Quantcast
Channel: Zai moonchild
Viewing all articles
Browse latest Browse all 111

Iwas Bagyo sa Baguio (Part 2)

$
0
0
After 48 years, ito na ang Day 2 ng aming Baguio trip! This is quite a long day, hence the quite long post but I'm sure (yet I hope) you'll enjoy reading this :)

Umpisahan natin sa isang Girl to Girl moment, featuring Marseng Joanne and Baby Faye :) 
Maaga kami gumising at naglakad sa Session Road. Bumili ng tickets para sa byahe pauwi bago magka ubusan. Pagkatapos ay kumain ng Strawberry Taho! Yummy! :)
Pagkatapos ay nag hire kami ng taxi para sa mga lakad namin that day. Second day kami may pinaka busy na itinerary, tinalo pa namin si Dora na tatlo lang ang usually ang pinupuntahan sa mga adventures nya. Php 2,000 ang rent namin sa taxi at kay Kuyang Driver, para sa aming Baguio tour.
First stop namin ay ang Lion's Head sa Kennon Road.
First time ko mapunta dito. Ang laki nga ng lion! Mas maganda sana kung tumutugtog ang Roar by Katy Perry sa background, dagdag sa emote. Tapos sana pumipikit ung lion, tapos may apoy na lumalabas sa bibig at umi-ikot ikot ang ulo. Naging horror no? Hahaha :)
Next stop ay ang Lourdes Grotto. First time ko din dito! Medyo masama ang pakiramdam ko nung pumunta na kami ng Grotto, hinigh blood ata ako sa kinain kong breakfast ( pang dalawang tao) kaya extra effort ang pag akyat ko sa 252 steps pa-akyat. (Paakyat ba? hahaha )
Sabi nila pwede daw mag wish pag first time mo sa simbahan o sa grotto, kaya ang winish ko ay sana wag pa akong madeds, sa high blood as sa pagod ko pag akyat. At natupad naman! :) Bakit nga pala wish, e hindi naman genie si Mama Mary..prayer pala dapat no?
Pero speaking of wish, may maliit na box sa gilid ng grotto kung saan pwede kang mag hulog ng mga wish o prayers mo. Nagkakatotoo ang wishes kasi alam kong nag wish si Tikboy ng perfect boyfriend and tada! Wish granted. Level sa confidence! Hahaha :)
Ganyan ichura ko pagka high blood at umakyat ng 252 steps.
Thank you Mama Mary and Papa Jesus for granting my wishes and listening to my prayers :)
Next stop namin ay medyo malayo malayo mula sa Grotto - ang BenCab museum. First time ko din dito. Lahat na lang first time ko ano? :)
Syempre more lovely artwork and art pieces sa BenCab by the National Artist Benedicto Reyes Cabrera and some other artists. More pictures din kami. Pre nup shoot dapat nina Marseng Joanne and Baby Faye, pero extra si Tikboy.
Dito naman extra si Red Face from Insidious
Pre nup shoot din kami ni Pats :)
Song ni Baby Faye ang "Don't Want No Short, Short Man!"
Insecure sina Ning Ning at Ging Ging sa solo ni Selya :-/
Adventure Time!!! :)
Ang painting na ito ay named Joan in a Red Dress - what a coincidence! :)
Sa lahat ng galleries sa BenCab, ito ang aking favorite..come in ;)
Don't get any ideas Pats! Just kidding, go get ideas please :)
Madaming sexy themed art pieces sa Erotica Gallery pero ito ang pinaka naka bother sa akin. Gawa sa kahoy! Baka masalubsob ang gagamit, sakit! :(
Moving on, sa BenCab Museum makikta ang Cafe Sabel. It is a really cute cafe with colorful interiors, art pieces by Ben Cabrera and a lovely view of a duck pond and a forest.
I had an order of this Tomato and Basil Pasta - not to brag but my version of this is tastier :)
Eto ang mga cute ducks sa duck pond :)
After feasting our eyes on art and our tummies on pasta, off we went to the next stop - ang Strawberry Farm. And you guessed it, first time ko dito :)
At guess what! Off season ang strawberries so Lettuce Farm ang naabutan namin. No fun seeing all the lettuce when I was expecting strawberries :-/
Dinaan ko na lang sa Strawberry Ice Cream para naka strawberry pa rin ako kahit paano.
Moving on! Punta naman kami sa Mines View Park. Dito hindi ko na first time syempre. Pero first time ko kumain dito ng mais :)
Hindi gaanong magandang idea kumain ng mais kasi puro tinga tuloy kami at di maka smile with teeth! 
Syempre pik pak kami with the famous St Bernand ng Mines View, si....ay di pala sya famous, di ko maalala ang pangalan nya! Basta alam ko mabait sya, Saint nga sya e hahaha :)
Super sikip na ng Mines View with all the stalls and some construction being done. Siksikan tuloy ang mga tao and it was hard to enjoy the view when there was a queue of people waiting for their turn to take pictures.
And andun pa din ang mga kawawang horse na dyed ang buhok. Poor horsies.
Next stop namin ay ang Tam-awan Village. We made it on right on time as some young Ifugao were about to perform traditional dances. Syempre nakigulo muna kami bago sila nag dance dance :)
It was nice watching them dance and knowing that the Ifugao culture is still alive and in practice by the young. Even some of the audience are familiar with the dances :) At syempre bonus na may cutie Ifugao dancer na crush ni Baby Faye at crush ko din hihi :)
Went around the Tam-awan Village after their performance. There were several Ifugao homes, pinaka pansinin ang Dukligan - ang fertility hut. Ayan si Baby Faye, mukhang gustong i-try :)
Gusto din namin try ni Pats pero mukhang mas matindi pa sa hut ang kailangan para kami ay magka baby! Himala ang kailangan! Haha :)
Biglang nag fog nung nasa taas kami ng Tam-awan! Nakakain ba ang fog Baby Faye?
Matapos malaman ni Baby Faye na hindi nakakain ang fog, bumaba na kami at pictures pa with the fog. Bihira lang ang fog sa buhay namin! :)
Ito nga pala si aming Kuyang Driver for the day :)
On to our last stop for the tour, ang Botanical Garden. May on going renovation, mga statue ata ang gumagawa.
More pre-nup pics! :)
At ang obligatory picture sa harap ng Botanical Garden kasama ang mga lola at lolo na Igorot na mabilis pa sa alas kwatro sa pag tabi sa amin nung kodakan time na :) Sabi ni Kuyang Driver malakas daw ang dasal (nice way of saying - sumpa) ng mga lolo at lola na Igorot kaya buti na lang binigyan ko pala si lola ng 20! 
And that is our tour of Baguio, in one long post :) Sana nag enjoy naman kayo at nainggit para ma-isipan nyong mag Baguio din :) Next post naman ay tungkol sa aming food trip on our second night in Baguio :)

Thank you all for the time reading this! Love you all and have a great September! Much love, as always :)

Viewing all articles
Browse latest Browse all 111

Trending Articles