Hellllloooooo everyone! Nawa'y kayo ay nasa mabuti at tuyong lagay sa pag basa nyo nito. Pause muna ang post ko tungkol sa aming Baguio Trip, kasi may bagyo tapos tungkol pa sa Baguio ang post, redundant na! (at corny ang hirit hahaha!)
Anyways, ngayon kwe-kwento ko muna sa inyo ang isang very happy na kaganapan sa aking buhay. Ako ay naka bukod na ng bahay! Yahoo! Di man lang kalakihan ay masaya lang na meron na akong sariling uuwian.
Malayo ang bahay ko sa original naming bahay kung saan naiwan ang aking the rest ng Zailonga Family. Isang bahay ang pagitan namin! Haha! Pag namimiss ko sila, umuuwi ako doon o kaya kinukulit ko sila na bisitahin ako. Pag ayaw nila, sina Luna at Tom ang sinasama ko, dahil hindi nila kaya tumangi haha :)
Anyways, original naming bahay ang aking bahay ngayon, na nilisan at pina upahan namin kasi sumikip sya para sa amin. E umalis ang naka upa (haunted daw kasi - The Conjuring levels! Joke lang po, knock on wood!) at ginamit ko ang aking charm (at sangkatutak na pangu-ngulit at pag iyak iyak sa sulok (emo lang hahaha!) ay napa payag ko sina Mama at Papa na ako na ang titira sa bahay. Big YEY! :)
Naka lipat na ako ng mga gamit kahit paano kaya halika at kayo ang aking first visitors sa Zai Manor :) Ito ang entrance. May built in tambayan na sa labas :)
Sa loob, may bintana na ako. Pwede na ako manuod ng mga taong nag dadaan habang nagkakape. Pang matanda na ang trip ko haha :)
Ito ang isang side ng bahay - dining at kitchen area. Mukha lang hindi, pero dining at kitchen area talaga yan okay! :)
Isang pinaka excited ako magkaroon ay ang sariling kitchen! Kasi matakaw nga ako diba, at mahilig magluto. Halos kumpleto na ang gamit, kulang na lang ng personal ref, blender, food processor, steamer, waffle maker, siopao / siomai steamer, rice cooker, at kung ano ano pa. Papakasal nga ako next month ng may mga mag regalo sa akin ng mga yan! :)
Kakaroon ko lang ng kalan kaya pwede na akong tumigil sa aking sandwich diet at makaka luto na ng pasta! Eto ang mga nakasabit sa ibabaw ng aking kalan, ang dati ko pang kinollect na Tale of Peter Rabbit dishes :)
Off to the dining area naman! Syempre wala pa akong dining set! Kaya naging make shift cabinet muna. Dahil wala pa din akong cabinet, nasa folding bed lang ang ila sa mga damit ko. Di ko pa malipat lahat dahil baka bumigay ang folding bed, maging flattened bed bigla :-/
Ito naman ang isang side! Office at bedroom. Again, office at bedroom yan, mukha lang hindi :) Ito ang aking office, katabi lang ng bintana.
At ito ang aking bed room :) Nalipat ko na ang frames, na kailangan kong dagdagan kasi nag mukhang konti sa laki ng space.
FYI, ang sarap ng tulog ko dito! Malamig at presko, di gaya ng mala Pan de Manila at Putok enducing kong kwarto dati. Excited na akong mag over nighter si Tikboy dito para makita sya ni Papa at mapikot at maikasal na kami at regaluhan nyo na ako ng mga nabangit ko sa taas hehe! :)
Moving on, may banyo din ako syempre. Medyo unsightly ang tiles kaya di ko na picture-an ang loob. Basta alam nyo naman ang banyo, may bowl, tiles, aquarium, piano. Ito ang pinto ng banyo - sinabit ko ang aking favorite sando para very summery ang feel kahit epal si Maring.
Sa loob ng banyo, andun si Ponyo to keep me company in Pupu moments at may bag na may magazines. Dahil hindi ko kayang mag Pupu moment ng walang binabasa :)
So all is well pag lipat ko until umeksena nga si Maring. Biglang naging Lake House ang bahay ko! Meron ba namang may pumapasok na tubig galing sa ilalim ng kusina. Hindi ko alam kung paano sya naka daan sa sementong sahig pero andyan sya. Kailangan akong naka monitor at laging may ready na basahan kung hindi hangang dining, bedroom at office ko ay babahain. Tapos may isang parte ang kisame na may tulo, na discover ko pag uwi ko galing trabaho. At ang kaisa isang parte ng kisame na may tulo, alam nyo kung saan pa tumapat? SA TV!!! Sa linaki (di naman kalakihan symepre) ng space e sa tapat pa ng tv natapat ang tulo. So nabasa ang TV. Pinatuyo ko ng isang oras, pag bukas ko - may line na sa screen at ayaw mawala :(
Nilagyan ko pa ng picture ni Mama Mary para umayos hahaha! Pero di kaya, papa repair na lang. Inisip ko na ang na much worse could have happened kaya okay na din na ganito lang :)
And that is my tour of my own home, the Zai Manor! Madami pang kulang pero pu-pundar ko yan unti unti nang maging bahay na talaga ito. I guess that's the beauty of having a house, how you turn it into a home :) I hope you enjoyed the tour at sana maka dalaw kayo dito my dear blogger friends! I leave you all with this inspirational ek ek hanging in my office wall..
Hope you are all safe and not so wet! Always take care and I love you all! Tsup! :)