akong masabi. Ang ang tangkad ni Pao o, tignan nyo halos magkasing height kami :)
Na-transform namin ang area from "blah" to "bongga!" in no time! :)

At syempre ang star ng party, food and loads of goodies for the kids :)
Nang naka setup na, naglabasan na ang mga kids! Itong si baby ko for the day, sa akin tumakbo at kumandong. I love her, she's super cute at may taste kung kanino pupunta. Chos! May shades po sya, nilagyan kasi ni Empi :) 
Though hindi planned, nagkaroon kami ng kanya kanyang kid for the day. Here are Joanne's and Empi's. Isang boy na lang daw ang kulang kumpleto na ang family nila :) 
 Eto naman si Daddy Jun with his super pretty kid for the day :)
Pretty Arline and cutie Pao :)

Jikoy and Josh with their cutie kids :)
Syempre pinakilala ko ang aking baby for the day sa kanyang ninang, si Ninang Marseng Joanne :)
After getting to know the kids, punta na kami sa dance portion ng clowns aka takutan portion for me. Takot kasi ako sa clowns, feeling ko bigla akong sasaksakin habang tumatawa tawa. Crazy no?! Well mas crazy ang clowns.
Dahil dyan, kahit tuwang tuwa sila sa clowns, doon kami ng baby for the day ko sa likod. Just in case topakin ang clown at least makakatakbo kami agad :)
Speaking of clowns pa din, sumunod na ang games for the kids! Nag Trip to Jerusalem, kung saan gi-nuide ng clowns ang mga bata sa pag ikot ikot. May time na binuhat ng clown ang bata at kinandong sa akin, napa sigaw talaga ako sa takot haha.

Buti na lang sa next game, ang pabitin, wala ng clown na pumapel. Si Miss Minchin na lang ang pumapel - tignan nyo kung paano sya makatingin sa akin, porke ako ang kumuha ng mga goodies para sa mga kids hahaha :)
Eating portion naman! Akala ko perfect na pareho kami ng baby for a day ko; may pagka masungit, witty, charming at takot din sya sa clown; pero nung kakain na - aba ang hina nya kumain! Opposite ko sya friends!
Nga pala, naka Skype sina Arvin at Gracie kaya nakasama din namin sila kahit paano sa event. 
                               
Eto mamatay man ako, totoong nangyari. Si Arvin nagpapakita ng sign na may nakasulat na POGI AKO, may isang batang babae na tumingin muna sa kanya sa screen, tapos humarap sa akin at umiling. Ung iling pa nya, parang iling ng mga doctor sa movie, yung pag tinanong kung mabuhuhay pa ang pasyente, iiling ng may halong lungkot. Pero okay lang yan Arvin, iba iba naman tayo ng pananaw sa kagwapuhan. Kung ako ang tatanungin mo...teka, maka pag costume nga muna ng pang doctor :) 

Moving on..dumating na ang byebye portion! We had to say byebye to the kids na, pero picture-picture muna. Syempre mahirap kumuha ng matinong group pic pag mga bata ang kasama :)
Had to say byebye to my baby for the day! I super love her. I used to think I know how unconditional love feels, but turns out I actually didn't. Unconditional love is what I felt for my baby for the day, she's not perfect but she is perfect to me. She's makulit like any kid but you just can't get mad at them. I realized mas natuwa at mas may napala pa siguro kaming PBO'ers sa pag bisita namin sa mga kids, kesa sa other way around. It was a really touching and enriching experience. 
We waved them byebye, then went upstairs to peek at the other kids and babies at the White Cross Children's Home. The babies were super cute! I can imagine how hard it must be like for the mothers of these babies to have to leave them. Hay, it was heartbreaking seeing the babies.

And that's it for PBO's first event! Parang unconditional love lang ang project natin, not perfect but it was prefect! Thanks everyone :)

To celebrate our successful event, we had dinner at Greenwich at Rob Galleria. I was lucky to be sitting beside the (belated) birthday girl Arline! :) 
 Fun dinner - dito nameet ko na sina Rix and Erin :)
  Cutie guys and pretty muse Deo! :)
Napag meetingan ang next event at nag botohan ng next officers. Guess what, naging president pa ako! Ohemgee, thanks guys! Dati binu-bully ako sa school at sabi sa akin pang muse lang ako (chos!) ngayon president na. 
 
Thank you all for your trust, I'd do everything para sulit ang boto nyo sa akin. Kung hindi, tama nga, pang muse lang ako hahaha :)

We had coffee at Starbucks after, more fun chitchat! Then, Marseng Joanne, Senyor, Josh, Jikoy, Deo and me went to Metrowalk for some drinks then went home after. Marse had margarita, na ako din ang uminom ;)
Ngayon, ako ay nilagnat, nahaggard ata sa pagod, puyat at beer at margarita lols. Pero keri na, tutulog ko na ulit mamaya. Anyways, that is it for our first PBO event, can't wait for more successful events to come! More power to us! :* I love you all guys!


BTW, hiniram ko ang ilang nyong pics mga friends, para sa entry na to. Thank you! :*

Something Something

$
0
0
Ang saya ng weather no? Super cold and super windy. Parang ang saya mag palda at maglakad sa labas, kailangan nga lang mag rubber shoes kasi baka habulin ako ni Papa ng itak. Hahaha :)

Speaking of kalansahan, nag breakfast kami nina Marseng Joanne and Empi sa Something Fishy last Sunday. Sa mga di nakaka alam, may breakfast buffet sa Something Fishy in Eastwood, Php 169 lang on weekdays and Php179 on weekends! Super daming food kaya ang saya saya, tipong pag namatay ako biglaan at di ko matangap, dito ako mag mumulto. Para madaming food haha :)
Say hello the Marsepan and Empipan! :)
Matapos namin magpaka bondat, stroll naman kami sa labas. Nagpa-picture kay Pareng Galileo.
At nagbaliw baliwan! Okay, ako lang nag baliw baliwan.
M ang upuan nila, for Mark and Magandang Joanne (libre ko ha?)
It was a lovely sunny day, nag decide kaming mag adventure!
 
Hinanap namin ang Star sa Walk of Fame ng aking pinaka super crush na si Dennis Trillo! Sinundan ko sina Dora at Diego..teka, ibig sabihin ako si Boots?!
Dami namin nakita along the way. Nagpa pic ako sa star ni Mike Enriquez, para ma-captionan ko ng "excuse me po!" E hindi ako mukhang umu-ubo! Mukhang mahalay ang ginagawa ko. Aw!
Anyways, ayan nakita ko na ang star ni Papa Dennis! Dapat dito ako umarte ng gaya sa taas e, mas okay pa sana :)
BTW, nakita ko ang Caffe Bene - coffee shop from Korea! So excited to try this, kaya lang sarado. Oh maybe next time :)
Nakita ko din ang Fountain of Youth and Beauty - pero no thanks, I believe na masama na pag sobra. Pak!! Thanks btw to TC Jescy for my super lovely jacket, perfect na perfect! :)
After the tiring walk, we sat, nag kwentuhan, tawanan. Ang saya saya! Excited na kami sa Siargao trip namin this Feb, with Pretty Sis Arline ang his royal highness Archiviner :) BTW, pasensya na sa eyebags, galing shift e #nagexplain?! 
Ayan, so excited to see you guys again, bukas may meeting via Skype ang officers ng PBO. Di pa naman ako gaano sanay sa Skype, baka kainin ako nun! Nagamit ko lang dati nung best in pa Skype ang ex boyfriend ko, para lang mag "kiss mo ko! kiss mo ko!" through the monitor - syempre sumusunod naman ako - lakas maka engeng! Kaya inun-install ko at sabi ko nasira. Haha :)


And that is all I have to share now, salamat sa pag dalaw everyone! Much love, as always :)

HHK2

$
0
0
Hi everyone! Another HHK (Halo Halong Kempet) Post! From now on pag Halo Halong Kempet Post, HHK ang title ha, tandaan. Pag may nagtanong pa ng "ano po yung HHK?!" patutugtugan ko ng "kailangan pa bang imemorize yan?! Bisyo na to!" Okay? Okay. Thank you. Taray ba? Hahaha :)
Nag Skype meeting kami last week. Sabi ko nga sa inyo, eng eng ako pag dating sa Skype, kaya talaga namang nganga ako sa harap nya. In fairness, kahit litong lito ako, natapos naman ang meeting. Nakaka tawa lang ang preparation ko for our meeting, nag hilamos ako, nagpa fresh, nag BBcream. Tapos tinignan ko ang ichura ko sa cam. Madilim!  Kaya kinuha ko ang Christmas lights at tinabi sa netbook..at ayan!
 Perfect na ang lighting, ang fresh ko na! Pak!
Nang start na ang meeting - at guess what, hindi naman pala mag ca-cam. Kami lang ni Marseng Joanne ang magka cam kaya balewala ang efforts ko. Sana sa Kano na lang ako nag cam at nag show, kumita pa ako no? Haha :) At eto kayo, pati pala si Marseng Joanne, nagpa fresh din. Akala ko ako lang ang vain.
Sobrang avail sa office (meaning walang calls) at the first hours of our shift. Kaya kung ano ano ang ginagawa namin..kain, kulitan, kain pa ulit, daldalan, bili ng pagkain, kain ulit. Eto pinag tripan ko kanina, ang kumot na naging kumot, naging takip sa bangkay, naging pakpak at naging neckbrace. Pinost ko to sa Instagram at may nagtanong kung okay lang daw ako. Alam na! Convincing! :)
Tawa ako ng tawa sa chart na ito from our clinic. Chart ng weight at ng category nya. Nakaka tuwa si kuyang sa sobrang bilog ay nawala na ang brief hahaha :) Kung di lang ako blessed with my bonggang metabolism malamang ganyan na ako ngayon. Oh no!
Experienced nyo din for sure ang super sayang lamig ng weather natin recently. Kanina pauwi ako ng Antipolo at sobrang lamig, feeling ko sa Baguio ako pupunta. Gusto ko ng yakapin ang katabi ko sa jeep, mainitan lang, kaya lang babae! Kaya ko pa pala ang lamig :)
Pagdating ng bahay, may bisita ako sa kwarto, si Brother Ge and Pinky. Sa ginaw ata, nakikumot na si Pinky.
Nang nakita nya ako, sya ay dumilat..
..at natulog ulit. Normally nagwawala na yan sa tuwa, e masarap ata ang tulog, ang ginaw kasi :)
Buti na lang gising na ang 3 kittens ni Luna, sila na lang ang hinarot ko :)
And that's it pansit na may pusit! Not much going on but yeah! It's all good :) BTW, plug ko na din dito, PBO will hold an on line bazaar. We will be selling pre-loved items. If you have any items you would want to donate, we will be glad and grateful, forever! Please visit our FB page for more details. Thank you! 

Much love, as always :)

Les Mis and Les Bloggers

$
0
0
Hello friends! Last Monday, nag kita kita kami nina Marseng Joanne, Empi, Sis Arline, Jun and Senyor para manuod ng Les Miserables and make hangout hangout (#konyolungs) Sa Eastwood kami nag aya kasi wish namin ni Marseng Joanne makapunta doon ng night time, alam nyo na minsan lang kami makapunta doon, we're from the province kasi e :)

Sis Arline surprised us with cupcakes! I don't normally like eating green stuff ( ayaw ko nga kumain ng sitaw kasi para syang tipaklong ) pero dahil gawa to ni Sis, kinain ko sya! At ang sarap! Ng cupcakes ha, si Sis mukhang okay naman :) Special yung ibang cupcakes, may bolitas pa. I mean may silver thingie sa ibabaw, medyo malaswa pala ang bolitas, alam nyo naman ako, medyo malaswa mag isip :) Thanks for this Sis! :)
While waiting for the movie, Senyor treated us to pizza and treated Jun to some loving loving. Chos! Sweet sweetan lang, pasok kasi si Jun sa age bracket ng mga bet ni Senyor. Nilagyan ko ng border ang pic para mas sweet :)
Then we watched Les Miserables. It was great! Ako syempre si iyakin, mega iyak iyak ako sa ilang scenes, lalo na sa pagkanta ni Eponine ng On My Own. Di ako naiyak sa pagkanta ni Anne Hathaway ng I Dreamed a Dream, di kasi ako ganong maka relate. I mean sa pag kakaroon ng major crush na di mo masabi at wala kang magawa, relate ako - pero sa naging nagbenta ng buhok at ngipin at naging prositute, di ako makarelate gaano. Buti naman, di ba? :) Anyways I give the movie 9/10 stars! Hindi perfect kasi nobody is perfect. #anudaw?!

BTW humabol pala sa movie date namin ang date kong si Matteo :) Super cute ni Matteo, kahit super tan sya bagay. Kung ako naging ganun ka tan pagkakamalan akong bakal boy. I mean girl. Bakal girl. 
After the movie - we met up with John of Kumagcow.com! I was super excited to meet him, ang tagal na namin magkakilala through our blogs. So it was really good to finally meet him. And super good talaga sya, as he treated us to coffee and desserts at Caffe Bene! Thanks sa sponsors :)
Tama, ang Caffe Bene na pinagpantasyahan ko last time we were in Eastwood :) Ang saya saya!
Caffe Bene is great - the coffee and the desserts aren't pricey at all. We had frappes and desserts - sa baba ay ang Banana Chocolate Bread Ekek - it is only for, as I recall is for around P160..
..same for this Cinnamon Bread Ekek..which is now one of my favorites! Super yummy and sweet. And yes, over flowing with cream :)
We also had a large serving of Pat Bingsu, na parang halo halo version ng Korea. This has almond chips, red beans and a cute mochi on top. 
Halos ako ang umubos nito - sorry naman. Hindi naman siguro bago sa inyo na ibang level ang katakawan ko :) This as I recall is around P260. Puro around lang ha, hindi din naman siguro bago sa inyo na maikli ang memory span ko :)
It was nice as aside from the food we talked a bit about random stuff, about PBO as well. Thanks Kumagcow! Nice to finally meet you, at may utang pa ako sayong spaghetti :) Too bad we don't have a picture together! 

It was late and was starting to rain kaya di na kami naka pag ikot, uwi na kami agad. Always a good time hanging out with these people - sana pag tagal maka hangout hangout namin kayong lahat :) 
Pag uwi ko ng bahay - eto ang aking dinatnan. Nanunuod ata ng movie si Papa at Ge at naka tulog na sa sofa..
..si Luna naman ang sarap ng tulog sa kwarto ko. At tignan nyo kung gaano ka-arte ang pusang yan - naka unan pa :) 
Pinakita ko kay Ge at kay Luna, yes, kinaka usap ko si Luna na para syang tao (at yan, alam nyo na din sigurong may pagka baliw ako hehe ) at pag gising ko kanina at lipat ng pics sa PC - nges what! May sleeping picture din ako! Malamang si Luna ang kumuha :)
And that is it! Just wanted to share a fun Monday. I never thought I'd have the words FUN and MONDAY in one sentence, let alone side by side and without a hint of sarcasm - but fun talaga ang Mondays lalo na at rest day mo sya :)

Thanks for dropping by you guys! I hope next posts ko ng mga ganito ay kasama naman kayo. Love you all and have a great rest of the week. XOXO! :)

Museum : Fail / Yakimix : Success!

$
0
0
Hola everyone! Last Monday ay pumunta kami ni BFF Emer sa Makati - to visit the Ayala Museum. Iba na talaga level ko mga friends, pa-muse-museum na lang! Dati mga eskenita lang ang tambayan ko! Haha, anyways hindi ako maalam sa mga lugar kaya wag nyo akong tanungin kung paano pumunta - iGoogle nyo na lang okay? :) Basta ang naalala ko ay nag LRT kami, bumaba sa Ayala at konting A Walk to Remember lang and tada!!
Ayala Museum na! 
Na excite ako, they have an on going exhibit of Botong Francisco's works :)
Pag punta namin sa entrance, may nilabas na sign si Kuyang Guard. 
It read : THE MUSEUM IS CLOSED ON MONDAYS.
Napa Oh My God face ako!
Winish ko na sana may sign din akong may nakasulat na: WTF?! FTW?!

Anyways, kudos kay Emer for checking all the details about the Ayala Museum but not checking the days when they're open :)

Buti na lang puro mall sa paligid ng Ayala Museum. Nag window shopping na lang kami. I saw a Balenciaga store and saw this - a Balenciaga Motorcycle clutch! Lovely! Kaya lang syempre di ko afford..
Buti na lang napunta kami sa MUJI and I bought an Eco bag instead. Cool thing about this eco bag is you can personalize it using stamps they have at the store. I bought the biggest eco bag, which isn't really that huge, but it's the biggest one they have. It is for P125. 
This is how mine turned out. Cute no?! I wouldn't trade this for anything - not even the Balenciaga clutch..okay, not really. 
After, we decided to have dinner at Yakimix. It was a bit early as they begin to serve dinner at 5:30 PM so tambay muna kami. We talked non stop about FRIENDS, as we both love the show.Do any of you love FRIENDS too?!! :)
Anyways - 5:30 PM na, attack na kami sa Yakimix! 
Sa mga hindi familiar - Yakimix is heaven on earth. Eat all you can buffet - with of a vast array food choices; ranging from Japanese, Korean food; plus a huge assortment of viands, desserts and much more. They have lovely interiors too - everything is bright and sparkly!
Favorite ko ang light fixture/chandelier nila - bongga di ba?! Ang sayang gawing hikaw! :)
Here are some pics I was able to take; here is the sushi bar.. 
..say hello to the maki bar.. 
 ..a maki ship (hehe)..
..the dessert bar..
..and the bar with assorted stuff you can use to top off your ice cream :)
I wasn't able to take pictures of the long table with all the other food ang dami kasing tao. Complete and total chaos.
Anyway, this is what I had..a huge plate of sushi and maki! I love sushi and maki so yeah, pang patay gutom ang serving :)
Then I had this - natatawa ako sa mga tao sa buffet, na-weirduhan ata sa aking plate na may pizza na, may rica pa. Deadma! :) 
This is my happy face! Kirat and eye bag ridden ang eyes kasi 3 hours lang tulog :) 
BTW, all the tables come with this fryer "thingie" (sosyal ng thingie!) where you can fry food. Lakas maka imbentor ni Emer dito.."gumagana na ba ang imbensyon ser?!"
I can't eat anything raw, I tried pero nakakasuka talaga. Para akong kumain ng dila..kaya ang ginawa ko sa raw salmon and tuna.. 
..prinito ko! Ang saya saya :)
Ito pa ang ibang prito food :)
Tuwang tuwa ako sa nasa right, parang pusit :)
Eto nga pala ang prices ng buffet meals. Take note P799 ang left over price kaya kahit masuka ka na, wag na wag magtitira! :) BTW, sa mga nagiisip - okay na okay ang taste ng food sa Yakimix, very much worth the money you're paying for.
For dessert, I had 2 full bowls of ice cream and leche flan. Di ako mahilig sa chocolatey desserts kaya pass muna ako doon.
And that was our fun trip to Makati! Burp! Madami pang buffet themed resto ngayon, like Buffet101, Vikings, etc, which we have yet to try - maybe next time :) Hope you get to try dining at Yakimix soon, it's a great experience :)

PASINGIT : Last Sunday morning, I met up with Emer and Myles (my BFF's from my previous office - Telus) We went to Mommy Jean's wake. She's a previous office mate who passed away due to asphyxia. She had a heavy dinner one day, chocked and threw up. She drank water which the doctors said made it worse as some of the vomit went to her lungs and ultimately caused her death. So it is advisable to first make sure to chew your food thoroughly; and if you / or anyone chokes on their food - be given the Heimlich maneuver and wait til the throat passage is clear before drinking anything. 

So we chatted about our fun times with Mommy Jean and got to chit chat and catch up with our other office mates. It was fun though sad as well, thinking we had a reunion because of Mommy Jeans passing.

After, we went to Myles place - slept then went to Robinsons Magnolia. We had dinner, had desserts at the lovely Magnolia Flavor House and watched Les Miserables (second time for me)
It was a super fun day! I love it! :)
And that is all my friends! Remind ko kayo to please, if you haven't yet - like our PBO Facebook page HERE and follow our blog HERE. We are kindly asking everyone for any pre-loved stuff they can donate for a fund raising bazaar, this coming February. More details on that on the PBO FB page. A massive thank you! :)

As always, much love! XOXOXOXO! :)

Duguang Pluma

$
0
0
"Kung nag bo-boyfriend ka sana e di may kasama ka at magtatangol sayo"

"Tumigil ka nga Katie, dagdag lang yan sa sakit ng ulo" sagot ni Joanne sabay bukas ng pinto. Alas singko ng hapon at labasan na nila. Matapos ng ilang oras sa harap ng kompyuter at pag mamadaling matapos ang artikulong sinusulat - napaka sarap damhin ang hangin at ang natitirang init na dala ng palubog na araw - sa loob loob ni Joanne. Ang daming tao sa labas, maayos na nakapila para sa susunod na masasakyang FX. Patuloy sa pagsalita si Katie, patuloy din ang pag ismid ni Joanne. Pumila sila sa sakayan.

"Isipin mo ha, kung may boyfriend ka, na gwapo, macho, BARAKO, mayaman, may kotse - hindi ka na matatakot pa dyan sa gumagalang killer na yan!"

"Natatakot ba ako? Ikaw kaya mag boyfriend no, ang liit liit mo ikaw ang mukhang walang laban."

Umalis panandalian si Katie sa pila, bumili ng SORBETES - inabot kay Joanne ang isa pero hindi nya ito tinangap. "Hoy may boyfriend kaya ako! Si Edward remember?!" Sabay ngiti sa dalawang SORBETES na hawak nya.

"Si Edward? Na nasa Aklan? Na sa Facebook mo lang na meet? Na hindi pantay ang puti ng mukha at ng leeg? Na nag fo-foundation?"

"Excuse me, idol lang nya si Edward no kaya ganun ang mukha nya! Kanya kanyang trip yan no!"

"Ah okay.." ngumiti si Joanne sabay irap. Kung ano ano pa ang sinabi ni Katie pero wala na ang pansin ni Joanne sa mga ito. Naki-silip sya sa PERYODIKONG  hawak ng maliit na mama sa unahan nya. May larawan ng babaeng duguan, litaw angKUYUKOT at naka handusay sa damuhan.

DALAGA NATAGPUANG PATAY : SERIAL KILLER PATULOY SA PANGBIBIKTIMA

Napansin sya ng mamang may hawak ng dyaryo."Labing dalawa na ang napapatay ng killer na to iha, puro babae" Tumungo lamang si Joanne. "Kaya mag iingat ka.."

Sumilip si Katie "Ako po manong? Di ako magiingat"

"Uhm, o sige mag ingat ka din!"

"Sige po, thanks manong! At alam po namin yan, para sa dyaryo pong yan kami nag tra-trabaho no!" Sabay subo ng buong apa ng SORBETES. Napa iling na lang si Joanne sa kadaldalan ng kaibigan. "Sige po mnong, salamat po.."


*************
Nakasakay na sa gitna ng FX sina Joanne at Katie. Nakatabi ni Katie ang mama na may hawak ng PERYODIKO at patuloy sa pakikipag huntahan ang dalawa.."grabe no kuya, hindi naman rina-rape, pero sobra ang pagpatay ng killer sa mga bikitima.." "Oo, may laslas lahat sa pulso..""Ay grabe! At eto ka kuya, di ba yung isang biktima may dalawa pang anak! Walang pusong killer, sana mahuli yan agad!"

Tulala lamang si Joanne, nakasilip sa bintana ng sasakyan. Namaalam na muli ang araw at maghahari ulit ang gabi. Nag sisimula na ang pagbalot ng dilim sa kapaligiran. Dapat takot ang kanyang madadama pero saya ang bumabalot sa kanya. Ang pag sapit ng gabi ay laging may kasamang bagong pag asa - bagong..

"Hoy Joanne, bababa ka na! Tulala ka na naman! Para dyan kuya, para, para!"Nagulat na lang si Joanne sa lakas ng boses ni Katie. Bumeso ang kaibigan, tapos binuksan ni Joanne ang pinto at bumaba ng FX. "Hoy mag ingat ka friend! Uwi agad ha!" Kumaway si Joanne sabay talikod.

Ilang bloke lamang ay bahay na nila. Kahit madilim na at mangilan ngilan lamang ang tao ay hindi sya natakot maglakad mag isa. Isang bahay na lamang bago ang sa kanila, may nakasalubong syang lalake. Matangkad ito at huminto ng ilang hakbang sa kanyang harapan. Natigilan si Joanne. Sinubukan nyang aninagin ang mukha ng lalake..at nakilala nya agad ito. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang duguang mukha ng lalaki - at dali daling tumakbo patungo kanilang bahay. Binuksan ang gate..ang pinto. Nabalibag nya ang pinto sa takot. 

Ilang malalim na hinga at kumalma na sya..sumilip siya sa bintanang katabi ng pintuan..at naroroon pa ang lalaki, nakatitig sa kanya. Tila ba alam na sisilipin siya ni Joanne. Ngumiti lamang si Joanne at tumungo ng kusina, kung saan ang kanyang ina ay naka upo silya katabi ng hapag kainan. Binuksan niya ang ilaw. "Ma, andito na ako..kumain ka na?" Walang imik ang kanyang ina. "Ma? Ma?" Wala pa ring imik."Sana wala ka na lang dito Ma, parang wala lang akong kausap!" Nainis si Joanne, pinatay ang ilaw at tumungo na sa kanyang kwarto. 

Sa kwarto - madilim, ang tanging liwanag ay galing sa naka bukas na laptop at sa liwanag mula sa labas, sumilip mula sa bintana. Hinubad ni Joanne ang suot na blouse at na upo sa harap ng kanyang laptop. May bagong mensahe sa kanyang Facebook.

"Sure sis, meet you at the coffeeshop at 8?"

"Okay Jheng, see you at 8! Excited to finally meet you" tinype ni Joanne habang binabangit ang mga salita. Tapos, tumaas ang kanyang kanang kilay - at bahagyang tiningala ang kanyang ulo at nakita ang kanyang sarili sa salamin. Maganda ang mukha ni Joanne, maamo pero may taglay na misteryo. Tinangal nya ang kanyang ponytail at bumagsak ang kanyang kulot na buhok. Hinawakan nya ang kanyang batok at nakapa ang kanyang kwintas. Sa dulo nito ay may palawit na korteng pluma. Isang regalo mula sa kanyang dating nobyo.

"Para sa'yo yan mahal ko. Para sa 4th year anniversary natin! Patuloy kang mag sulat ng masasayang entries sa blog mo tungkol sa atin ha! At least kahit hindi ka pa ganap na writer ay may mga magaganda kang naisusulat.."

Napangiti si Joanne sa naalala pero walang ekspresyon ang kanyang mga mata. Tila ba mata ng patay na tao, dilat pero walang buhay.

Tumayo si Joanne at tumungo sa cabinet. Namili ng isusuot. Naka pili ng pulang bestida. Maikli at kita ang likod. Tinernuhan nya ito ng pulang sapatos na may 5 pulgadang takong. Nag pabango, nag lipstick, tinulak pataas ang kanyang malulusog na dibdib. Lumapit sya at humarap sa salamin at ngumiti. Ibang iba ang Joanne sa salamin ngayon kesa sa Joanne na tumingin dito kaninang umaga. Ang tila ba manang ay naging tila isang PUTA. Isang sosyal na PUTA na walang paki alam sa sasabihin ng iba.

Sa labas ng bahay, andoon pa rin ang lalaking may duguang mukha ngunit inirapan lamang sya ni Joanne.  Di alintana ang ano mang panganib, lumakad sya patungo ng high way at sumakay ng taxi. Ilang sandali at nasa coffeehouse na sya. Pumasok sa loob at napa tingin sa kanya lahat ng lalaki. Kagat labi si Joanne at ngumiti sa kanila.

"Joanne! Over here!"

"Oh Jheng!" dali daling tumungo si Joanne patungo sa kaibigan, niyakap at bineso at naupo ang dalawa."Finally nice to meet you! At ang sexy mo pala talaga! Akala ko sa pictures sa blog ka lang sexy!" 

"Haha diet ako friend kaya ganito! Ikaw nga tong mas sexy o!"

"Well kailangan e, ayaw ko namang iwan ako ni Josh, alam mo naman.."

"Oo nga..di bale, I'm sure sa sexy mong yan ay iiwan noon ang asawa nya para sa'yo"

"Thanks friend..sana nga.."

Patuloy nag kwentuhan ang bagong magkaibigan. Ilang buwan pa lang magka kilala ang dalawa, naging magkaibigan dahil sa blog pero sa sandaling kwentuhan ngayon ay parang kilalang kilala na nila ang isa't isa. Nag paalam mag banyo si Jheng. Uminom ng kape si Joanne. Kinuha din nya ang kape ni Jheng..

Pag balik, kwentuhan pa at naubos na ang kape. Naging tahimik na si Jheng at naging masama ang titig sa kanya ni Joanne.

"Friend, nahihilo ako, matapang ata ang kapeng ininom ko.." sambit ni Jheng sabay sandal sa upuan. Nakatitig lamang si Joanne sa kanya, ngumiti at sinabing "Baka nga - baka naman hindi ka pa kumain?" "Kumain na..pero ewan ko ba..."biglang bumuwal si Jheng, sumubsob una mukha sa sahig.
*************
Pag mulat ni Jheng, nasa madilim na kwarto sya. Umiikot ang kanyang paningin pero tinangka nyang bumangon. Hindi nya ito nagawa dahil nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa papag na hinihigan nya. Hindi rin nya magawang sumigaw at humingi ng tulong dahil may busal ang kanyang bibig. Nanatili sya sa pagkakahiga at nag umpisang umiyak. Umiyak sya ng umiyak. Lumingon sya sa kanan at nakitang may naka upo sa isang silya. Nahirapan syang aninagin kung sino ito dahil tanging ilaw mula sa labas ng bintana ang nagbibigay liwanag sa kwarto.

"Joanne?! Joanne ikaw ba yan?! Okay ka lang ba?!" ang impit at kulob na sigaw ni Jheng. Hindi kumikibo o kumikilos ang sino mang nasa upuan at lalong napuno ng takot si Jheng. Patay na ba si Joanne? Pumalahaw muli si Jheng. 

Natigil lamang sya ng marinig nyang bumukas ang pinto. May liwanag dala ng isang LAMPARA, bitbit ng kung sino man ang pumasok. Sinusubukan pa lang nyang aninagin kung sino ito ng nabigla sya dahil may sumampa at naupo sa kanyang tyan....si Joanne!

Nakangisi si Joanne, gulo gulo ang buhok. "Ganyan ang mga bagay sa mga kagaya mo. Mga AHAS!" Humagulgol si Jheng.."Iyak ka pa dyan! Ikaw 'tong maninira ng pamilya!" Pinag sasampal ni Joanne si Jheng. Tapos, hinubad ni Joanne ang kanyang kwintas. Kinuha ang pendant na pluma at nilapit sa kaliwang pulso ni Jheng. Pumalag si sya pero binigatan ni Joanne ang sarili at dumagan sa kaliwang braso ni Jheng. Hindi na ito nakapanlaban.."Dahil sa mga gaya mo nasisira ang buhay at pangarap ng tao..wala kang karapatang mabuhay!"

Gamit ang pendant, nilaslas ni Joanne ng ilang ulit ang pulso ni Jheng. Sumirit ang dugo - ang iba ay napunta sa kanyang mukha pero hindi nya ito pinansin. Lumakas ang impit na hagulgol ni Jheng, mga impit na sigaw, mura, iyak. Umalis sa pagkakapatong si Joanne mula sa kanya ng ito'y tumahimik na at tumigil sa pag galaw. Yumuko sya sa bangkay ni Jheng at biglang tinarak ang tulis ng pendant sa dibdib ng patay na dalaga. Wala ng naging imik pa ang bangkay, dilat lamang ang mga mata nito. Diniin ni Joanne ang pagkaka saksak ng pendant sa dibdib ni Jheng habang may malaking ngiti sa kanyang mukha.

Matapos ay tumungo sa lamesa si Joanne at kinuha ang KAMERA. Nakita niya ang kanyang inang nakaupo sa silya na nasa gilid ng mesa, nagmamasid sa kanyang ginawa. Hindi nya ito pinansin. Lumapit sya muli kay Jheng at kinunan ito ng mga litrato. Ang kanyang hubad at duguang katawan, ang kanyang wakwak na dibdib, ang kamay na puno ng dugo, ang kanyang nilaslas na pulso, ang madungis na mukha at ang kanyang mga matang walang buhay.

Matapos kunan ng litrato, tumungo si Joanne sa kanyang kwarto, sa pangalawang palapag ng kanilang bahay. Nasa hagdanan ang kanyang ina, naka upo na tila ba walang paki alam. Dinaanan lamang sya ni Joanne - na tulala at duguan.

Sa kwarto, kinabit ni Joanne ang KAMERA sa kanyang laptop. Nilipat ang mga pictures at inup-load sa kanyang blog.

Sinuot nyang muli ang kwintas at hinawakan ang duguang pendant. Tapos sya ay humarap muli sa laptop. Proxy....Blogger.com....Create New Entry. Blog title? "Thirteen..." sinambit nya sa sarili habang tinatype.

Dito sa entry na ito inupload nya ang mga larawan ng duguan at walang buhay na si Jheng. The world has one less home wrecker to worry about. Publish post. View blog. Halos 150,000 na ang views ng blog nya pero walang maka pag iwan ng comment. 13 posts na ngayon ng mga babaeng patay, nilaslasan ng pulso. Mga babaeng walang kinalaman sa isa't isa, ngunit pare parehong pumatol sa may mga karelasyon o may asawa. "Mga AHAS" bulong ni Joanne sa sarili.

Pinuntahan ni Joanne ang isa pa nyang blog. Ang blog kung saan sya ay kilala bilang sya. May mga larawang masasaya - larawan nya, mag kaibigan, mga lugar na kanyang pinuntahan. Tumulo ang kanyang luha. Tumingin sa isang larawang naka frame sa tabi ng laptop. Kinuha ito. Naaniniag nya sa salamin ng frame ang lalaking nakita nya sa labas. Andoon sya sa kwarto. Nilingon sya ni Joanne at nginitian. Walang imik ang lalakeng may duguang mukha.

Bumalik ang tingin ni Joanne sa larawan nya at ng kanyang dating nobyong si Jeff. Nobyo nya sa kumulang limang taon. Nag plano na silang magpaksal, inaantay lamang na makatapos si Jeff mula sa kursong MEDISINA. Pero lahat ng taon at lahat ng planong iyon ay nagawang balewalain at nagawa syang lokohin ng nobyo..si Jeff ay nagka relasyon sa ibang babae. Sa galit ay na patay nya si Jeff, nasaksak nya sa dibdib at sa mukha; at ang babae ay napatay nya rin. Naka takas sya at bilang maalam sya sa mga krimen - bilang manunulat para sa isang PERYODIKO, alam nya ang mga dapat gawin ng hindi mag iwan ng bakas..upang hindi mahuli. 

Matindi ang pinag daandan na lungkot ni Joanne matapos ng insidente, may panahong nawala sya sa katinuan. May panahong tinangka nyang bawiin ang sariling buhay - nilaslas nya ang kanyang kaliwang pulso, gamit ang pendant na bigay ng dating nobyo. Naagapan lamang ito at sya ay nadala sa ospital. Ala-ala na lamang nito ang peklat ng kanyang tinahing laslas sa kanyang kanang pulso - mala ALUPIHAN ang anyo.

Nang sya ay bumuti, nag umpisa si Joanne sa kanyang plano na mag higanti. Naging maingat sya sa kanyang mga kilos at sa pag pili ng magiging bikitima. 
Kinakaibigan nya ang mga babaeng pumatol sa may mga karelasyon at sa may mga asawa gamit ang kanyang blog. Kinukuha nya ang loob ng mga ito, kinakaibigan - kahit sa loob nya ay puno sya ng puot at hindi makapag hintay na wakasan ang buhay ng mga taong gaya nila. Masaya sya sa kanyang ginagawa pero puno parin ng kalungkutan ang kanyang puso.

Kung sana nabuhay din si Mama, na naglaslas din ng pulso matapos malamang may kabit si Papa...sana hindi ako nag iisa sa dilim ng bahay na ito, hindi sana ako nag iisa sa lungkot..sana..sana..

Kung may gamot sana na makaka lunas at pawi sa sakit ng kanyang puso..kung may pwede lang sanang gawin para maka limot..pero hindi bale, pag papatuloy ko ang pag hihiganti, hangang makaramdam ako ng katahimikan, hangang hindi na ako gagambalain ng multo ni Mama..at ng multo ni Jeff..





*************
Pumasok kinabukasan si Joanne, sinalubong ni Katie na bungad agad ang balita tungkol sa bagong biktima ng serial killer. Isang bangkay ng babaeng natagpuan sa isang bakanteng lote..

HHK3

$
0
0
Hello hello everyone! First of all thank you sa lahat ng nag basa ng (may kahabaan pala na) entry ko sa Bagsik ng Panitik 2013. Ang eng-eng ko lang nawala sa loob ko (thanks to my mala Dory na short term memory) at naka gamit ako ng English words. Pero keri na, at least I got to share my story. Guess what may naisip akong plot na part part 2 sa story ni killer Joanne. Iyan ay inyong abangan :)

Unahin ko na ang bad news bago lahat ng kasiyahan. I got a haircut last Saturday and it is the worst haircut E-V-E-R! In my entire 18 years of existence! Ang ikli ng gupit ko, may kanto, may napanipis na part. Lahat lahat na! Kung wala lang kasamang ibang barbero ang nag gupit sa akin, isang malakas na HINDI NA! ang sasagot ko sa mga magtatanong kung buhay pa ba gumupit sayo?! Sa lungkot ko sa gupit ko, umiyak talaga ako patulog, at pag gising..at sa marami pang okasyon. Best in hat tuloy ako sa office at siguro hanggang tumubo ang aking buhok. Hays...

Ayan, mga masa-saya naman!

As featured ni Marseng Joanne sa previous post nya sa blog nya, ang saya saya mag tiangge sa TayTay tiange. I came upon this uber cute Doraemon blanket the last time nag tiangge kami. Php 350 lang ang super fluffy blanket kaya binili ko na agad. Super saya ko kulang na lang sa jeep pa lang pa uwi ay ikumot ko na sya.
Meet Doraemon blanket - super cute! :)
Also, naka bili na ako ng shorts for the Siargao trip. Kumpleto na ang aking outfits! Hindi nga lang kasing dami ng outfits ko sa Davao trip - wala kasing extra baggage! Kaya ayan, 30 lang ang outfits ko. Char Char! 7 lang :)
Sa excitement ko for the Siargao trip - last December binili ko ang Metro magazine na ito, for inspiration for pictures :) Hello sexy Enchong! ;)
Ito ang mga papagaya ko kina Empi and Arvin :) 
Eto naman kami nina Joanne and Arline :)
At ito pang solo pic ko - ang sexy version ng "aray ang likod ko shet!" look! Pak! Sexy ni Megan Young! :)
 Abangan nyo ang bonggang bonggang pictures namin ha! :)
I am on season 6 na of FRIENDS. I just love the show so much at nalulungkot ako to think na malapit na ako sa season 10 and there won't be new episodes for me to see. Oh well. I really love Phoebe, I wish I can be as crazy and fun as her, though I'm more of a Rachel (Saan ka, sa babaeng character talaga ako naka relate) Anyways, Rachel is chic, funny and slightly schizo, so yeah, more like me ;) 
 I am doing this fun #FebruaryChallenge on Instagram - as inspired by the one and only Rihanna! Super saya, try nyo din mga friends ko from Instagram :) Ayan ang challenges below :)
Malapit na ang PBO Bazaar! Read more about it here, at PBO Facebook page, please. I have rummaged and ransacked my room - pero wala talaga ako makitang pwedeng ibenta. Inisa isa ko na ang laman nitong aking treasure shelf - yan sya sa baba, pero wala talaga! Yung tv kaya i-donate ko no? #charlanghindipafullypaid!
Marseng Joanne and I will buy stuff from the TayTay tiangge na lang ang sell the items. All proceeds go to the PBO funds of course :)


And that is all the HHK for now! Bukas fly fly, van van at boat boat na kami to Siargao! Next lakad sama naman kayo ha?! Thanks sa pag dalaw at basa mga friends, as always, lots of love from me to you. Have a great week! :)

Siargao : Metro Shoot

$
0
0
Hello everyone! As you all know, back from super fun and SUPER tiring trip kami from Siargao! Grabe lang ang pagod sa byahe ( which includes a taxi ride, a plane ride, a long van ride, a long boat ride and a (super fun) not long enough habal habal ride. Nilagnat talaga kami ni Marseng Joanne at hangang ngayon may hilo hilo effect pa ako. 

Anyways! Medyo busy pa ako with some stuff, including a portfolio I'm preparing for PBO, para sa ating magiging venue for the Bazaar for a Cause, kaya di pa ako maka pag blog about Siargao. So ito muna - first installment. Ang aming shoot, inspired by Metro magazine January 2013 issue. A huge thank you to Metro! :)
Handa na ba kayo?! Okay, go! :)
Sam Adjani
ZaiZai
Cristalle Belo
Marseng Joanne
David Chua (my love!)
ZaiZai
Jessy Mendiola
Sis Arline
Mark Lopez
King Arvin
Cristalle Belo again
Marseng Joanne again
June Macasaet
Empi
Megan Young
ZaiZai Baliw! Hahahaha :)
Group pictures :)

Bongga di ba? At dahil idea ko ang shoot na ito, may extra shots ako :)

Next time, pag kasama kayo sa lakad sasali din kayo sa photoshoot okay? A big thanks to my blogger friends for being such good sports at willing na willing mag pose :) I had such a great time with you all on our trip :)

At yan muna ngayon, madami pa akong gagawin. Sana matapos ko na agad dahil miss ko na basahin ang mga blog nyo! Love you all! :*

Siargao : Highlights

$
0
0
Hi everyone! May detailed posts na sa blogs nina Marseng Joanne, Arline and Empi kaya quick post na lang ito about the highlights of our fun ( and super kaduper uber tiring ) Siargao trip :)

BYAHILO BYAHAGGARD

Kwinenta namin ni Marseng Joanne (actually sya lang nagkwenta dahil mahina ako sa Math) at almost 12 hours kaming nasa byahe. Taxi, plane, van, boat and habal habal ride. Kung nakaka pag salita lang ang pwet ko, sisigaw na sya sa pagod kaka upo.
FUN HABAL HABAL RIDE

Super fun ng habal habal ride namin ni Marseng Joanne! Mega kaway kami sa mga nadadaanan naming mga tao, we were listening to music with matching sing and slight dance, tawa, kwentuhan. Nang naka kita kami ng rainbow, sigaw pa kami on the top of our lungs "may rainbow! may rainbow!" Buti hindi kami sa mental dinirecho ni Kuyang habal habal driver!
CHURPRISE!

May simple surprise kami para sa birthday boys na sina Empi and Arvin. I prepared a banner and balloons, si Marse naman nag pahanda ng cake. It was funny how I was up at 2 a.m. blowing balloons in the toilet. Ang hirap umihip ng lobo ng walang tunog ha infernes! Yung cake naman na pinahanda ni Marse, slightly fail - Alvin at EmIi ba naman ang naka sulat! At ang lettering akala mo pre school ang gumawa, kalowks! But still, glad that we were able to surprise the bday boys :)
BASA SA DAGAT

Inday! Ang boat ride papunta sa mga islands at caves ay buwis buhay. Umuulan sa gitna ng dagat, tumigil ang bangka, pinasok ng tubig. Sana pala kumanta ako ng "heto ako basang basa sa ulaaaan!" e kaya lang tulog ako hahaha :) Ako lang nakakagawa ng buwis buhay kaganapan e, nakakatulog pa rin. All is well naman, salamat kay Papa God of course! :)
 JELLYFISHING! JELLYFISHING!

In the Bucas Grande Island, we saw jellyfishes  Such a fun and surreal experience. Made the super tiring boat ride worth it. They were so cute and gentle - syempre dahil stingless sila.
Nung una may halong slight takot pa kami ni Marse sa mga jellyfish. Just look at our reactions on this stolen picture. Priceless! :)
TO THE BAT CAVE!

Okay not really bat caves, but we went to caves! The Hagukan Cave and the Sohoton Cave. I am afraid of A LOT of things, isa dyan ang caves, malamig na tubig at spiders ( o lugar na feeling ko ay may spiders) so ibang level ang takot ko ng pumasok kami ng caves. Pero go pa rin, pinikit ko na lang mata ko ng di ako gaano matakot. Huli ang pag pikit technique ko sa pic sa lower right. Galing no! :)
TALUNAN PORTION

To get off the Sohoton cave, we had to jump off a platform, I guess was about 12 feet high. Ang babagsakan ay open waters! Isa pa ang takot ko ang heights pero inunahan na ng katawan ko ang isip ko kaya nakaya ko tumalon! Si Marseng Joanne din naunahan ng pagtulak ni kuya ang katawan at isip nya kaya no choice na sya hehe. Too bad wala kaming pics nung tumalon, ito na lang - super saya namin no?! :)
ISLANDS PHILIPPINES!

Boat ride again to 3 super lovely islands - the Naked Island, Daku Island and Guyam Island. Favorite ko ang Guyam Island, that's the one in the very bottom of the pic below - super quaint and charming :)
 METRO SHOOT

Sa mga islands na yan syempre ang venue ng aming controversial shoot! Bongga di ba? Dito ko din na meet ang super cute puppy na kamukha ni Ivy from Pokemon. She's so sweet kung pwede lang ay inuwi ko na sya :) 
 SURF'S UP DUDE!

At last naka pag surfing ako ulit! It was loads of fun though super tiring kasi ang dami naming ginawa the whole day. My arms hurt so much hindi ako magugulat kung natangal na lang bigla ang mga braso ko at lumutang lutang sa tubig. Anyways, it was fun too because first time ma-experience nina Arline, Empi and Arvin mag surf! Ang saya! Too bad though wala kaming pics while surfing, wala kasing photographer. 
 KITAKITS PORTION

Super fun to see and meet Lala and Baste! Really glad they had time to spare just to meet us. Ang saya saya! Si Lala hinatid pa kami sa airport, hindi lang kami naka pag bonding ng bongga kasi antukin ako hahaha :) 

Anyways, I love how being a blogger can make me have more friends, di lang sa cyberspace - kung di sa totoong buhay pa. Aww love you guys! *tulo luha from left eye.
BUNDATAN PORTION

At syempre hidi kumpleto ang post na ito kung walang food pics! Sadly hindi gaanong bongga ang mga kainan experience namin. Pero okay na din! My fave meals are the one we had after our surfing trip - kumain ako ng inihaw na manok, longganisa at vegetable kebab, 2 rice! at syempre ang Jollibee breakfast. Nyam!
And that is it for our fun  ( and super kaduper uber tiring ) Siargao trip! :) Sana next time makasama namin kayo sa ganitong adventures!

Ayan makaka pag blog hop na ako, see you guys sa PBO Bazaar for a Cause on the 24th! May time pa kayo humabol sa pag donate ng items that we can sell! :)

Thank you and God bless! Love lots as always!

HHK 4

$
0
0
For this post, hindi muna Kempet ang K sa HHK. Kain muna. Halo-Halong-Kain. Lakas maka kaning piggy no? Oink! I mean - game! :)

LUWAS EB
Yesterday I finally had the pleasure of meeting my blogger friend Marge of Piso Fashion and Coffeehan. Tagal na din kaming chika chika sa blog, FB, Twitter, Instagram, kulang na lang snail mail, chain letter, penpal, atbp! So I was really happy that we got to finally meet. Kasama sa kita kits syempre ang aking Marseng Joanne, Sis Arline and Rhoda na nakasama na namin ni Marse sa aming La Union trip :)

So Marse and I made luwas luwas to Makati and we went on probinsyana mode. Nag malling kami at nang stalk at ogle ng kuyang gwapo (mas detailed kwento sa post ni Marse) then met up with Marge, Rhoda and Sis Arline. Went straight to 8065 Coffee Shop.
Eto kami, in random order. Kung by beauty ang arrangement ako nasa unahan. Ang umangal masasaktan okay? Tandaan 6'2" ako. Hahaha :)
So best in chikahan portion kami. Really fun kausap sina Marge and Rhoda - parang ang tagal na naming friends sa kadaldalan namin sa isa't isa. Anyways, Marge is really pretty so yeah, kung by beauty ang pila, payag na ako pangalawa ako :)

I gave Marge a present - I drew a picture of her fabulous self :) Sorry sa frame Marge walang girly color so I brought a blue one just like mine.
Marge also had presents for us - a keyholder, an uber cute paper swan and a super sweet note. 
Her note is too sweet to be kept to myself so here, you must read it too :) 
                   
Marseng Joanne in case you are wondering, hindi ako kasama sa pic ng note kasi ako ang kumuha okay? Hahahaha :)

Anyways, back to the 8065 Coffee Shop - it is a really homey coffee shop that Marge discovered and frequents. Glad she took us there. They have a really interesting display of toys! The boy in me (yes may boy sa loob ko, may girl din ) felt so happy seeing all these! I'm a big Marvel fan you see :)
This is what I wanted to do with this Gambit toy! Kung pwede lang nakawin!
Eto pa! X-Men collectible! 
Leave it to me to make a gay scene with Spiderman and The Hulk :)
Enough playing around, usap naman about the food! They have rice meals at 8065 Coffee Shop - na puro bagnet ang ulam pero iba ibang luto. Gulo ng explanation ko no? Halimbawa! I had Spicy Gata Bagnet. Arline had Binagoongang Bagnet and Marge had Bagnet Kare Kare. Si Marse had plain and simple bagnet. 

The verdict - super sarap! Mouth watering! Looks yummy! Hope I can try that too! Ganyan! Haha :) Kung hindi lang malaki ang posibilidad na pumutok ang batok ko malamang umorder pa ako ng isa pa :)
We also had this yummy Pesto - Php120.
And for dessert - a slice of Chocolate Campfire Cake - Php105 per slice. This made it to my list of yummiest cakes ever. Slice of heaven. At syempre - super sarap! Mouth watering! Looks yummy! Hope I can try that too! Ganyan! Haha ulit! :)
So over that yummy dinner and coffee we had a super fun talk. I know I'm a gay guy but it really is fun talking to girls kasi mas ka level ko ng isip at ng kung ano ano pa. Kahit ano pwede pag usapan, love life, gay bar, mga manlolokong lalake, etc. I had a really great time meeting and hanging out with you guys! Looking forward to hanging out with you again :)
Uwian time came at syempre nag pa-pic ako ng likod ng aking outfit for the day - sayang naman pag di nakita ang detail. Thanks for the pic Sis Arline :)
THE MILKY AND SUNNY SHOW!
Last week, after ako samahan ni Lori na kausapin si Pastor for our PBO Bazaar venue, we had a quick meal at Milky and Sunny in Kapitolyo, Pasig. Kaya ko i-nentitle na The Milky and Sunny show ang part na ito kasi lakas maka talk show ng chairs at sign sa harap ng resto :) 
Me and Lionel the puppet. Sa resto po ang puppet na yan, nilinaw ko lang baka isipin nyo may dala akong puppet lagi. Rabbit na puppet po ang dala ko lagi. Hahahaha! :)

Milky and Sunny has a really lovely interior. The blue and white paint makes it really cozy and they have contemporary art to spice up the cool colored walls. 
I love their wall decors of random frames and stuff. I love it so much na inspire ako and I'm working now on having something like this in my room. Wala nga lang EAT yung sa akin, baka lalo ako tumakaw, ay ibang level na yon.
Some of their other art fixtures. Love the skull, very Alexander McQueen! :)
And a bunny! Reminds me of my late Antoinette :-/
Now about their food, I think they serve mainly breakfast meals the whole day. See for yourself, here is their menu :)
 
I had Blueberry Pancakes - Php145. Sorry sa haggard face, puyat at pagod ako nyan ha. Wag magulo, mainit ulo ko.
Lori had Chocolate Chip Pancakes - Pp145 :)
I told her the chocolate chips in her pancake looks like goat poop, e sabi nya mas mukha daw goat poop ang sa akin, basa basa pa. Erks oo nga naman!
So note to self, wag magpapandiri ng iba kasi malamang bumalik din sa akin. Karma.
Malapit lang ang Milky and Sunny sa gaganapan ng PBO Bazaar natin so if you guys want to try it too, we can! Libre nyo ako ha! :)

TO INFINITEA AND BEYOND! PANGKALAWAKAN!

Hello Pao! Naalala kita sa title ko sa part na'to kaya tinodo ko na! :) After ng kainan namin ni Lori, nag Infinitea naman kami ng aking dear sister Carla and dear brother Ge. First time ko sa Infinitea kahit sobrang lapit lang nya sa amin.

So they have the usual milk tea choices. I had Peach Lychee Milk Tea (large at Php95) which is super yummy! Kanina nag Infinitea kami ulit and I had the Blueberry Milk Tea (sana nag Peach Lychee na lang pala ako ulit)

One thing that I am curious of at gusto ko ma-try ay ang milk tea liqueur! May percentage pa ng alcohol content. Gusto ko sanang magtanong "Wala bang 'tambay sa kanto levels? o kaya butas atay levels?"
Our drinks! Love how it's served in a basket :) 
They have nachos too btw - Php 80 :)
And they have a band! Na gwapo ang guitarist! His name is Chard at boyfriend ko na sya, di pa lang nya alam.
Nakita ko ulit si Chard kanina and yes, he is indeed cute! And yes, di pa rin nya alam na boyfriend ko sya :)
Marseng Joanne wala si Carla sa pic kasi sya ang kumuha. Pero ayan sya sa baba, wala kami ni Ge kasi kami naman ang kumuha. 
It's great having Infinitea really near our home. At least madali ko madadalaw si Chard my love! :)

HAPPY BIRTHDAY PAPA!!!!
Birthday ni Papa ko last February 8. Straight from uwi namin from Siargao, bumili ako ng cake from Red Ribbon. This medium sized cake is at Php250 only. 
Surprise Papa Jun! :)
A few days after since di ko na kaya kumain sa labas that day, we had Papa's celebration at Pizza Hut. Simple dinner lang with my crazy and fun family :)
Very Rihanna ang styling ni birthday boy Papa Jun :) 
Mama and Carla :)
And Ge and me! :) 
As expected, pasta and pizza ang nilaps sa Pizza Hut :)

AND THAT IS EAT! I mean IT! Ang daming kain no?! Now before I end this post, I want to greet all of you my dear friends.. 
Hope you had a great Valentines! Ako very isdang di nabili ang peg, nilangaw! Pero okay lang yan! Masaya naman ako so yeah! Yeah! God is good! Yeah yeah God is great! Yeah!

PS : This Sunday na ang PBO Bazaar for a Cause! Pwede pang humabol ang donations! At pwede ding sumama sa event itself para maka pag volunteer at para mameet namin at malibre ako sa Milky and Sunny! Go na! :)

1ST PBO Bazaar For A Cause : Success!

$
0
0
Hello everyone! Ang saya saya at ang successful ng 1st ever PBP Bazaar kahapon. Straight from shift kami ni Marseng Joanne, pa freshen up pa kami, ako nag shower pa sa office. Pag dating sa venue at after mag ayos ayos at mag setup, aba parang nabalewala ang pag papa-fresh namin. Pero okay lang, bukod sa it's for a good cause, fresh naman kami naturally ni Marseng Joanne #umangalmasasaktan.

First sa venue kami nina Marseng Joanne and Empi, next sina Senyor and Juicy Jay. Next sina Josh, Mar and Lori with Joel and pretty Sophie. At sumunod na ang iba :) May ganyan talaga para malaman na kami ang una, baka may premyo ang early bird e, hahaha :)

Set up agad sa venue, again, ang Pasig Capitol Community Church :)
Ang daming books! :)
..and toys (pwedeng endorser si cute Sophie)..
..and clothes!
Finally got to meet some bloggers for the first time - una, si Cheenee na super cute. Charming Cheenee dapat ang pangalan nya, super charming kasi. At ang dimples ni Charming Cheenee, ayaw paawat. Tinalo pa ang lubak sa lalim :) Thanks for the support Charming Cheenee :) Paulit ulit ako sa Charming Cheene ano? Lol!
Na meet ko na din at last ang very celebrity ang peg na si Miss Balut! Super thank you for dropping by and bringing so much stuff for the bazaar. Thank you too for your super sweet gift. I love it a lot! Nice na naka pag chikahan tayo kahit sandali lang about you being prone sa mga maniac. Sa sexy mo ba naman, di naman surprising hehe :) Again, super nice to meet you and thank you for supporting PBO! :)
Also, I got to meet Juicy Jay! Buti na lang hindi english speaking in person si Juicy Daddy Jay kundi baka nag nose bleed ako. Dahil sa nag tatagalog sya in person, naka usap ko naman sya, at super nice sya in person. Very warm and cheerful :) Thanks Daddy Jay for your support sa PBO :)
Special thanks kay Pastor for letting us have the bazaar at their church! At bumili si Pastor ng books, again super thank you Pastor! :)
Most of the people who bought stuff form the bazaar are people who attended the service at church. Gaya nitong si pretty Ate sa baba, na na-hard sell ni Nutty :)
Mukha bang emotional si King Arvin dito sa pic with his kambal Empi? Kasi naman babalik na sya sa New Caledonia later that day. Pero okay lang yan, we'll see each other again soon! :)
Come hapon, nilabas na namin sa harap ng church ang table. Mas dumami na ang buyers namin na passerby,   at mga kuyang tricycle driver na BARATODA yata ang pangalan ng toda nila, grabe mang barat e haha :)
                           
Humabol nga pala si Axl with a lot of clothes na dagdag sa mga nabenta namin :) Thanks Axl! :)
Kami nina Empi and Marseng Joanne. Haggard na sa antok pero.. pero.. zzzzzzzz!
Humabol din ang ating treasurer, si pretty Arline! Ang kapal lang ng suot nya, hindi kita ang pusod #kabaliktaranlang :)
Some more pics - boy and girls next door :)
Nag papatuyo ng sampay sina Nutty and King Avrin :)
Rubadubango amoy araw scent na kami ni Marse :) 
Sitting pretty sina Empi, Josh and Meow :) 
Ang liit liit ni Senyor! Petite much!
After sometime, nag decide kami na pack up na. A huge thank you to Nutty for bringing home the left over goods. Pwede pang mag 2nd bazaar! :)
 Group pic muna bago mag uwian! :) 
Humabol din si Rix! Bumili sya ng cupcakes ni Arline na super hinard sell ni Josh :)
At after ng group pic bago mag uwian, kainan bago mag uwian naman. Had a quick dinner at KFC :)
Back to New Caledonia na si King Arvin later that day! Thanks for spending time with us, sa Siargao trip at sa bazaar. Wag ka gaano malungkot kasi may blogger, FB, Twitter at kung ano ano pa naman, and we'll see each other again soon :)
Went home dead tired after! I was awake for more than 24 hours so you can imagine how sick I was feeling.   It was nice though, being tired but knowing it was all for a good cause :)

Here are the stuff I bought from the bazaar nga pala. I bought a set of Stephen King books at Php150 only, The Undomesticated Goddess by Sophie Kinsella, a wallet (not in the pic) and a Toy Story toy - ang mga cute alien na nag sabi ng "The Clawwwww!" Cute!
Miss Balut btw, gave me a sweet present, a frame - perfect for the wall thing I finished today (kita may nalagay na akong picture) It has shells too which I added to my shell collection. Best of all, the present came with a sweet note / picture of Balut. Thanks again, super love this present :) 
And that is our successful 1ST PBO Bazaar For A Cause! As our sexytary Joanne tallied, we earned : Php9,210 ++coins! Yahoo! Again, a huge thank you to everyone na nag support, nag volunteer at lalo na ang mga nag donate for the bazaar. All the earnings will be funds for our next outreach project. Hope we get to see you all and we still have your support on our next project :)

Sabi ko nga sa FB, I am super proud to be the current president of such a great group such as PBO! Super duper proud! Extreme level! Ka level ko ata ang saya ni Jennifer Lawrence sa pagiging Best Actress! Woot!

Ayan. tama na, nababaliw na ako :) Thank you again everyone, much love as always! :)

HHK 5

$
0
0
Hi everyone! March na! Summer na ulit at syempre extreme ang init. Lakas maka Pan de Manila ng levels ng init lalo na sa kwarto ko, kailangan mag deodorant kahit sa pag tulog.

MAJINIT JACKSON
Kanina, instead na usual "Thank you Papa God for another day" ang nasambit ko nung nagising ako, napa "shet ang init!!!!" ako. Sorry naman, magising ka ba namang basa ng pawis. Bukas hahanda ko na sarili ko para Thank God muna, tapos sunod na ang shet na malagkit at mainit, blah blah ek ek.

Anyways, dahil dyan, inaya ko si brother Ge sa malamig na lugar. Kung saan aircon at may giant ceiling fan. Saan yan? Sa SM Masinag. Ayan o, may giant ceiling fans :)
Dahil summer na, napa shopping ako ng sando. Tingin nyo ano sa dalawa ang binili ko?
Syempre pareho! :)
Kinailangan namin umalis agad ni Ge kasi ang dami pang magaganda, baka mabili ko lahat (lahat ng kasya sa konti kong pera hahaha) We then had merienda at Sbarro. Sabi kasi ni Ge hindi pa sya nakaka-kain dun at naawa naman ako syempre. Pina-experience ko sa kanya ang aking favorite na spaghetti with meatball at ang pizza supreme :)
Nose nyo ba kung gaano kasarap ang spaghetti? Masarap sya! :)
Ge loved the spaghetti and pizza. Dahil nasimulan ko na last post, half order of spaghetti with 1 meatball is Php104 and a slice of Supreme pan pizza is Php110 :)

At nung gabi na, umuwi na kami. Malamig na e. Mahal mag pa aircon kaya magpapakabit na lang ako nung mga giant ceiling fan sa kwarto. Mas bonga yun di ba? :)

THE GREAT WALL OF ZAICY
Natapos ko na ang aking artsy wall na inspired ng artsy wall na nakita ko sa Milky and Sunny! Here is how it looks. Ang gulo no?! Hahaha :)
In case you want to know (high-light nyo lang ang dark parts para makita at mabasa nyo, in case you're not interested, you can actually just skip it - totally fine :) Anyway, these are just random things that I love :)
1. a picture of Malena ( one of my favorite movies)
2. a mini poster of To Wong Foo, Thanks For Everything, Julie Newmar (favorite feel good movie)
3. a very inspiring chu-chu about love (because I need to not be bitter hahaha)
4. a nice red plate (dahil ako ay matakaw)
5. a picture of the painting Ophelia Drowning by Paul Steck  which is featured in my fave album, Hole's Celebrity Skin (yeah rock rock!)
6. a Tale of Peter Rabbit bowl (dahil mahilig ako sa bunny)
7. a pic of the poster for Breakfast at Tiffany's (thanks Ms Balut for this frame!)
8. a drawing of mine featuring Alisha from Alisha's Attic :)
9. a pic of Carrie Bradshaw from a scene from Sex and the City movie (favorite series!)
10. a table napkin with cat prints (love cats!)
11. a flag of Britain with the keep calm kembot (para kalma lang haha)
12. a pic of the F.R.I.E.N.D.S. cast (favorite series too!)
13. a pic from Memoirs of a Geisha (my fave book)
14. a pic of the painting The Great Wave of Kanagawa by Hokusai (love this painting and it is so Japanese)
15. a pic of Spongebob and Patrick!
16. a pic of the paintings Dog and Fowl with Pearls by Michael Sowa, both featured in my fave movie, Amelie
17. a pic of Marilyn Monroe ('cause I'm sexy like her hehe)

Ang saya no! Let me know if you love any of the things I love too :) BTW, in case you have a bare wall, you can try doing this too. It's a really simple, fun and very personalized way to spice up a wall. Always fun to look at, lagi nga ako napapa smile pag tinitignan ko to..pero pag naiisip kong dagdag punasin pag naglilinis...hay! Haha.


ANG BUHAY NI PI
I finally got to watch Life of Pi the other day. It's a really great movie, story and production wise. No surprise that it won Best Director for Ang Lee, Best in Cinematography, Best in Visual Effects and Best in Original Score. My favorite scenes from the film are : nung very calm ang ocean and it was sunset..it was like being in a dream..
..and the scene where there were all the jelly fish and plankton and then cam the whale. Really magical :) 
Hopefully you saw Life of Pi too. Ang ganda di ba? :)

And that's all the HHK for now! Hopefully we all get to survive this cruel summer, always keep yourself cool and hydrated ng hindi ma heat stroke at syempre mag sunblock para hindi mag tutong :) Thank you for dropping by and see you all soon! Much love as always! :)

Sparkly Like Diamonds

$
0
0
Hello my dear friends! I'm sick ( and absent from work ) today kasi ako ay hinigh blood sa sobrang init at sa extreme body ache. 

I had a massage yesterday - short story about it : tinanong kami ni Emer ng masahita kung hard daw ba ang massage, yes kami pareho. Tapos binawi ni Emer, soft lang daw sa kanya. Ako naman, para di mag mukhang gaya gaya at magmukang natakot sa hard, go pa rin sa hard. Sa buong massage, wala na akong inisip kundi paano ko gagantihan si kuyang masahista - minsan gusto ko syang sipain, kurutin, tusukin sa mata, kagatin sa tenga. Pero tiniis ko, I'm a lover not a fighter! Haha. Pag tapos ng massage, para akong ginangbang ng mga bilango hahaha. Moral lesson : dedma ng maging gaya gaya at mukhang duwag sa hard massage, wag lang mabugbog. Hazing levels!

ANYWAYS! Ang post kong ito ay about the fun trip namin ni BFF Emer sa Diamond Hotel in Roxas Blvd. Emer got certificates so ang deluxe room which usually goes for Php 9,000 ay nakuha namin for Php 3,00 only. Not bad! At dinner buffet for Php 500! Sulit sa patay gorang gaya namin :)
Hello sa Diamond Hotel na kalayo!
 
  This is our home for the day! Lovely, lovely! 2126!
Manunuod kami dapat ng Pyrolympics through the window kaya lang FAIL! Nakatalikod kami sa MOA. Kaya nag Traffic Panic na lang ako using real cars :)
Eto pa isang view namin, ang ganda lang! Pwedeng i-print at lagay sa flyer no? Condo chenelyn, for sale chenelyn blah blah..
BTW, birthday ni Emer sa March 16! Happy Birthday my friend, you barely look 60! Is this friendship or what?! Hahaha :)
Being the sweet lil me, I bought him a present.. 
..tada! A framed picture of FRIENDS. He loves it too, minsan kwentuhan lang kami about our favorite scenes. Crazy no. 
Anyways, to make myself more at home, I changed from this..
..to this! 
Fixed the clothes in the closet..
..looked for a channel to watch, kaya lang naunahan ako ni Emer. He was watching basketball (boring! mas masaya pa manuod ng Dora!) na intriga pa naman ako sa Channel 34 - Balls! Hihihi :)
I ate a half kilo of sweet beans then fell asleep..zzzzz...
Dinner time came so we're up! Got dressed and went downstairs. Thanks to my Papa for the really nice shirt :)
Eto na ang favorite part ko of the day! Buffet! Ang daming food! I was a bit shy to take pics of the set up so yung mga kinain ko na lang ang na pikpakan ko. I wanted to note the names of the stuff I ate kaya lang sa dami nila, ay good luck! Mas madali pa ma-memorize lahat ng may crush sa akin ( mga lima lang kasi sila haha)
 
Emer had a lot of this - lamb. Isang buong hita ata ng lamb ang nakain nya. Ako di ko gaano trip, naiimagine ko kasi ang mga cute lamb..at naaawa ako.
 We're now moving to desserts! Yey! :)
        
They had ice cream too! This is now my favorite ice cream of all time! Raspberry! Tinanong ko si Ateng nag scoop (scooper?) kung ano ang brand ng ice cream, home made daw. Sana tinanong ko pala address, willing ako mamasukan dun kahit ice cream ang sweldo! 
We were so full and went out for a walk. Ang bagal namin mag lakad sa kabusugan, feeling ko pag may naka banga sa akin, nasukahan ko ng buffet sa mukha hahaha, ay sorry ang baboy! Tignan nyo na lang kung gaano kalaki ang tyan namin. 
Maliit pa rin ba? Sorry naman, sexy kami e. Charlotte! :) 
Back home (home talaga) I had to end the night perfectly. Minsan lang to! I ran myself a bath, read a good book (yes, Spongebob Survival Guide is a good book if you must know) and had Up Dharma Down playing on the background.
Sobrang relaxing, nakatulog ako sa bath tub. Infernes hindi ako nalunod ala Whitney Houston! Ang sarap pa nga ng gising ko, one of the best gisings ever! ever! ever! (ayan nahawa na kay Spongebob)

I then had a cup of coffee (wished Marseng Joanne was there, she's the best coffee partner!) 
Tapos, sinigurado kong tulog na si Emer, then I changed the channel to 34 (BALLS) and yes, basketball channel po sya. Ampness hahahaha! :)
Nag photoshoot na lang ako magisa - this is the best (and only decent pic) from the 8,264,786,342,348 shots I took. Naka timer sa ibabaw ng lamp ang cam, hence the lovely light effects :)
Bed time na - thanked God for such a great and wonderful day. Also prayed na may ice cream ulit sa umaga :) Zzzzzzzzz tapos maya maya, gising time na ulit! Breakfast buffet naman! :)
The hanging fixtures looked better in daylight :)
And breakfast beside this huge water fixture was lovely :)
Onti lang ang choices pag breakfast, makes sense naman, sino ba naman mag ste-steak o lamb sa umaga diba? Si Emer nga pala, pwede hehehe :) 
 
Too bad there was no ice cream!!!! So binawi ko na lang sa fruit yogurt. Not even half as good pero okay na.
 
We then went upstairs to sleep some more, ako nag bath tub ulit! Minsan lang to! We got to check out late, 2PM so extended ang saya at ang tulog moments. Hay tumatanda na kami :) 
And that was our lovely yet super bitin stay at the Diamond Hotel! 
BTW, for hotel critics, Diamond Hotel is a 5 star hotel but it has a lot to improve on. First, their hair dryers were so old school at mas malakas pa buga ng hangin ng bus. Then the AC didn't seem like it was working properly, then the WI-FI is limited to 3 hours per day and only 1 device can connect to it. And, they don't serve ice cream during breakfast! Haha :)

****************

Kung akala nyo yun lang ang kain namin, before we went to DH, we had lunch at PHO'HOA, mas masaya siguro kung PHO'KWANG ang name ng resto tapos face ni Powkie ang nasa logo - imaginine nyo, ang cute di ba? :) BTW, we had Pho Nam, Chin, Gan and Bo Vien. Yan po ang name ng soup, akala ko names yan ng mga namalengke, nag deliver, nag luto..ang daming panagalan e. And we also had honeyed chicken :) 
 
After the DH stay, we had dinner at Peri Peri - na try ko na at last! Makaka relate na ako kay June! It was yummy! And they have a PHP50 soup and drink all you can promo. Tapos for dessert we had halo halo at Dismum Express na dati sa Cebu lang meron, meron na din dito! Same price, this halo halo is for a super cheap Php60 only :)
At ayan ang mga ganap, halo halong sobrang kain, stress sa byahe, hazing ng masahista kaya ako nagkasakit. Pero o-okay din ako soon I know. Sana kayo okay din.

And that is it pusit! Sa March 30 na ang ating 2nd PBO Outreach sa Bahay ni Maria in Laguna! Please visit the PBO FB Page to get updates and you can always feel free to help in anyway, donate, volunteer, send us well wishes. Anything and everything, we appreciate. Thank you!

Subukan ko ng mag blog hop ngayon - kung walang sense ang mga comment ko intindihin nyo na lang ha? Hahaha! Much love as always! XOXOXO!

Blog Love

$
0
0
ANG INIT!!! Let me start this entry with that rant. Iba ang init recently no, parang may free preview ang impeyrno. Bad trip pa na bago na ang shift namin and we get off at 10 a.m. Inis na inis na lang kami ni Marseng Joanne pag nagaabang na kami ng jeep pauwi, bilad sa ilalim ng araw. Pag dating sa bahay, kahit sobrang antok ang hirap matulog. Joke lang, di ako mahirap makatulog - masa kaya ako. #masandaltulog :)

Anyways, I just want to share my super busy weekend! It was all about meeting new and old (di naman old sa edad, Sis Arline) blogger friends :) It was fun! :) 

FRIDAY
I met up with food blogger Michymoo of  I Am A Dekaphobic for dinner. If I recall correctly ( if I am wrong, tandaan, makakalimutin ako) I came upon Michy's blog after Googling "where to pig out like a pig in Cebu". I ended up reading and loving her raving post about Harbor City Dimsum House. So Emer and I pigged out at Harbor City on our last Cebu trip - and me, loving the food thought to myself  "my, my, Michy does know good food!" And hence, I became a fan of her blog ever since.

So there, we had dinner at Cafe Dozo, a Japanese restaurant (sabi nga sa sign nila haha). Cafe Dozo is in Antipolo, just a tricycle ride away from where I live.  
                     
I was a bit nervous meeting up with Michy, paano kung ang serious nya pala at mag mukha akong baliw kakasabi ng kung ano ano. Haha! E buti na lang happy and talkative person si Michy. So perfect, kwentuhan lang kami ng kwentuhan. All that over a Japanese dinner of course. 
                   
We had...Gyoza..
..Potato Balls..
..Mixed Maki..
 ..Tonkatsu..
..Shrimp Tempura..
..and my favorite - Pork Katsudon! :)
Konti ng kinain namin no? 
Well I can't critique food well, I'll leave that to the pros like Michy :) Ako basta masarap naman, perfect na sa akin. Yun ngang maalat - maanghang - maasim - mamanis manis, minsan nalilito pa ako. So masarap at di masarap lang talaga ang pang lasa ko hahaha :)

After dinner, we had coffee and cakes at Seisha Cafe, a few steps and much fewer cartwheel away from Cafe Dozo. 
As the name implies, they have Seisha, and have meals too. And of course, coffee and dessert. Nagulat kami ni Michy seeing they have doughnuts too, Krispy Kreme doughnuts na naka box pa talaga.
Over a cup of coffee we talked more about work, bloggers, love life and the lack of it :)
It was great to finally meet Michy in person. She's a real and funny person behind such a diet ruining blog :) Thanks for finding time to meet me Michymoo! :)
SATURDAY

Saturday is Divisoria day naman with Sis Arline! We went to Divi to buy stuff for the lolas whom we will visit on our 2nd PBO Outreach. Bago ang Divi shopping, I met up with Kuya Lawrence, delivery guy from KIMSTORE. Kimstore btw has most of the must have aka must dream of gadgets at the cheapest prices e-v-e-r. I bought a DSLR..at long last! Now I can take higher quality and yes, nicer pictures. Pagka claim ng camera, nag shoot na kami agad ni Sis sa Lucky Chinatown.  
 
Tapos, start na ng shopping! Medyo nakaka pagod ang shopping part, ang daming bitbit tapos umulan pa. I just kept in mind all of it was for a good cause and I knew it was all worth it. And enjoy naman kahit paano - lalo na nung namimili kami ng mga daster para sa mga lola :)
Nang mabili na ang mga kailangan, went home na and started shooting away! Thank you Papa God, I got to buy a camera for myself. I love taking pictures ( but not as much as having my picture taken, but it't all good) 
  SUNDAY
Sunday was a very special day! We get to meet the one and only Mommy Joy! Sa Megamall ang meetup at dahil excited ako, ako ang naunang dumating. I was nervous (again, it's normal naman to be nervous when meeting someone for the first time di ba?) but of course I was more happy that I got to meet Mommy Joy in person. She's just on vacation for three weeks from Norway, so I really appreciate that she made time to meet us.

Ayan, si Mommy Joy kung mukhang bata sa pic, aba mas mukha syang bata in person. I guess it's because she takes care of herself, she dresses well and you can just see how happy and positive she is :)
 
Mommy Joy treated us to lunch - we had it at Teriyaki Boy. Thanks for the treat Mommy Joy! :)

Over lunch, more kwentuhan pa. It was really nice how we all talked to Mommy Joy as if we knew each other for years. Iba talaga ang nagagawa ng blogs, we get to make friends with people even from far away.  Mommy Joy had to leave after a while so though bitin, super thankful na ako sa time and chance to meet her. And thank you for the chocolates and for supporting PBO Mommy Joy! We love you! :*
Syempre nag pa-picture kami sa celebrity blogger :)

Then we had a short run down of stuff for the 2nd PBO Outreach. Looking forward to it, I'm sure it will be another success :)
And that was my very busy yet fun weekend! Bitin pero there's always the next weekend just right around the corner. Always something to look forward to, especially after a tiring week at work. Thanks for reading this and can't wait to read your blogs again. Bukas naman yon kasi past my bed time na :)

Thank you again everyone! Much love from me to you. Btw, please do visit the PBO page HERE. Thank you for all the support!

..Pag May Time

$
0
0
Blog blog pag may time! At last may time na ako. Before I make an entry about our lovely 2nd PBO event at Bahay ni Maria (na wish ko ay malapit lang ng maka balik balik ako dun) I want to make an entry about the past ganaps, which I will share in pictures! Pag bigyan nyo na, nga fee-feeling. Kung wala kayong maisip na i-co-comment, okay na ang "great shots dude!", "nice!", "ganda ng kuha!", "ang sexy mo Zai!" Mga ganyan keri na sa akin yan :)

GOOD FRIDAY : REGINA ROSARII
Gora sa Tanay pag may time! My lovely family and some of my cousins went to Regina Rosarii in Tanay, Rizal. It is such a lovely place, it's such a lovely place (hindi po sya Hotel California) But really, it is a lovely place with such a majestic and lovely image of Our Lady and the child Jesus. 
 ALAY LAKAD
Alay Lakad pag may time! Me with first timers the lovely Marseng Joanne and Empi joined a multitude of people in the yearly Alay Lakad. From Tikling in Taytay to our lovely home in Antipolo. Fun walk rewarded with drinks from Infinitea :) 
 UP PHOTOWALK
Picture picture pag may time! Ge and I went to the lovely UP Diliman to take pictures! Luckily, we met up with Hustin kung hindi ginabi na kami kakahanap kay Kuyang Oblation. Had a lovely snack at the lovely museum cafe. Then went to the Vargas museum and saw the works of Diokno Pasilan and a few more artists. It was a lovely day!
 
NIGHT OUT WITH THE SIBS
Milk tea pag may time! Favorite hang out namin ang Infinitea, a few blocks away from our lovely home. This was a lovely night, spent with my lovely siblings who aren't as lovely as I am. Lols! 
And ayan ang mga recent ganap :) Next post ko na ang 2nd PBO event and the after party - di ko pa ma upload ang after party pics kasi intay ko pa ang approval ng MTRCB, medyo mahalay kasi ang lovely cleavage exposure pics ni Senyor haha :)

Thank you all for visiting my lovely blog- ako naman mag blog hop..pag may time :) Love you all! Much love as always! XOXO! :)

BTW, Ang dami kong lovely sa post na to no! Have a lovely week ahead! :*

An Afternoon with the Lolas : PBO at Bahay Ni Maria

$
0
0
Hola everyone! Na realize ko recently, after reading your posts about PBO's outreach at Bahay ni Maria, na nakaka aliw pag ang event ay event ng mga bloggers - expected mo na na may kanya kanyang kwento, about their own experiences, their point of view, mga kinatuwaan at halos ika loka (ng very mild).

Anyways, this is my kwento about PBO's outreach at the Bahay ni Maria.  
Umpisahan ko sa aking montik ng ika loka (ng very mild) - ang debut ni Ate sa Bahay ni Maria. Naloka lang ako (ng very mild) sa sobrang pagka hyper ni Ate, tipong parang mag ha-hyper ventilate sya any time. Anyways, inisip ko na lang na baka sobrang happy lang nya kaya sya ganun. (Ganun din kasi ako pag kinausap ng crush ko haha) Or baka naka inom sya ng 10 venti espresso on the way sa BNM :)
Anyways, we watched on as we waited for our turn to spend time with the lolas. Sad lang napansin namin na medyo matagal ang program and they didn't have food for the lolas. Anyways, I guess that was somehow a good thing, we stepped in pagtapos bigyan ng go signal ni Sister Evelyn - and gave food to the Lolas. Habang nag di-distribute ng food, we got to meet the Lolas for the first time. Dito ko lang nalaman na hindi lang pala lolas ang meron sa Bahay ni Maria. Here's Rina for example :) 
Rina is super sweet, she gave me a drawing of Patrick Star at sabi nya, wag ko daw walain. Secret lang natin, may kasalanan ako kay Rina, nawala ang drawing nya! Nilagay ko sa likod ng bag ko at nung uwian na, di ko na sya makita. Baka may kumuha sa inyo ha, lagot kayo kay Rina :-0

Anyways, so we got to feed the lolas at sabay na ng kwentuhan with them. Really fun meeting the lolas, they all had their own character. May silent type, may kalog, may kikay, may favorite kumanta ng Bahay Kubo :)
Mukhang may balak pa si Glenn maki share sa pancit :) 
Sina Hustin and Empi naman, nakwentuhan na ata ng bedtime story :)
Si Marseng Joanne, nagpaturo ng Bahay Kubo (remix version)
Si Jun parang nag aabang na subuan sya ni Lola ng pancit :)
World Peace talaga ang wish ng mga beauties like lola and Marge :)
Beauties ba?! Syempre pasok ako dyan! WORLD PEACE!!! hahaha!
Isa pa, WORLD PEACE ulit!!! :)
Beauties pa din! Share ng make up tips sina Marse, lola and Carl :)
Si Rina and JeiSon naman pang It Takes a Man and a Woman ang peg :)
Anyways, I had to deliver an impromptu opening remark - I was so nervous kasi di ko bet ang public speaking. I always think that I'll say something stupid and that no one will pay any attention to the (stupid) things I'll say.
May umeksena pang upuang marupok at nawala na lang ako sa concentration ko. Tinapos ko agad ang speech. Nasa Guinness Book of World Records na sya as Shortest Opening Remarks Evvvvveeeerrrr! :)
Move on naman to something more enjoyable - gift giving! We had goodie bags prepared for the lolas, each had a duster dress, undies, a towel, fishnet stockings, Olay Age Defying Cream, La Mer hand cream at MAC cosmetics - yung mga huling items hindi na umabot, hahabol na lang namin :)
Katuwa ang chikahan namin with Ate Inday, may interview portion talaga kung nag pa-panty sya. Sabi nya para di daw masilip ang panty nya, di nya ito sinusuot #waleyangjoke!
Anyways, habang chikahan with the lolas, nag organ si very talented Kyle :)
At syempre, picture picture din ang PBOers :)
 The Pretties - Carl, Marseng Joanne, Marge and Senyor :) 
Mga first time ko na meet - pretty Tiny and the so chica Sunny :) 
Sina Hustin, Arline and Empi :)
Beauties ulit! Me and Marge - special thanks to Marge for going on a trip all the way to Laguna to be a PBO volunteer :)
            
Fresh na fresh sina Josh and Rix :)
Super thanks to the mag Mommy - Michelle and Kyle :)
Ang mga boys sa buhay (sa hapon) ni Rina - sina JeiSon and Bino..
..sina Mar at Josh..
..at si Mecoy. Grabe ang heart throb pala ni Rina! Talo pa ako :)
Sister Evelyn gave a very heart warming talk about the lolas and how we should value and love them. With the short chit chat we had, I found out they only accept abandoned lolas - I can't imagine how anyone can abandon a lola - who was a daughter, a friend, a sister, a mother, a lola to someone. It's just plain heartless. 
It is such a blessing that there are homes like Bahay ni Maria and people like Sister Evelyn who are willing and are completely devoted to caring for them. God bless such good souls.
And with that, our afternoon with the lolas has come to an end. It was hard to say goodbye to them - though we have memories to hold on to and of course, we can always go back and visit them again :) Thank you Sister Evelyn and Bahay ni Maria for giving PBO a chance to spend time with the lovely lolas :)
To anyone who wants to visit Bahay ni Maria too; you can contact them at (049) 834-3217 or you can email Sister Evelyn at fatimians@yahoo.com.

To anyone who wants to be a part of PBO, please like our FB page here and visit the official PBO blog here. Thank you for all the support! Do stick around as we have more projects lined up :)


And.. I just want to say THANK YOU to everyone who made this possible, sa Bahay ni Maria, sa donors ng PBO, sa officers, sa volunteers, sa well wishers at supporters. This would not be possible without all of you. Thank you from the bottom of my lovely heart. 

XOXO Mr/Ms President :)

Duguang Pluma (Part 2)

$
0
0

"Hoy Joanne!"

Sambulat ni Katie sabay silip sa cubicle ng kaibigan. "Kanino galing yan ha?" sabay nguso sa isang dosenang pulang rosas na naka patong sa mesa ni Joanne, katabi ng kanyang computer. Nilingon sya ni Joanne sabay irap. "Kanino nga?! Kay Ric no?"

"Oo, sino pa bang baliw ang pumoporma sa akin dito sa opisina?" 

"Yiheeeeeee! Ang arte arte ng friend ko! Ang haba ng hair! Halika nga at ma-waterfall braid ko ang buhok mo.." Tumungo si Katie sa likod ni Joanne tapos ay sinimulan i-braid ang buhok nito. "Bigyan mo na ng chance si Ric, gwapo naman, mabait. Nang ma-experience mo naman magka boyfriend! Never ka pa nag kwento ng tungkol sa boyfrie.." Biglang iniwas ni Joanne ang ulo at nabitawan ni Katie ang kanyang buhok.

"Okay, di na ko mag sasalita. Basta friend, go ka na kay Ric. Kung hindi baka ako ang.."

"Oo na nga. Mamaya nga manunuod kami ng sine."

"Talaga?!! Yan naman pala, ano papanuorin nyo? Maganda yung ano.."

"Basta bahala na mamaya.."

Sanay na si Katie sa katarayan ng kanyang kaibigan kaya binalewala na nya ito. Masaya pa sya lalo ngayon at nalaman nyang lalabas ang kanyang kaibigan at ang masuyo nitong manliligaw. "O sya, balik na ko sa station ko friend, lalamig na yung cup noodles ko..balitaan mo ako tungkol sa date nyo ha! Ay ako kinikilig, kalokaaaaaa!"

Nilingon sya ni Joanne, ngumiti sandali sabay harap muli sa computer. Hindi nya alam kung bakit pero pumayag syang lumabas kasama si Ric. May mga sandali kasing naiisip ni Joanne na baka para matahimik sya, ang kanyang ina at si Jeff ay kailangan lang nyang maka hanap ng bagong pag ibig. Bibihira ang ganitong mga sandali - na malinaw ang kanyang isip, na hindi madilim at magulo. Hindi ala-ala ng sakit ang laman..kundi ang paniniwala at ang pag asa na pwede pang magbago.

Nung uwian na sabay lumabas ng opisina sina Katie at Joanne. Nag intay silang sandali at lumabas na din ng opisina si Ric - matipuno at gwapo. Isang matamis na ngiti ang binungad nito sa magkaibigan.

"Ang gwapo mo naman Ric! Pwede ba akong sumama sa date?! Epal lang ang peg!"

"Haha ikaw talaga Katie, hindi pwede e. Alam mo naman ilang taon kong inaya tong si Joanne, ngayon lang pumayag.."

"O sya, sige na nga. May klase pa naman ako sa CBBI."

"Saan?" sabay na pag tanong nina Joanne at Ric.

"Sa Carlo Benedicto Braiding Institute! Akala mo ba natutunan ko lang mag isa yung mga braid braid ko sayo ha Joanne?!"

Natawa sina Joanne at Ric. Nagpaalam kay Katie at tumungo sa mall. Doon sila ay kumain, nag kwentuhan at nanuod ng sine. Nanuod sila ng It Takes A Man and A Woman. Habang nanunuod, napa isip si Joanne - okay naman pala ito. Masaya naman pala. Mukhang okay naman si Ric. 

Napa tingin si Joanne sa mga hilera ng upuang mas mababa sa kanilang pwesto at nagulat. May lalaking nakaupo ngunit sa kanya naka harap. Nang maaninag nya ito - nagulat sya ng makita si Jeff. Hindi nya na ito pinansin at binaling ulit ang atensyon sa palabas.
******************
Ilang beses nang lumabas sina Joanne at Ric. Nag di-dinner, nanunuod ng sine, minsan sila pa ay nag simba. Magaang ang loob ni Joanne kay Ric at nabuo sa loob nya na handa syang mag mahal ulit.


Matapos ng dalawang buwan ng panliligaw, sinagot na ni Joanne si Ric.

Mula noon, bihira nya ng makita si Jeff. Ang kanyang ina naman, tuwing dadatnan nya sa bahay ay nakangiti. Di man ito nag sasalita, di na sya umiiyak gaya ng dati. Minsan sya pa ay nagigising dahil sinusuklay ng kanyang ina ang kanyang buhok. Kakanta naman ito upang sya ay makatulog muli.

Ang kanyang kwintas na pluma ay tinago nya sa isang jewelry box. 

Dito nag simula ang pagtigil ng pag hihiganti ni Joanne. Hindi na sya nanga-ibigan ng mga babaeng pumapatol sa may karelasyon. May isang naging kaibigan syang blogger, si Zairene at inaya itong makipag kita. Pumayag naman sya dahil mabuting tao ang pagkaka kilala nya dito, tila masiyahin at positibong tao si Zairene. Naramdaman ni Joanne na pwede na syang makipag kaibigan muli.
******************
"Saan nga ulit lakad mo later babe?"

"May meet akong blogger friend ko. Mag di-dinner lang kami"

"Ah, sayang di kita masamahan, nag papasama si Mama sa mall. May bibilin daw. Pasama ka kay Katie?"

"Okay lang ako babe, may pasok pa daw si Katie mamaya sa CBBI e. Finals daw nila hahaha! Kita mo nga, pinag praktisan pa ang buhok ko.."

"Haha o sige, basta ingat ha, babae naman yang ka meet mo no?"

"Oo naman! Bakit naman ako makiki pag meet sa lalake e may boyfriend na akong ka gwapo"

Tapos ng pasok sa opisina, umuwi si Joanne upang mag palit. Na isip nyang mahilig pumorma si Zairene kaya hindi sya pwedeng mag patalo. Nag suot sya ng pink dress na hubog sa katawan at tinernuhan ng pink na sapatos na may limang pulgadang takong. Tapos ay tumungo na sa tagpuan ng kaibigan.

Doon nakita nyang nagiintay na si Zairene. Nang sila ay mag tagpo ng tingin - parehong tila ba galak na galak silang makita ang isa't isa. Matapos mag yakapan, naupo sila at nag kwentuhan. 

"Ang laki mo naman Zairene! May lahi ka ba?"

"Oo, I'm half Pinay - half kapre!"

"Haha loka ka talaga! Pero ang sexy mo ha, aaminin ko mas sexy ka sa akin!"

"A buti naman inamin mo, honest ka, mabuti yan. Pagpatuloy mo yan haha!"

Patuloy ang masayang kwentuhan ng bagong magkaibigan. Tila ba kay tagal na nilang magka kilala. Natigil lang usapan nila ng may tumawag sa cellphone ni Zairene..

"Ha? O sige dear..e teka, punta ka na lang dito ng ma-meet mo friend ko! Sige na malapit ka naman na e..O sige thanks dear! See you!.."

"Sino yun?" tanong ni Joanne.

"A manliligaw ko, okay lang ba pinadaan ko na dito. Lalabas kami kasi after nito. Para makilatis mo na din friend, sabihin mo sa akin kung papasa ba sayo.."

"Haha o sige, ano ba name nya?"

Sumigaw si Zairene, naka harap sa pinto..."RIC!!!!"

Napa lingon si Joanne sa pinto at nagulat sa nakita. Si Ric. Gulat din ang reaksyon ni Ric ng makitang mag kasama si Joanne at Zairene.

Tila ba umikot ang sikmura ni Joanne. May sakit syang naramdaman pero hindi nya alam kung saan ito. Ito ata ang sakit ng malaman mong ikaw ay niloloko.

Tumalikod si Ric at tumakbo palabas ng restaurant.

"Hala ano kaya nang yari dun?!" nasambit ni Zairene sabay kamot sa ulo.

"Gaano na kayo katagal magka kilala ni Ric?" tanong ni Joanne na naka tingin lamang sa kawalan.

"2 months na din halos. Date date lang, pero sasagutin ko na sya dapat tonight. Bakit, kilala mo ba sya friend?"

"Ha, hindi. Zairene, kailangan ko ng umuwi. Hindi mabuti ang pakiramdam ko." sabay tayo at alis ni Joanne, wala ng iba pang nasabi sa bagong kaibigan.

Umuwi si Joanne na luhaan. Sinalubong sya ng kadiliman ng kanilang bahay. Dali daling tumungo sa kwarto at kinuha ang jewelry box kung saan naka silid ang kanyang kwintas. Sinuot ito at dinama ang pluma na palawit. 

Natigilan sya ng marinig ang kanyang cellphone na nag ri-ring. Tinituro ito ng kanyang ina na nakatayo sa madilim na sulok ng kwarto. Umiiyak ito. Sinagot ni Joanne ang cellphone..

"..Babe..sorry, I can explain! Give me a chance to explain babe..please.."

Garalgal ang boses ni Joanne at sumagot.."sige, pumunta ka dito sa amin..bilisan mo.." sabay tinapos ang tawag.

Maya maya ay kumakatok si Ric sa pinto. Walang sumasagot kaya pinihit nya ang hawakan at bumukas ang pintuan. Madilim ang loob ng bahay pero sya ay pumasok. "Babe? Joanne? Asan ka?"

Walang sumagot. Hinanap nya ang switch ng ilaw. Pag kabukas nya nito, nagulat sya ng makita si Joanne - at biglang may naramdaman matigas na bagay na humampas sa kanyang mukha...at sya ay nawalan ng malay at bumuwal sa sahig.
******************
Nagising si Ric sa isang madilim na kwarto. Nagulat sya ng maramdamang nakatali sya sa isang papag at wala ng saplot. Tumingin sya sa paligid at nagulat ng makita at marinig ang isang matandang babaeng umiiyak at naka upo sa sulok ng kwarto. Sumigaw dahil sa lubhang takot si Ric ngunit impit ang mga ito dahil may busal sya sa kanyang bibig.

Nagulat sya ng biglang lumitaw si Joanne mula sa dilim at pinag sasasaksak sya nito. Matinding sakit ang naramdaman ni Ric at sinubukan nyang umiwas sa mga saksak. Sa kanyang lakas, nakalas nya ang pagkaka tali sa kanyang mga paa - at nasipa nya si Joanne. Tumalsik si Joanne sa isang sulok at nagawang itaob ni Ric ang papag kung saan sya ay nakatali. Naging madali para sa kanya na makalas ang tali sa kamay. Tumayo sya dali dali at hinanap si Joanne. Nagulat sya nang may makitang lalaki sa kwarto - inaninag nya ito at natakot ng makita ang duguang mukha nito. Nakita nya si Jeff.

Sa takot ay hindi na nagawang hanapin ni Ric si Joanne, sya ay dali dali ng lumabas sa bahay. Di na alintana na wala siyang suot, mas mahalaga na sya ay makalayo at makahingi ng tulong. Nakalabas sya ng bahay, ng gate at nag umpisang tumakbo patungo sa main road. Patawid si Ric nang makita na nag aabang sa tatawiran ang lalaking duguan ang mukha - ang nakita nya sa kwarto. Natigilan sya sa kinatatayuan - - at nahagip ng dumaan na truck. Nag sigawan ang mga taong naka kita sa aksidente. Namatay si Ric.

******************
Sumara ang gate sa bahay nina Joanne. Sumara ang pinto. Sa kwarto kung saan naganap ang muling pag hihiganti ni Joanne, nakataob ang papag na maraming bahid ng dugo. Sa sulok naka higa si Joanne, kalong ng kanyang ina. Sya ay walang malay. Kinuha ng kanyang ina ang kwintas na hawak ni Joanne at sinuot leeg ng kanyang anak. Hinubad din nito ang gwantes sa mga kamay ng anak at nilapag sa tabi. Umiyak itong muli at humalo sa kadiliman.

******************
Pag dilat ni Joanne, sya ay nasa kanyang kama. Nasilaw sya sa sumisilip na liwanag mula sa bintana. Masakit ang kanyang katawan ngunit wala ulit syang maramdaman sa kanyang kalooban. Akala nya sya ay malaya na, sya pala ay nag kamali.

Sa Wakas! Gala! Birthday!

$
0
0

SA WAKAS

Last Friday Night (lakas maka Katy Perry!) my date and I went to see SA WAKAS! A new Pinoy rock musical featuring the songs of Sugarfree. Sa mga hindi nakaka alam, Sugarfree is my favorite OPM band (next ang UpDharma Down) so super excited ako to see this musical. As in! Super kaduper! At syempre super na lungkot ako nung nag disband sila..di pa rin naka move on. 

Anyways, the musical was held at the Peta Theater in Quezon City. Special thanks to Theo for the directions :)
Mag a-ala fashion blog na din ako ha :) Chambray polo from  Brooks Brothers, cardigan from Forever21, black pants from Markus and shoes from People are People. (naka sale ang mga yan kaya ko nabili haha)
At eto ang date ko! Si brother Ge! Hehe :)
There was a photo exhibit / auction - the photos are inspired by Sugarfree songs. I would have loved to bid on some of the pictures kaya lang I don't feel okay about bidding, no guarantee na ako mananalo. E gusto ko garantisado. Taray!
A few minutes of waiting we were led inside the Peta Phinma theater. The stage was simple yet did seem pretty dynamic.
After a few minutes more of waiting..the show began! The first song was Kwarto..dahil mababaw ang luha ko, may slight slight iyak ako. Galing kasi ng performers and the songs are very heartfelt, lalo when heard live.
Here they are singing Telepono..dyan hindi naman ako naiyak syempre..
..when they performed Tulog Na, dyan naiyaka ako lalo.
Weird lang ay pinaka naiyak ako sa Dear Kuya! E wala naman akong Kuyang nasa abroad, ni wala nga akong kuya haha. Baliw lang. At iyakin, sorry naman.

After almost 3 hours, the show ended. It was great! I loved it! I would have given them a standing ovation kaya lang makitid ang lanes, bungad ako ng balcony at mababa ang railing - baka mahulog ako, ending agaw eksena pa ako.
The cast : Cassie Manalastas, Hans Dimayuga, Laura Cabochan, (the cute) Victor Robinson III, Justine Pena, Lucia David and Abi Sulit.
Everyone did great! Special saludo ako kay Hans Dimayuga who played Kuya and was on backup - he had such a great voice! Kakakilabot while he was singing :) Baka kaya ako naiyak sa Dear Kuya haha..
Uwian time came - and of course I bought a souvenir - a Sa Wakas shirt to remind me of such a fun night ad such a great musical! :)
If you want to watch SA WAKAS too, check out their official site here : SAWAKAS for more details and show schedules. It's a must see for Sugarfree fans, heck kahit yung mga hindi, I'm sure you'll enjoy this too :)

MAGINHAWA PERO MAINIT

Last Sunday ay nagkita kits kami ng ilang blogger friends to pig out! Ang venue ay sa Maginhawa Street, kung saan matatagpuan ang kaharian ni Empi :) Mainit sa Maginhawa Street - actually kahit saan naman. Middle East na po ba ang Philippines, Kuya Kim? Kaloka ha. 
We had lunch here at Friuli Trattoria. Hirap tandaan! May okay pa kung Fruitty Patola - ang cute di ba :)
Here I ordered Kiwi flavored Italian soda with whipped cream. Di man sya kape, sya ay yummy!
We shared on this serving of Margherita Pizza (Php 180)
..and Tre Formagge (three cheese pizza - which is Php180 too)
We also ordered pesto, spicy tuna and spaghetti with meat sauce.
Ang dami naming na order na food pero buti naubos naman (ang takaw ko kasi haha) I love the pizzas thought the pasta dishes weren't too remarkable. 

Next stop - nitrogen ice cream from The Iscreamist! Pero surprise! surprise! after namin maglakad sa arawan, sarado (na ata?) ang The Iscreamist! Kung kelan tag-init at mabenta ang ice cream tsaka kayo nag sara, anuber!
Move on na lang kami sa Infinitea - kung saan nanira si Jun ng blinds at ako ay nag overspray ng pabango sa CR. Alam nyo na! Haha :)
After namin mag chill, okay, mag try to chill - pumunta kami ng UP para mag food trip ulit.
Umulan ng cotton! Ang saya - feeling ko nasa..nasa..kung saan mang lugar may bulak ako..gaya ng factory ng Cleene cotton!
Hello there cotton! :)
Pose pose pag may time! :)
 Taray ni Jun, may Hall! Hall honey lemon o Hall Eucalyptus ba yan? #waleyangjoke!
May time pa! Pose ulit! Fashion blogger kuno ulit : Superman shirt from Old Navy, shorts from Leixing (taray ng brand no), hat from SM department store and shoes by Converse. Kayo guys sulat nyo din ang outfit para masaya :)
Aliw ako sa stolen shots na to..parang iniisip nina Empi at Hustin na "ang arte arte nitong Marseng Joanne na to, kala mo naman..." 
..tapos biglang "Hi Marseng Joanne, ang ganda ganda mo!" Hehehe :)
 
 Umulan bigla kaya silong silong muna kami (pag may time) Read this funny ad for a female flatmate :)
Rain stopped (ang gulo ng weather sa UP!) and we went to Mang Larry's. Sarado pa so nalipat kami ng venue. 
 Snacked on fishballs and refreshing buko juice :)
 
"Bukas na kina Mang Larry!" sigaw ng taong bayan - kaya pumunta na kami. Si Mang Larry ata ang pinaka sikat sa UP when it comes to isaw. Di ako kumain kasi gusto ko medium rare na isaw e ayaw nila hahaha :) 
Fried Isaw :)
 Dirty Ice Cream! :)
After all the kain and the fun talks, we had to part ways na! It was a (super hot) yet super fun day with my friends! Til next time! :) 
 

BIRTHDAY NI MAMA!

Later that night, after ng ganap sa Maginhawa Street ay birthday celebration namang ng aking beautiful Mama Glo! She is (sagot nya sa akin to when  I asked her age) "54 ata o 55, hindi ko na alam!" Alam ko na kung saan ako mana ng kalimot! :)

We had a simple dinner at Pizza Hut - pizza na naman kaloka! I bought my Mama a cake, which she loved. Sabi nya ang saya ng cake nya ngayon pwedeng mag wish! Hehe :) 
 Yihheeeeee! Mama and Papa :)
My crazy fun family :)
Ayan pizza na naman! Ayaw ko na! Syempre joke lang, I love pizza - actually kahit ano namang food :)
I love you Mama! I wish you more more birthdays. Super kaduper more birthdays! Thank you for being so great at alam ko minsan nagtatalo tayo, kasi pareho tayong high blood at Taurus ka at Scorpio ako. #fanaticngastrology 
And that was all the ganaps! Actually hindi pa, ang dami pa palang di ko nakwento..sa next post na lang babawi. Thank you all for tagging along my kwento! I love you all for sticking around..as always, much love from me to all of you! xoxo!

Through Windows

$
0
0
LOVE THROUGH WINDOWS
2009


I lie in a bed
darkness broken by strips of yellow light
silence broken by music and passing cars

I am naive, young and free
I never felt pain
that was pure..

..only pain that was pleasurable
which made me stretch out 
to the roads outside
to the pavements 
bathed by the yellow 
street lights.

* * *

I lie in a bed
beside a man I have loved
so unconditionally

I felt every imaginable pain now
and I'm near to believe that love
can never be true or painless
that there is always doubt and deceit

Bathed in white light,
I close my eyes
and wish I could be
so trusting again..

..so I can stretch myself out
on the streets again,
be naive, young and free.


* * * * * * * * * * * *

BONI (through a window)
2004


I am lying in his room
fragile and exposed 
listening to footsteps, cars, motorcycles... 
to the music he left playing for me 

I can see shadows cast from a street light
from the blinds of his window 
the outlines in the walls 

I can feel things I never felt before.. 
..and I can't feel things that I usually do..
so I lie and I wonder..
will I ever be the same again?
I took this picture after typing the poem on my cellphone back then.
* * * * * * * * * * * *

Funny how I have the same point of view, even I wrote these poems years apart. I found these from my first blog which is no longer open for public viewing because the posts there make me cringe when I read them. Sobrang cheesy mga posts ko dun (akala mo naman nag bago ano?) Hahaha!

Happy Sunday everyone! :*
Viewing all 111 articles
Browse latest View live