Habang si Tikboy ay nasa Iloilo pa (hangang August na lang woohoo!) ang aking younger brother muna ang aking ka date. Di ako nakiki pag date sa iba pag may boyfriend ako, because, come one, I'm not that kind of girl! Lol!
Ang mahirap lang na si Ge ang kasama ko, syempre ako ang sagot sa lahat. Pamasahe, pang kain, pang bili ng kung ano ano. Buti pa pag kami ni Tikboy, hati ang gastos, minsan libre pa ako haha :) Pero okay na din love ko naman si Ge (at sabi ko babawi sya pag may trabaho na sya, naka prima na sya sa kontrata).
Si Carla naman, my younger sister ay di maaya kasi may work sya sa computer shop namin at busy sya mag loom bands kaya ayan.
Share ko lang ang recent dates namin ni Ge.
Last, last, last week bago pa mag bruha si Glenda ay lumuwas kami ni Ge sa Taguig. Namasyal kami sa Market! Market at sa SM! SM! Aura! Aura! Excited kami kasi ma-try na namin ang desserts sa Magnum Manila.
Try namin sana ang specialty desserts pero ang haba ng pila at 30 minutes ang wait time. Triny na lang namin ang for take out na custom Magnum bars.
Php 100 lang ang custom Magnum bar - for that price you get to choose your type of; Magnum bar, 3 choices of toppings (from a load of choices), the coating and drizzle.
I had a vanilla Magnum dipped in milk chocolate, topped with freeze dried raspberries, almonds and Speculoos cookie bits. Ang sarap! Si Ge naman, uhm..uh..di ko maalala, basta may marshmallow, crushed oreo at tokwa ata yung isa. Lol!
I keep reading na 1 year lang bukas ang Magnum Manila, pero wala akong makunan kung kelan ang ika one year nito. April 8 ito nag open so kung totoo ang chismis, hangang April 8, 2015 lang ito. So go, try nyo na! :)
After namin mag rubbing elbows sa mga sosyal sa SM! SM! Aura! Aura! ay lumipat naman kami at nakikiskis sa mga sosyal pang siko ng mga taga Bonifacio High Street.
May special area sa Fully Booked featuring TinTin (hindi po si Bersola)! Favorite ko si TinTin kaya para akong higanteng bata na montik ng tumalon sa tuwa.
Pag kita ko ng prices ng mga TinTin products, gusto ko naman mag cartwheel.
Ang vase na ito, with naka dungaw na TinTin and Toto ay Php 24,999. Wag na pala mag cartwheel, baka mabasag ko pa.
Mas mura naman tong smaller displayable thingies - Php 5,999.
Pero syempre kahit mahal, kailangan may bilin pa din ako (dahil ako ay compulsive buyer). Ang aking nabili? Post cards! Php 60 lang each. Pwedeng i-frame at bagay pa sa theme ng bahay ko. Loves it! :) Anyways, nakita ko na din in real life ang napaka gandang artwork sa Fully Booked. Hindi ko mahanap on line kung sino ang gumawa o ano ang pangalan ng artwork na to. I'd just name her Taray Lady with a pink pussy.
May isa pang area sa Fully Booked na may cool artwork din. I foundn it nice na hindi typical at usual artwork ang ginamit nila (like sceneries, nature, etc, etc.)
Mainam na kaka iba para mamulat naman ang mata ng mga tao at maka appreciate ng bago. Para pag naka kita ng kakaiba, hindi agad "ang weird!" ang reaksyon.
Gaya nito, nung kinunan ako ni Ge sa tabi ni Giant Bear, ang daming naka tingin sa akin. Na weirduhan ata na hindi na gaanong giant si bear nung tinabihan ko. Ah ewan maka uwi na nga :)
Segwey lang yan para sa recent date namin ni Ge sa Monte Cafe dito sa Antipolo. First time ko ma try dito and I will say it won't be the last. Ang saya dito! :)Una, ang ganda ng lugar. Black interiors with really colorful accents. Really artsy, kitschy cool!
At ang sarap ng food! They have pasta, sandwiches, cakes, cupcakes and coffee.
Ge had Oreo Milkshake (Php 125) and I had Strawberry Milkshake (Php130) The Strawberry milkshake is PERFECT. It is super sweet just as I like it. Pag may panahong malulungkot ako, iinom ako nito at sasaya na ako ulit hahaha :) We also had Chicken Alfredo (Php 150) which has got to be the best alfredo I ate. Kulang na lang mapa "pakshet!" ako kada kain, e may ibang tao so prim and proper dapat. :)
Try din namin ang fish and chip (Php 130) which was good too but it was a bit oily. Parang mukha ko lang pag nahaggard na ako.
We didn't get any desserts kasi..kasi..sumakit ang tyan ko at kinailangan na namin umuwi haha :)
Pag napunta kayo ng Antipolo, ayain nyo ako at ilibre at sasamahan ko kayo. Cafe Monte is in City Walk building in Manuel L. Quezon Extension, lagpas ng SM Hypermart.
At eto pala! Nung kadiliman season (brownout sa amin) ay nasama namin si Ate Carla sa aming pasyal. Pumunta kaming tatlo sa Robinsons Magnolia at nag food trip, ikot ikot at nag ice cream sa Magnolia Flavor House. Eto ebidensya o! Salamat sa brownout na sama namin si Ate :)
At ayan lang po, pasensya at napa haba :) Kayo sino ka date nyo pag may lakad kayo? Share naman! Thank you all for dropping by and as I always say, much love from me to all of you! love, love, love! Hahaha :)