Quantcast
Channel: Zai moonchild
Viewing all 111 articles
Browse latest View live

Field Trip!

$
0
0
Best in field trip ang eksena ko these past few weeks. Thanks to my kaladkaring brother Ge and my recently in between jobs (pinagandang term for tambay lol) bff Emer.

Sa ngayon mas medyo masaya kasama si Emer kasi may kotse sya kaya tipid na sa pamasahe, wala pang hassle. Pwede akong mag takong / pekpek shorts / or both. Last month, we went to UP Town Center. First time ko dito and I was impressed! Magaganda ang shops at ang daming choices ng pwedeng kainan.
Pero may punterya na kami ni Emer na kainan kaya kami pumunta ng UP        Town Center. Ang Casa Verde! Dati sa Cebu lang may Casa Verde, na naging favorite namin kasi affordable, malaki ang serving at masarap. Lakas ko maka endorser no. 
Anyways, mas maliit ang space ng Casa Verde sa UP Town Center. Ni wala akong ng harap nya kasi maliit ang space baka mahulog ako sa railing kung lalayo ako makunan lang ang harapan. 
We were given menus pero hindi na kailangan. Sabay pa halos kami mag sabi ng "Brian's Ribs!" Favorite namin ang Brian's Ribs na may 3 slice of ribs served with rice and a side dish of corn and carrots - just for Php 250. See, affordable, malaki ang serving at masarap! (Endorser mode ulit) Tinabi ko ang fork so you can see kung gaano kalaki ang ribs. Parang ribs ng tao! 
Edit: Brian's Ribs here is exactly the same as in Cebu! Love. For more information about Casa Verde and their dishes, you can click here. This is the Cebu site as I think wala pang sariling site ang UP Town Center branch.

After the heavy, nostalgia inducing meal, we went around UP Town Center, had dessert then went to our next stop sa field trip, ang La Mesa EcoPark!
May entrance fee sa La Mesa EcoPark, please refer to the picture below. May perks din pala kung below 3 feet ka, libre ang entrance. May pool din sa LME kaya bongga! Dala ng salbabida kung 3 footer ka nga.
Bumungad sa amin ang sobrang daming puno. Ang saya lang! Feeling ko matanda lang kami ni Emer kaya na enjoy namin ang mga kapunuan.
Bukod sa pang matandang activities, gaya ng matuwa dahil sa mga puno, may ibang activities to try pa sa LME. May zip line, may Bungee Fun at may Shooting Range. Ayan ang proof sa baba in case hindi kayo naniniwala.
Since wala akong bet sa mga activities sa baba, gumawa ako ng sarili kong activiy. Umakyat ako ng bonggang hagdan with 200 steps! Montik ko ng hindi kayanin kaya lang may 2 nag da-date sa taas kaya tinuloy ko na, Nakakahiya naman kung susuko pa ako. Ngayon ko lang naisip na sila nga hindi nahiya na nag date sa hagdan.
This is the view from 200 steps above pond level :)
Dito din masisilip ang totoong La Mesa Dam. Wala akong salamin kaya hindi ko nabasang No Camera and Video taking pala. Oh well papel.
Pumanaog na ako at tuloy ang lakad lakas namin around LME. More plants! More fun! Maganda ang LME, well maintained and it made us feel na wala kami sa city.
It started to drizzle kaya nag decide na kami umalis. Here is my OOTD btw. You can see why I don'y usually like wearing shorts and shoes, nag mumukha akong Bondying.
And that was one of my gala with bff Emer! Hope you could visit La Mesa Ecopark too. It's a fun and different experience from the usual trips to the mall, etc. You could get more information about La Mesa Ecopark here.

More recently, isa pang field trip stop namin ni brother Gerard naman ay ang National Museum. I have been here before with Emer as well pero inaya ako ni Ge kaya go. Ang masaya pa, libre ang entrance pag Sundays kaya go na go kami.
Ang OOTD ko naman ang Pabebe Boy look. Jogger pants at rubber shoes saan ka pa.
There are a lot of people sa museum, syempre libre ang entrance e. Wag ng choosy. Gerard fell in love with the Spolarium as I did the first time I saw it.
At na in love din ako sa walls ng museum na katerno ko o. Saklap.
We went around the museum looking for a painting para sa dirty kitchen.
We settled for Portrait of a Lady by Juan Luna kasi hawig kami, di ba.
Ge also saw Jose Rizal na ka peg ng buhok nya (Best in Waves)
And I saw a picture of a familiar volcano!
We went to Intramuros after doing the rounds in the National Museum. May mga naka abang na pedicab and kalesa offering a tour of Intramuros but we decided to take a walk instead.
Which was a good idea kasi naka pag pikpakan kami ng malala. Perfect ang street art sa aking Pabebe Boy outfit! :)
We dropped by the Manila Cathedral - such a lovely church! May nagaganap na kasal kaya bawal mag picture sa loob. Hindi ko alam kung dahil sikat ung kinakasal or dahil kinahihiya nya ung gown nya (na hindi gano maganda, yes nakita ko po lol)
Our tour continued, we saw the Plazuela de Sta. Isabel. It was built to commemorate the victims of war during the Battle of Manila in 1945.
Pupunta pa kami dapat ng San Agustin church kaya lang umulan! Ngayon ko lang napansin na sa mga field trip ko laging napuputol dahil sa ulan a. Anyways, we decided to head home dahil mag gagabi na din naman. Baka dumating pa ang mga Hapon.

If you want to visit the National Museum too, you can get more information here. Best to go during weekends kasi family day at libre ang entrance haha. Hindi ko lang alam kung pag 3 footer ka ay libre ka pag weekdays. Sana naman para dama pa din ang perk ng pagiging maliit :)

And that is all my dear friends, dalawang recent rampa aka field trip ko. I'm now going to do another kind of trip - mag blog hop naman ako at matagal tagal akong di nakapag basa ng ibang blogs. Thank you all for dropping by, as always, much love from me to all of you! XOXOXO! :)

HHK 11

$
0
0
June na mga blogger friends! I-welcome ko ng isang HHK para masaya :)

Birthday ng aking Patootie last May 31. Tuwang tuwa ako sa kanya kasi bukod sa madaming dahilan, may taglay din na kaweirduhan si Pats. Nalaman kong ayaw nya na binabati sya ng advance happy birthday, dahil feeling daw nya ay akala ng mga tao na May 30 ang birthday nya. 

Pag sinabi nyang May 31 ang birthday nya, sasagot daw ng tao "may 31 pala ang May?" sagot naman nya ay "kaya nga may/May 31 e!" O di ba ang cute! Iba pa nyang ka-weirduhan ay gusto nyang kwinekwento sa kanya ang kwento ng movie bago nya panoorin, uutot sya habang kaming dalawa lang at ibibintang sa akin at syempre ang pagpatol nya sa mas weird na gaya ko.

Malungkot akong di kami magkasama sa birthday nya kasi nasa Iloilo pa rin sya, pero babawi na lang kami ng celebration paguwi nya. Nag offer naman ako magpa dala ng pang pa-cater, e hindi daw kasya ang P500, e di wag! Ito na lang gift ko sa kanya, isang 4 pic one word = tangkay ng monopod :) 
Kung kahapon ang birthday nya, ngayon naman (June 1) ang anniversary ng una naming pagkikita. Nagkakilala kami on line, nag ka text, at noong June 1, 2013 ng madaling araw ay tinext nya ako at inaya magkita. Oo naman ako! Sa McDo naman kami nagkita kaya wholesome. So dun kami una nag kakilala, nag kwentuhan, nagpa cute. Hinatid pa nya ako sa bahay sakay ni Red the white motorcycle after, at sa tuwa ko na first time may nag hatid sa akin ay gumulong gulong ako sa kama, nakalugay ang buhok at naka white silk babydoll dress. Sagwa! At dun nag simula ang lahat, sa kasagwaang yon.

Ayaw kong maniwala sa karma kasi para sa akin parang pang motivate lang o panakot to sa tao. Na gagawa ka ng mabuti para makatangap ka ng good karma, at iiwas gumawa ng masama para di makarma. Dapat kusa lang ang pag gawa ng tama, di naghahangag ng kapalit.

Pero naisip ko na good karma ko siguro si Pats. Nung araw kasi na nagka kilala kami, katatapos lang ng outreach ng PBO sa SAI sa Montalban, Rizal. Sya naman kaka birthday lang, at winish nya malamang na makilala ang perfect boyfriend in the world, e taken na so sa akin napunta hahaha :) So ayan, sa moment na yan ako naniwala sa karma - sa panahong nakilala ko Pats, sya ang aking reward :)

Ayan, dahil umay na kayo, move on naman sa isa pang birthday celebrant, si Marseng Joanne! Kung nakikilala nyo pa sya, blogger din sya nung unang panahon haha. E tinamad lang, gaya nating lahat at natigil muna. Kagabi ang kayang celebration :) 
Present syempre ang ELF gang na umapon sa akin. Si bebe girl in blue si Sophie na pinipilit na sya daw si Elsa from Frozen. Sungay naman ako, sabi ko sya si Elsa Castillo. Di maka react, di nya kilala e.
Bukod sa masayang birthday kainan, enjoy din ako makipag laro sa mga pamangkin ni Marse - si Joelle, si Chin Chin at si Jaydrex (na nakatulog sa pagod kaya wala sa pic)
 Si Marse may good karma na din, ayan o kinikilig kilig at mainit init pa. Mapula ang hasang haha :)
Speaking of mapula ang hasang, may pula ang daster ng aking Lola Ma nung nag celebrate kami ng birthday nya sa Tagaytay last weekend. Galing ng segwey no?! Ganyan dapat! Haha :) So ayun nga, nag punta ang angkan ng mga Salonga bukod si Lea sa Picnic Grove para mag lunch at mag bonding.
Laro laro ang mga apo, na English speaking lahat! Sila pa nag tissue, e ako tong dumugo ang ilong.
Yakapan portion with Tita Tess :)
Sungayan portion ni Papa, Ge and Carla :)
BTW, alam nyo po ba kung ang ang Taal Volcano sa dalawang ito? Halos magaway ang aming angkan kung yung mahaba ba o yung maliit sa gilid. Alin ba talaga Kuya Kim?
Dami kong tawa sa vandal na to, perfect name sa taong mahilig mag selfie! :)
Ito nga pala ang pinag stay-an namin sa Tagaytay ang Daughters of ST. Dominic. Maniwala kayo at sa hindi, isa syang bahay ng mga madre, ewan ko ba at ito nahanap ng tita ko.  Ang strict pa naman ng mga madre, bawal mag ingay, tumakbo, maging bakla. Charot! Ay sorry po sister :)
Di pala ako mahahalatang beki dito kahit sister ang itawag ko sa mga babae :)

Syempre dahil bawal mag ingay, walang TV. Puro pictures lang ni Jesus at malaking mga poon.
Bawal din kumain sa room, sinabi na for God's glory daw - e di syempre susunod ka na lang :)
Moving on, next gala ay sa Sky Ranch para sa family picture na ito.
Nagpakain din ako ng kabayo kahit mas mukha akong busog.
 At syempre, inintay mag gabi para sa picture na ito!
 At nagsimba kinabukasan para sa family pic ulit..
..at sa solo pic ni Mama Glo :)
At ayan ang aming family trip to Tagaytay! Ang saya saya! :)
Last na - dapat ay start na ako ng work from home sa June 3. Pasado na mga interview, etc etc. E bigla akong nakaramdam ng takot na malamang ay maburyong ako sa bahay. Na araw araw ay doon ako at walang kausap. Sa daldal ko pa naman, mas mahalaga ata sa akin na may kausap kesa may kinakain (napa weeehhhh? ako dito) So pause muna ang work from home. 

Litong lito na ako kung ano ba talaga ang gusto ko. Sana mahanap ko na soon. Mahirap nga lang kasi parang di ko pa alam kung ano. Hay. Pero okay lang, magiging okay ang lahat. Kung si cutie baby KB nga na walang teeth nakaka smile ng buong giliw - ako pa kaya? (segwey yan para mashare ko sa inyo ang ka-kyutan nya) :)
And that is it pusit! Sorry napahaba, sabi ko naman madaldal ako. Anyways, may we all have a great and blessed June! May we all find happiness, hope, love, joy in the simplest of things at kung ano man yang hinahanap nyo. Kaya natin to, bring it on! :)

Dinampot Ka Lang Sa Putik : Drama o Comedy?

$
0
0
Mahilig ako manuod ng movies. Pag lumang Tagalog movie - di lang ako mahilig, mahilig na mahilig ako dyan! Ibang saya ang dulot sa akin ng Tagalog movie from the 80's or early 90's. Para akong batang pinayagan manuod ng Nickelodeon buong araw o parang maniac na naka discover ng free porn channel. Syempre matutuwa din ako pag nakakita ako ng free porn channel! Ay..anyways..

..ito ang ilang dahilan kung bakit ko gusto ang mga lumang Tagalog movies. Gagamitin ko ang isa kong napanuod recently, ang Dinampot Ka Lang Sa Putik (1991), bilang reference. Ito ang kwento ni Ate Maria, promdi na lumuwas sa Maynila, naging sexy dancer, nakilala at kinupkop ni Christopher de Leon at ayun..sa dulo ng post ko sasabihin ang ending. Bawal ang spoiler.

1. Talak Title
Title pa lang, malupit na. May dating agad. Dinampot Ka Lang Sa Putik. Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Babangon Ako At Dudurugin Kita. O di ba. E-expect mo talagang matindi ang kwento. Di gaya ng mga title ngayon, puro pa sweet. Maybe This Time. The Illegal Wife. Da Possessed. Walang dating! Walang Feelings! Jologs! 
2. Iconic 80's
Aliw na aliw ako pag nakikita ko ang setting ng movies, dahil sa kwento lang ng mga magulang ko naririnig ang tungkol sa 80's. Char lang syempre! Pero aliw talag makakita ng icons of the 80's. Ang mga 80's style houses, mga lumang rotary phone, opisinang typewriter ang gamit ng secretary. Isang halimbawa mula sa DKLSP ang owner type jeep ng mga pulis na humuli kay Ambet (Monsour del Rosario). Very 80's di ba?! At syempre given na ang laging late na pag dtaing ng mga pulis sa eksena.
3. Malulupit na Kontra-B
Di gaya ngayon, kahit palaban at bruha ang mga kontrabida, kadalasan magaganda na sila. Aantayin mo pang tumaas ang kilay o yumakap tapos iismid ng patago para malamang "ay, bruha to!" Di gaya ng kontrabida noon, si Bella Flores. Makita mo pa lang padating, parang gusto mo na mag bayad ng upa kahit di sya ang land lady mo. Dito sa movie, nakita nyang tinangkang gahasain ng anak nya si Maricel, aba si Maricel pa ang binugbog at pinalayas. O di ba, #abamatindi!
4. Ang sexy noon..
..ay di sexy ngayon. Syempre iba ang sexy noon at sexy ngayon. Noon, napilitan si Maricel maging sexy dancer sa club. Ito ang kanyang outfit at dance routine. Di mo alam kung may invisible bang lamesa habang nag iintay ng inorder na siomai. Naka tanga pero may fishnet stockings. Pero akma naman kasi nasa club. E ngayon noon time show, ganyan na ang suot! Tapos puro babae pa dancer! Wala man lang lalaki! Hindi fair ang mundo!
5. Boyfriend mong Baduy!
Ito ang favorite ko dito. Tawa ko ng tawa sa mga outift nila noon. Naiisip kong kung artista sila, at ganito sila manamit, ano pa kaya ang suot ng mga baduy?

Sa mga babae, okay okay pa ang outfit kasi parang na-re-revinvent lang naman ang outfit nila. Umiikli lang, nawawalan ng shoulder pads, ganyan. Sa lalaki, alam mo talagang may mali. Halimbawa si Christopher.

a. Super High Waisted Shorts. Natago na ang pusod sa taas.
 b. Multi Purpose Polo. Polo and Chess / Dama table in one. 
c. Geometric Print Polo. Pwedeng educational toy.
 
d. Art Project. Pag kailangan mo i-illustrate ang sakit ng ulo, ganito ang itsura non.
 6. Hairibble!
Syempre kung may fashion, may hair and make up! Syempre, expected ang big hair. The bigger, the better. Pinatunayan yan ni Ate Charo, na gumanap na atribidang half sister ni Christopher.
Sa eksenang pina make over si Ate Maria, aakalain mong na Alien VS Predator sya sa dami ng pang kulot sa buhok. Expected kong mala Diana Ross ang do nya after.
Ang kinalbasan, eto. Ano, joke time?!
Buti pa ang buhok ng Mamasang ng club na si Gloria Romero. So chica! :)
At ayan lang po ang ilang dahilan bakit benta sa akin ang Tagalog movies circa 80's and early 90's. Aliw diba? :)

At ang ending, nagkatuluyan pa rin sina Ate Maria at Christopher. Nauwi ang lahat sa kasalan. At dahil dyan, tapusin ko ito sa #7. Ang Veil, Bow.

Ito ang totoong #ABAMATINDI. Adik ata ang stylist ni Ate Maria, pero mas adik syang pumayag na lumabas na ganyan.
Pero di pa din natalo ang veil ni Ate Shawie sa Sana'y Wala ng Wakas. Lakas maka kalaban ni Shaider :)
At ayan lang. Sa dami ng nakakatawa, nalilito na ako minsan kung drama ba o comedy ang Dinampot Ka Lang Sa Putik. Anyways, enjoy nyo din ba ang lumang movies? Ano ang favorite nyo? Comment nyo naman :)

At dito ito nag tatapos. Salamat sa pagbasa at happy Friday! Have a great weekend ahead! :)

Getting A Tattoo : In Beki Stages

$
0
0
I have always wanted a tattoo. Pero syempre ang tattoo ay matagal dapat pag isipan at pag desisyunan. Hindi sya parang turon na maiisip mong "gusto ko ng turon!" sabay punta sa kanto at bili ng turon. Sorry na comparison, nag cra-crave ako ng turon e.

After years of thinking, I pushed through getting a tattoo last Friday. Sa mga nag iisip o nag pla-planong mag pa-tattoo -  ito ang aking tips, based na din sa aking experience :)

1. Anash Design?
Matagal kong inisip kung ano ang design na gusto ko. Nag browse ako sa Pinterest, sa Buzzfeed, nag ocular sa Muntinlupa, naki pag eye ball sa mga ex con. Hindi ko alam, sya lang pala ang sasagot sa mga katanungan ko.
Hindi si Kuya ha! Yung tattoo nya :) Syempre kailangan ang design ay relevant sa akin. Something special at di pag sasawaan. At dahil favorite ay naniniwala akong lucky sa akin ang 13 - Roman numeral XIII ang naisipan kong ipa-tattoo. (Thank you random kuya for the inspiration)

2. Kelan Itey?
Kung random ka lang na tao, dedma lang kung kelan mag patattoo. Pero sa gaya kong sentimental, pinag isipan ko talaga ito.

March noon at nakita kong ang susunod na Friday the 13th ay sa June. At dahil gaya ni Killer Jason, isa ko pang favorite ang Friday the 13th, set na yan. At may bonus pa! Full moon ang Friday the 13th sa June. Rare occurrence, ang susunod ay sa 2049 pa. E syempre alam nyo naman lunatic ako at favorite ko ang full moon kaya push na push na talaga ito! Nag align ang buwan at Friday the 13th para sa akin :)
3. Sanchi?
Syempre iisipin mo kung saan lalagay ang tattoo. Kung gusto mong pangalandakan - sa noo o sa pisngi mo palagay. Ako dahil unli talak ang mapapala ko kay Mama at Papa, kailangan tago muna ang tattoo. Hindi pwede sa waterline (eyeliner pala haha) at sa noo. So sa upper thigh ko naisip. Para mga maswerteng tao lang din ang makaka kita ;) 

3. Push Mo Te?
Next, sinet ko ang sarili ko kung kaya ko ba talagang mag pa tattoo at kayang mabuhay na kasama sya FOREVER. Ang ginawa ko, araw araw kong drina-drawing ang tattoo sa aking thigh tapos minamasdan ko sa harap ng salamin, may hawak na kandila sabay sabing "Candy Man, Candy Man!"

At natangap ko naman sa sarili ko na kaya kong mabuhay na kasama sya forever. Inisip ko din ung malaki kong peklat sa legs dahil sa motor accident, at kung sya nga nakaya kong dedmahin, si tattoo pa kaya.

4. Kaninong Parlor?
Syempre ibang uri ng parlor ito - ang tattoo parlor. Kailangan dun ka sa may pangalan naman na tattooan. Wag sa tabi tabi lang dahil baka maging mukhang tattoo ng taong bilibid ang tattoo mo.
Ako, doon sa Lucky 31 kung saan sinamahan kong mag patattoo ang aking friend na si Linday years ago.
Ang nag tattoo sa akin ay si Butching. Cute ng name parang batang palaboy lang :)

5. Sinetch Ka-Join?
Nabasa ko na dapat may kasama ka pag magpapatattoo ka. Para may kausap ka at ma-distract habang tinutusok tusok. Dahil wala dito si Patooties, sasamahan dapat ako ni Lindsay pero may pasok sya. Si Rex na bf na lang nya ang sumama sa akin. Mainam di na lalaki ang sinama ko, at least nag kwentuhan sila nung magta-tattoo. Ang hirap kumausap ng straight na lalaki minsan, nauubusan ako ng topic! haha :)

6. Anong Ganap?
So pag dating doon, sasabihin mo syempre kung ano ang design at saan mo lalagay. Una, i-ske-sketch ng artist an design na papel. Kailangan maging vocal ka kung may gusto ka pabago o ipa-dagdag kasi tandaan, wala ng burahan to.
Pagka sketch, i-o-outline ang skecth kung saan ilalagay ang tattoo. 
Ito pala ang nakaka tawang eksena. Tinanong ako ni Butch kung naka boxers ako, sabi ko hindi. Sabi nya"brief?" Sagot ko "hindi din. Naka t-back ako!" Tapos inexplain ko na para mas madali, kaya ako nag t-back. Pag baba ng shorts ko sabi nya "t-back nga!" Naloka siguro.

(Pinixelate ko ang pics para di kita ang aking singit. Di dahil kita si ZaiZai Jr :))
So ayan na, trinace ni Butching yung sketch sa transparent paper, may pinahid na oil sa akin, tapos dinikit ang sketch at tada! Lumipat ang outline! Magic! :) Nung nilabas na ang pang tattoo - sabi ko"ay okay na pala tong drawing lang". Natakot lang :)
Nung ilalapat na sa akin ang pang tattoo, natakot ako, feeling ko sobrang sakit. Tapos naririnig ko pa yung"tzzzzzzzzzz! tzzzzzzzzzzz!" parang bubuyog! Pero ng naumpisahan na, surpise of all surprises! Di ako nasaktan! Nakatulong ata ang mga stretch marks ko haha. May times na nag dudugo ung tinatattoo pero okay lang. Para lang ginuguhitan ng ballpen.

After ng outline, i-shade naman ung blank spaces ng tattoo.
 At sa haba ko, montik na di mag kasya sa picture :)
After one hour - natapos na ang tattoo! Ang saya! Uwian na! Pero pic muna with my first tattoo artist - si Butching :)
At ayan, may tattoo na ako! Meet - Trese :) BTW, Php 1,500 ang price nya.
 7. Anong Ganap After?
Syempre may after care ang bagong tattoo. Ang bilin sa akin ni Butching ay lagyan ko daw ng petroleum jelly at takpan ko daw ng cling wrap at i microwave. Haha! Palitan every 2 hours. Wag kamutin at sabunin at least 3 - 5 times a day. In 3-4 days daw ay gagaling na sya. Gagaling sumayaw? Kumanta? Di ko nalinaw.

At ayan ang aking tips kasabay ng kwento ng aking first tattoo :) Pareho na kaming may tattoo ni Patootie kaya kami na ay - Tattotie Pattooties :)

I love my tattoo and so far I have not regret it. If you're planning to get one, do think it over a lot of times, and if you do not like tattoos, okay lang yan :)

Thanks for visiting my blog everyone! Have a great week ahead! :) :) :)

HHK 12

$
0
0
Sobrang HHK at random ng post na ito. Mababaliw kayo sa pagka random :)

Kanina habang nag blo-blog hop ako ay ito ang aking nginangata. Zebzeb! Favorite ko to bata pa lang ako, at ang saya ko lang na may Zebzeb pa hangang ngayon. Di gaya ng iba nating favorite noon na PikNik, Chikadees, Cheezums, Aiza's Lechon Manok na nawala na. (Insert sad flashback music)
Favorite ko din noon ang Wonder Boy kaya lang bihira ako makabili. Syempre pag bata ka (at nung panahon ko) pag hihingi ka ng pera, laging piso lang ang bibigay sayo. E 2.50 ang Wonder Boy! So uwi sa Zebzeb o plastic balloon (na ipiputok sa noo ng kapatid ko lol). May Wonder Boy pa ba?

Marunong na akong mag luto ng adobo! Kagabi nag luto ako ng 1 kilong adobo. E may ulam na pala sina Mama. So ending, ako ang kumain ng 1 kilong adobo. Na enjoy ko naman :)
Para sosyal, sinabayan ko ng water with lemon and mint leaves from my garden. Sana may lemon din ako sa garden ko.
Nung isang araw naman, ang merienda ko ay instant noodles with kimchi. Perfect nung araw na yon kasi maulan. Kung ngayon ko try to baka magka putok ako sa anghang. Try nyo din to, madali lang i-prepare, masarap pa :)
Ito ang comparison ng dog at cat - as shown by our pets Snow and Elsa.
Pag dog, puppy to be exact, syempre may puppy eyes na parang nagsasabing "hello mang gigil ka sa akin, ang cute ko awww!" 
 Pag cat, may "ibaba mo ako, kakalmutin kita! Kakagatin kita!"look!
Pero for some reason mas gusto ko ang cats. Mas gusto ko ang arte nilang independent at lalapit lang pag may kailangan. Parang ibang tao lang haha :)

I bought a Galaxy Tab last week from Lazada. Sa mga nag pla-plano bumili from Lazada, okay naman sila. Mabilis ang transaction at pwede pang cash on delivery, in case walang credit card. 1-2 days shipping lang. At mas mura, in this case, ang tab na to kesa sa ibang store. So, win!

Meet SamanTab :) I'm so happy, pwede na ako manuod ng movies on the go, at hindi na ako maduduling sa small screen ni iPod. At enjoy mag games dito kasi malaki - ang favorite game ko ay Crosswords, lakas maka matanda hehe :)
Napa halungkat ako ng baul / cabinet the other day and saw old pictures! Dami ko na realize about myself.
1. Toddler pa lang ako, kirat na ako. Pero cute :)
 2. Bata pa lang ako, peg ko na ata si Ricky Martin. 
See the leather / pleather pants? Asan na kaya yan, baka kasya pa!!! :) 
 3. Pa sweet lang ako mag smile. Pout lang with dimples showing :)
4. Mahilig na ako sa Adidas caps. At mukhang adik si Mama kung payat sya haha :)
 5. May panahong naging ita ako. Lol!
I has a final interview for a job in IBM last Wednesday. It went well, though intay pa din ako ng tawag kung hired na ako. Sana hired na! I want need a new job asap. The stress is making me stressed. Haha!

And that is all my friends for this HHK. I hope you all have a great week ahead! July na! Aja! :*

Mga Pwedeng Gawin Pag Brownout

$
0
0

Hello hello everyone!

Alam nyo bang 4 na araw kaming walang kuryente? Akala ko masasanay na ang mata ko sa dilim. (Buti hindi naman, dahil ayoko ng mainit, masikipmadilim at mabaho! - madilim lang, ang dami ng sinabi) Ang nakaka inis pa sa brownout na dinanas namin, sa kanto namin may ilaw na, sa amin lang talaga wala. Sinabi ko nga, mukhang dapat Diliman Village na ang pangalan ng village namin.

Anyways, sana kayo may kuryente na din. In case wala pa, at for some reason ay nababasa mo ito, sha-share ko lang ang aking mga ginawa nung brown out, at baka gusto mo ding i-try :)

1. Mag luto at kumain.
Naisip kong ang sarap sarap kumain pag umuulan, e masarap naman kumain kahit anong panahon, mapa El Nino o La Nina, kaya push, kain lang! Ang linantakan ko mag damag ay ang aking favorite food (of all favorites!) ang tocino! 
PS - Ang lungkot lang ng tocino na nabili ko, walang taba. Ang tocinong walang taba ay parang sex na walang climax - #boomanudaw?


2. Mag sound trip.
Hangang may charge ang mga gadgets, aliwin ang sarili at mag sound trip. Naka unli repeat sa akin ang XO ni Beyonce dahil feel na feel ko kantahin ang "In the darkest night ohhhhhh!" Relate lang e.
Ay low batt na, shut up na muna Mama Beyonce.

3. Maki pag laro sa pets.
Wala sa mood ang mga pusa namin kaya si Brian the white puppy muna ang kalaro ko. Napagod ako kaka punas ng wiwi nya kaya ang "Maki pag laro sa pets" ay tumagal lamang ng isang oras. Inuwi ko agad sya sa kabilang bahay.
 4. Mag arts and crafts!
Syempre kahit walang kuryente kailang creative. Ano pa at naging bading ako kung walang arte ang mga bagay bagay. Pati kandila napag tripan ko at may presentation .

For this project you will need a jar (di kailangan may kalawang, nagkataon lang meron yung akin), some pebbles and candles.
Ilagay lang ang pebbles at candle sa loob ng jar at tada! Ang ganda na ng lalagyan ng candle no :) Pwede nang pang romantic dinner....ay wala paola dito si Tikboy. Solo dinner muna.
 5. Mag color!
Effective na stress reliver sa akin ang pag co-color. At syempre, masaya to, sino ba namang di gusto mag color. Kung walang coloring book on hand, kahit dyaryo na lang, lagyan na lang ng make up ang mga picture ng mga tao :) 
 6. Manuod ng movie.
In case may battery pa ang gadgets nyo at may movie kayong nakalagay, relax and see a movie. Ang nagkataong nakalagay sa tablet ay Airplane VS Volcano. Dyeskelerd, napaka low budget ng movie na ito.

At walang logic ang gumawa! Isipin nyo na stuck ang airplane sa ibabaw ng madaming sumasabog na bulkan at di makaalis, pero ang mga tao sa loob ng plane, naka jacket pa! Baka di lang bulkan ang pumutok, pati kilikili nila.
At yan, ang ilan sa mga ginawa ko habang brownout. Syempre pwede ding matulog, magbasa, mamasyal at mag mall (na di gaano masaya kasi ginawa ko kasama ng mga kapatid ko at ako gumastos lahat haha)!

At syempre, gaya ng ano mang pag subok o pag hihirap, nagwakas din ang dark spell aka brownout. Nung Sabado ng gabi nag sigawan ang mga kapit bahay -"may ilaw na kami!!!!" Ako naman "may chandelier na ako!!!!"  Ay sorry, akala ko payabangan portion. Okay. Yey, may ilaw na!
Hope you are all safe and well, despite sa pag eksena ni Ate Glenda :) More ulan pa ata ang parating, kapit lang tayo. Aja! Thanks for dropping by! :)

Ang "Walang Makakapigil Samen!" Tagaytay Trip

$
0
0
Last weekend ay may out of town trip kami ng aking bff's Emer, Myles, Chud and baby Marley - ang destination - La Union! Kaya lang bumagyo. Signal number 1 pa sa La Union. Saklap.

In denial pa ako nung umpisa, tipong "ah wala yan, hamog lang yan..ambon lang yan.." E ung eksena sa balita tila may yerong lumilipad sa La Union. So okay fine, nag wagi ka bagyo! Nag decide kami na sa Tagaytay na lang. Okay na din basta tuloy ang lakad! Dahil walang makakapigil sa amin! (Pwera ang yerong lumilipad)

Salamat sa aming yayamaning bff Emer, walang commute commute sa lakad namin. Naka car kami! At buti na lang kasi may kalakasan talaga ang ulan sa trip. Pero as long as walang yerong lumilipad, go sago. First stop namin for the trip ay ang Republ1c Wakepark sa Nuvali. Wake boarding habang umuulan - why not chocnut.

Medyo mahirap puntahan pag naka commute, ang Republ1c Wakepark. Kaya mainam na gumamit ng kaibigang nakaka angat sa buhay na may kotse / in case hindi ikaw ang kaibigan na yon :)

So eto na ang Republ1c Wakepark. Mam, sir, please click HERE for more information po.
We registered for an hour pass, worth Php 250. May deposit na Php 800 for the bote ng Coke helmet and life vest. Babalik din naman ang pera pag sinurender ang equipment kaya wag mag panic (ako kasi nag panic haha)
It was my 2nd time to go wake boarding kaya medyo hindi loser ang dating ko. Nag start kami sa Beginners area, syempre confident ako kaya nakataas isa kong kilay habang nag wa-wakeboarding at nanunuod ang ibang tao. After ng ilang rounds, lumipat na kami sa pang Intermediate - na mas malaki at paikot na body of water (haha) Level up inday! Bring it onnnn! Pero pose muna :)
Payat dito kaya isang picture pa! Sayang naman diet at montik ko ng ikamatay na 100 sit ups a day kung di ko po-post no! :)
Going back, eto ka, mas malakas pala ang hila ng kung ano mang humihila sa pang Intermediate! Naka tatlong try ako na subsob agad sa tubig. Yung kilay kong naka taas nabura sa kahihiyan. Saklap. Malala pa, nahubad ang shorts ko sa lakas ng impact ko sa tubig. Akala ko sa porn movie lang nangyayari yun pero totoo pala.
Pero buti na lang pag tagal naka yanan ko na din ang lakas ng hila ng kung ano mang humihila sa akin. Ibang level nga lang ang lakas ng hila, minsan naiisip kong "tama pa ba to? baka na Fi-Final Destination na ako a!"Pero super saya magpa hila sa kung ano mang humihila. Naisip ko ganito din ba nag rush pag pinahila ka sa kabayo ng malupit at walang pusong hacienderong amo?
At ayun! Natapos ang 1 hour at buti naman dahil ang sakit na ng braso ko. Try nyo din ang wakeboarding kasi super saya nya. Hindi kailangan marunong lumangoy kasi mababaw lang ang tubig. Hangang dibdib ko lang so hangang leeg nyo lang haha.

After ng malakas maka Sports Unlimited na ganap, pumunta na kami sa aming home for the day ang aking suking Tagaytay Haven Hotel! Pang 3 beses ko na dito, dapat next time may free pancit at chicken na.
Ang saya lang dahil na renovate ang Tagaytay Haven Hotel, gumanda na sya kaya magka level na kami. Ang room for 2 dito ay Php 1,500 at additional Php 500 per person. Dahil magulang kami, 3 lang ang climaim namin (secret lang po)
We napped (kasi pagod kami at matatanda na kami) then went out for lunch. We ate at Dencio's! Nabitin sa nap kaya umidlip ulit.
 Tumigil ang ulan so I was able to take a picture with the Taal volcano! :)
Mabilis ang pangyayari at pagka ubos ng pagkain. We went back to home base and napped again (haha) Woke up then had dinner then to cap the night we had desserts at Bag of Beans. #purokain
We had hot chocolate (Php 115.00), chocolate mousse (Php 110.00) - this is super decadent! At last nagamit ko na din sa sentence ang decadent.
We also had my favorite blueberry cheesecake, which is for Php 150.00.
Happy family! :)
Happy Nong-Nang (ninong ang ninang combined daw - ang taba ng utak ni Myla ) and happier baby Marley :)
We called it a night kasi night naman na talaga. The next day, pabebe mode and ulan at hindi sya nagpapigil! We had breakfast at Goto Me. Kung tatanong nyo kung saan ang Goto Me, katabi sya ng Itlog ni Kuya. Wala sya nasa singit o pusod ha, nasa tabi talaga sya ng Tindahan ng Itlog ni Kuya.
Matapos naming i-enjoy ang goto sa piling ng Itlog ni Kuya, check out na kami at pumunta ulit ng Nuvali. This time stroll stroll naman ang ganap. Ang saya sa Nuvali ang lakas maka sosyal ng place!
At tuwang tuwa ako sa dami ng fishy! Grabe lang ang katakawan ng mga koi na ito, dedma na sila kung wala na sila sa tubig, basta makakain lang. #masibangisda
Syempre hindi pwedeng wala akong picture with the fishy dahil sayang naman ang outfit ko at ang pinag puyatan kong eyebags :)
Madami pang pwedeng activities sa Nuvali; sumakay ng boat, mag bike, mag window shopping at kumain sa madaming choices ng resto. E umulan na naman.

So umuwi na kami, pag dating ng bahay, nahiga ako sa kama at umiyak. Haha nakaka lungkot pag natapos ang mga trip no? Pero okay na din, for sure madami pa naman lakad in the future. Lakad na hindi na sana bagyuhin at eksenahan ng lumilipad na yero.

That is all, friends and fellowmen! Pasensya na at puro rampa lang ang posts ko, dyan ako magaling e. Hopefully na enjoy nyo naman. Thank again for dropping by and as always, much love from me to all of you! :*

Art In Island

$
0
0

Last August ay naganap ang ANTM (Antipolo's Next Top Model), ang venue - ang Art in Island in Cubao! Bakit ANTM at hindi CNTM? Dahil wala namang show na CNTM di ba?

Ang last 2 contestants still in the running for being the next ANTM are me, of course and my not so little sister,  Ate Carla. Bihira ko makasama sa lakad si Ate Carla kaya super happy ako na naka pasok sya sa Top 2.
Anyways, dahil alam ko namang lamang ako kay Ate Carla, in terms of height, beauty, grace under pressure and everything else, pwera lang sa BMI, hindi ako gaano umeffort sa pictures.
Napag sabihan tuloy ako ni Ate Tyra dahil sa attitude ko. Napahiya ako at nanliit ng sobra. Sobrang liit ng tingin ko sa sarili ko. O di ba ang liit?
Kaya bumawi ako sa sumunod na rounds (rounds - naging boxing?)






Naging pabebe pa ako, maka level up lang :)

At dahil dyan syempre, ako ang ANTM 2015! Ang daming prize, kasama na ang centerfold sa Abante Tonight at modeling contract with Sarao Motors.

At nagising ako at tapos na ang dream sequence :)
More info na about Art in Island! Ang Art in Island ay nasa Cubao, super near lang sa Gateway and SM Cubao (syempre). Very accessible as long as hindi ka dadaan ng EDSA habang umuulan / or may rally ang mga winish na ulanan ng dinuguan. (Nabasa ko lang po yan, hindi ako ang nag isip or nag wish - disclaimer ng taon)

Art is Island is in a huge lot, with this huge building housing loads of interactive works of art. Kung sa ibang museum ay bawal hawakan ang art, bawal picture-an ng may flash, kulang na lang bawal tignan, dito syempre encouraged na magpaka OA ka at umeksena.

Ang daming scenes na pwedeng eksenahan. Mag allot ng mga 2 - 3 hours siguro at 1,000 calories to burn.
 
In case hindi kayo gaano magaling magisip kung anong angulo kukuha, may helpful markers sa floor para may guide kung san ka tatayo para kumuha ng pictures. Meron ding sample pictures para may gagayahan ka ng poses.
TIPS PARA MA ENJOY ANG ART IN ISLAND
1.) Wag pupunta mag isa. Hindi to magandang trip para sa mga loner, kasi ending walang taga kuha ng picture mo. Ending puro selfie ang kakalabasan. (ay maganda naman pala ang kinalabasan lol)
2. Kung kaya, wag lang pala dalawa kayo, mag sama pa ng isa or more. May mga scenes kasi na pang dalawagang tao, e minsan hindi kaya ng self timer so ending, mukhang tanga lang ulit. Gaya na lang ang mirror effect room.
3. Siguraduhin na marunong kumuha ng picture ang kasama/mga kasama mo. Yung hindi shaky ang kamay para hindi blurred ang pictures. Yung tipong kailangan madaming shots per scene kasi 1/10 lang ang malinaw. Derechuhin ko na, wag nyong isasama si Ate Carla.
4. Mag dala ng Neo-Bloc pangontra sa high blood kung hindi maiiwasan ang number 3.
5. Mag suot ng socks na terno sa outfit kasi bawal mag shoes sa loob ng Art in Island. Sayang kasi ang cute pa naman sana ng outfit ko pero okay na din.
6. Mag dala ng panyo dahil naka socks lang ang ibang tao. Malaki ang chance na may mabahong paa.
7. Be creative and have fun! :)
Art in Island is open from Tuesdays to Sundays. Open on Mondays ONLY if it falls on a Holiday. Rates for Adults: Php 500. For Students, PWD and Senior Citizens: Php 400. Children (or really small people) below 3 Feet: FREE!
May Birthday promo din sila; your admission fee is free if you visit them on your birthday or a day before or a day after :)

And that is all for this rampa, I hope you had fun as much as I did! Hope you could visit them soon para pasok sa next season ng ANTM :) Good luck and may the best model win! Thanks for dropping by guys, aldub you all! :)

2015!

$
0
0
2015 has been a crazy year! (Ako tuloy montik na din maging crazy!) But all is well, as the saying goes - everything happens for a reason. Minsan ang reason ay para inisin ka lang talaga pero counted pa din yun, reason pa din e debarge?! :)

But seriously, I have learned so much this year. I learned that out of heartbreak there is regaining of oneself, out of change there is growth and out of budget means ang daming new clothes :)

I just want to make a countdown of 12 of the most meaningful people/things/events for me for this bumpy yet fun 2015.

1. My family! I'm beyond thankful that we are all complete, healthy and happy. We have been to a few out of town trips and it always has been fun. I could loose everything but as long as I have my family, I have everything I need. (Dun sa loose everything, hindi kasama ang hard drive, mga damit at ung chandelier ha dahil family sila para sa akin)

2. My friends! I have my old ones and new ones to thank for making 2015 fun. I don't get to see some of them as much as I would like but I know that they're always there for me as I am here for them. 

3. New work! I have a new job and after my so many years of working - day shift na to! Normal na akong tao na gumigising ng maaga, amoy shampoo na ang mga kasabay ko papasok, nakaka pag mall pag uwi, nakikipag siksikan pauwi at nakaka nuod ng On The Wings of Love real time (haha). I also love how nice and friendly my new coworkers are. Bagay kami as alam nyo namang Ms. Congeniality ako lels!

4. My first solo trip! After years of wanting to go on a solo trip, I was able to push! through with my plan. I was able to visit the lovely Bicol province. It was such a great and memorable experience and I look forward to going on another solo trip soon :) I have also been on quite a few trips with my friends, all of them fun and memorable (and bitin.)

5. I found a new hobby in biking! Thank you at may malapit na bike trail sa amin so I get ot go biking everytime I feel like it. Biking is fun as I get to clear my mind, burn fats and I get to wear my sexy bike outfit :) I also got to try wake boarding which I surprisingly can do without dying pero hindi ko naman masabing hobby ko na sya dahil dalawang beses ko pa lang na-try haha :)

6. More cooking master chef! I have always loved cooking and this year I got to experiment/cook more dishes. My new specialties this year are my super pasabog ramen and super pasabog Charlie Chan pasta :)

7. I have 2 new tattoos! Which I got on 2 of the Friday the 13th's of 2015. I love them both so much and I love how they did not hurt one bit :)

8. I'm back to drawing! I have always loved drawing and this year I've revived my love for it. Nagsawa ata ako dati kasi puro pa-drawing ng project mga classmates ko! Now I can draw all the weird sh!t that I want haha :)

9. This year I met my favorite DJ, DJ Chacha! Yes masa po ako at mahilig ako makinig sa love problems ng ibang tao haha. It was real nice meeting her! I also met Atom this year but I wasn't as glad with that as it wasn't as romantic as I hope it would be haha :)

10. I'm skinny! I have been fat for the first few months of the year and because of my bulimia haha working out, dieting, throwing up, I'm able to maintain a normal weight! Konting push na lang pwede na akong model ng Fit n Right with a dose of Silhuet 40!

11. My last relationship ended due to differences in priorities, lack of time, etc. It was my, I guess most mature breakup as it did not end because of a third party or something screwed up like that. It hurt at the beginning and it made me have a new view on love, but all is well sabi ng aking heart. Charot.

12. Kinda in line with number 11, the most important lesson I have learned from 2015 is that I need to value myself above anyone else (aside from my family of course). At the end of the day, people you love could choose something else over you, and that's okay because we all have different priorities. It's okay to value yourself first as you can't always count on people to do that for you. #walanghugotyan! #walangpait #binabadsatubigangampalaya

At ayan lang ang aking mga hanash. Sana next year mas bongga na mga hanash ko na hindi lang 12, kahit 13 naman ang nasa countdown. Tutal sabi swerte daw ang Year of the Rooster sa 2016 haha :)

And with that thank you for always taking the time to drop by and visit my blog kahit 3 months ata ako hindi nag post. Mag u-update na ako ng mas madalas promise. Pero sa nag comment nito na kanina ko lang nabasa..



..thank you ha pero hindi pa ako naliligo! At sana gwapo ka bago ka mang amoy ng kilikili ha. Kaloka ka.

Thanks again everyone. I hope your 2015 has been great but not as great as the coming 2016. Happy New Year and as always, much love from me to all of you! XOXO

2nd Solo Trip - Vigan!

$
0
0
Hello everyone! So happy to be back!

At dahil matagal tagal ako nawala, dapat medyo eksena ang post ko. Sha-share ko ang aking 2nd solo trip, this time to the very lovely city of Vigan! 

Kung may paki kayo, ang 1st solo trip ko ay sa Bicol, at kung may paki ka ulit, you can read about it HERE. Thank you :)

I took a Partas bus to Vigan. Deluxe ang bus for Php805.00 ang one way. Wala pang CR ang bus pero spacious na ang leg room kaya pwede mag dala ng arinola haha. I left Cubao (syempre kasama ang bus) at 7pm. I was so excited halos di ako makatulog! After 30 minutes, ayun tulog na haha.

Ang bilis lang ng byahe at by 2 am nasa Vigan na ako (kasama pa din ang bus syempre) Ang problema fully booked ang binook kong hotel kaya hindi ako maka pag early check in. Nag power nap na lang ako sa lobby at nanuod ng move sa phone (All You Need is Pagibig - cute movie in all fairness)

Nung lumiwanag na, nag decide na muna ako mag lakad lakad. Ang saya saya mag lakad sa lugar na first time mo mapuntahan! Very touristy ang eksena :)
I saw the capitol of Ilocos Sur and the Vigan Cathedral! :) 

It's so pretty! I thanked Papa God for a safe trip and for the chance to be here.

After, naglakad lakad pa ulit. The streets are very well kept and clean. Ang sarap picturean lahat! Kung de film pa ang dala kong camera, ubos agad ang 38 shots pati ang free 2 shots.

Ilang lakad pa at napadpad na ako sa Calle Crisologo! Napa "wow!" ako dahil hindi ko inexpect na makita ko sya agad. 
Kita naman kung gaano ako kasaya diba? :)

After ko mag lakad lakad at mag unli picture sa Calle Crisologo, pumunta naman ako sa Burgos Plaza para mag brunch. Taray ng brunch, ang sosyal! Ano brinucnh ko? Okoy! Haha :)
Ang sarap ng okoy, Php30 pero ang laki na at hindi tinipid sa baby hipon. Lagyan pa ng sukang Ilocos, ay, best brunch e-v-e-r! :)

After brunch, napadpad naman ako sa Saint Augustine Church aka Bantay Church. Dito din ang Bantay Bell Tower.
Hindi ako umakyat sa tower kasi medyo madaming tao at feeling ko bubuwal yung tower #praning. Better safe than dedballs. Pinicturean ko na lang :) 
I went back to the hotel at luckily pwede na mag early check in! BTW, I stayed at the Henady Inn. It's located right in front of the Vigan Arch and is a few minutes walk or a short tricycle ride away from the plaza. 
My room is a deluxe room, for Php1,050 per night. Pinili ko to kasi mukhang bago at mukhang walang mumu! At buti naman wala nga. Cute ng room di ba? :)

After ko matulog at mag change outfit (all white laba sa Tide) more ikot na ulit ako. Bumalik at nagpa picture sa harap ng Vigan Cathedral. Thank you mamang sorbetero for taking my pic.
Tapos hinanap ko ang recommended na CJ's Empanada. Ang ganda ng pwesto ng CJ's! :)
Pwede ka pang manuod ng pag gawa ng empanada. I ordered the special double, which I guess had double of everything for just Php 60. It's sho sharap! :)
After ko kumain at dumighay, nag kalesa tour naman ako. Madaming kalesa for hire along the Calle Crisologo. Php 150 ang bayad at papasyal ka na nila sa Bantay Church at sa Burgos National Museum.

Tinanong ko si Kuya kung ano ang ibig sabihin ng Vaya con Dios, sabi nyo God bless daw. Sabi ko ano po ibig sabihin ng Vaya con Yelo? Hindi ako pinansin ni kuya #walanghumor

Since  may picture na si Bantay Church sa taas, wag na sya. Ito naman ang Burgos National Museum. Dati syang provincial jail kung saan daw pinanganak si President Elpidio Quirino. Kung si Papa Jesus, sa manger, si Pres. Quirino, hindi nag pahuli, sa jail naman sya.
Taray ng mga barong ni Pres. Quirino! Pang formalan na nina Yellow and Pink Ranger.

Nang napagod na ako, umuwi na ako at natulog muli. Pag gising, balik sa plaza at inabangan ang Dancing Fountain. Ang saya ng time na to kasi ang daming tao sa plaza, excited lahat. At nang nag start na ang lights and fountain show, wow kami lahat. So nice! :)
After ng show, lakad pa ako sa Calle Crisolog at nag hanap ng makakainan. Ang ganda pala ng Calle Crisologo pag gabi. So magical. So magical din na sobrang daming tao, puno lahat ng kainan. Nauwi ako sa Jollibee, tinake out ko pa kasi wala ng pwesto!

After ko kumain sa bahay, nanuod ako ng finale ng OTWOL! Naiyak ako ng harsh kasi favorite ko yun e. #otwolsepanx

I slept then woke up early the following day! May tour kasi ako! :)
Usually ang presyuhan ng tour via tricycle ay Php 700. Buti na lang mabait ang staff sa Henady Inn (hi Ate Roselyn) at tatay na lang nya ang nagpasyal sa akin. Php 300 lang ang bayad!

First stop namin ang Baluarte. May mini zoo sa Baluarte, may dinosaur, at may museum daw. Walang entrance fee dito.
Ang museum pala, puro naka display ang mga napatay ni Chavit Singson na animals! Grabe ang inis ko looking at the poor animals. I knwo it's bad to wish bad things to happen to people pero sana masalubong ni Chavit ang cast ng Madagascar with Kung Fu Panda at upakan sya ng malala.
Speaking of malala, malala ang fit ng pants ko kaya kinailangan ko iblur haha. Sorry sa mga taong nakasabay ko sa Baluarte that time, alam nyo naman #masaholpasahayop.

Next stop naman ni tatay ni Ate Roselyn ay ang Hidden Garden. Wag gano mag expect gaya ko kasi literal, garden lang talaga sya. May resto din pero hiya ako kumain baka ilibre ako ng tatay ni Ate Roselyn bilang sya ang nakaka tanda haha. 
Wala ding entrance fee dito kaya pwede mag labas masok hangang maging butterfly.
Last stop namin ay ang Ruby Jar Factory. Excited ako gumawa ng jar! Ang ewwwy lang ng feeling sa kamay. Unang try ko mukhang pupu ng kalabaw na natapakan kaya nagka butas sa gitna. Second attempt naman, ung nasa baba, ok na di ba? Pwede nang pang export! :)
BTW, donation lang ang bibigay sa pag experience sa pag gawa ng jar. At hindi pwede iuwi ang ginawang jar, dahil nabigo ako.
After ng tour, iniwan na ako ng tatay ni Ate Roselyn at nag lakad lakad pa ako at tada! Nakita ko ang Crisologo Museum! Wala uling entrance dito, donation lang kaya pwede maglabas masok hangang mag amoy alimuom.
 Naka pag change outfit pa ako para sa pic na ito! :)

Dahil napagod ako I had lunch at a cute resto na di ko maalala ang pangalan sorry po. I had Vigan Longanisa and sugar cane juice which was delishoso! :)

After ko kumain, I met new friends sa isa pang resto, ang Kusina de Kenyong. Takaw ko di ba? At friendly ko diba? Ang new friends ko ay sina Ken at cousins nyang kambal na sina John at Jeff. They are locals and Ken owns Kusina de Kenyong, where the biggest and smallest burgers in the Philippines are found :) They offered to take me to where the best empanada is. Andun daw sa Magsingal, a neighboring town near Vigan. 

We went on a road trip! At tada! napuntahan ko kung saan may orange empanada. Php 30 lang ang empanada pero mas masarap nga sa mga natikman ko sa Vigan. Ewan ko kung mas masarap talaga o dahil libre? 
Delicious empanada tapos ang katabi pa ay  ang Magsingal Museum at Magsingal Belfry. Perfect afternoon! :)
After non, patuloy ang road trip and we went to a beach! Too bad walang dalang pang swimming so we just watched the sun set.
Went home after. So happy to have met very friendly and hospitable people! At buti na lang hindi nila ako kinidnap at binenta ang organs ko :)
And that is it for days 1 and 2 of my Vigan trip!

Hangang dito na muna at baka magka carpal tunnel na kayo kaka-scroll. Thank you for reading and I hope you enjoyed this post and felt you were with me in the trip! Ang saya di ba?! Sa part 2 na ang days 3 to 5.

Again thanks for tagging along :)

2nd Solo Trip - Vigan! Part 2

$
0
0
Sa pagpapatuloy ng aking Vigan Tour, Day 3 na po mam at sir :)

Nag alarm ako ng maaga dahil plano ko pumunta ng Laoag para mapuntahan ko ang Laoag Chruch, Sand dunes, Malacanang of the North at marami pang iba. Pero ang dapat kong gising na 5am, nauwi sa 10am! Good luck di ba, ang sarap matulog e! 

So nagmamadali akong nag prepare at sumakay ng bus pa-Laoag. Php 90 pesos lang ang bus, dahil hindi aircon ang nasakyan ko. Mas okay naman dahil mas gusto ko na fee-feel ang hangin against my face lalo na at nasa probinsya naman at fresh ang air. Pag sa Cubao to Monumento ko to ginawa malamang pagkamalan na akong kabilang ng Binay family.  
At pag hindi aircon ang bus mas makakapag sight seeing ka pa. Kita nyo tong nakita ko o! Feeling ko dapat dito talaga ako nakatira.
 May nakatabi ako sa bus na cute na Lola, may dala syang basket ng mga ganito.
So tinanong ko kung ano yun, kamatsile daw. Binigyan nya ako ng isa, at nung naubos ko, binigyan pa nya ako ng madami. Tapos nag kwentuhan kami about saan ako galing, etc. It was fun talking to strangers lalo na pag bibigyan ka nila ng food! :)


After almost 2 hours, narating ko na din ang Laoag!
 Syempre best in lakad ako ulit and I saw the Capitol of Ilocos Norte.
At ang yayamaning fountain.
Nakita ko din ang Museo Ilocos Norte na bukas pero walang tao sa loob so hindi ako pumasok. Alam nyo namang duwag ako so no thank you.
More lakad pa at nakita ko na ang Laoag Cathedral! Pero winelcome muna ako ng Laoag Belfry. Ayon sa Google, aka the Sinking Belfry din daw ito. Bakit kaya. Baka sinabi din ng gumawa na to na "this is unsinkable, not even God can sink it!"At ayun bumanga sa iceberg #maipilit #waley 
 Tada! The beautiful Laoag Cathedral! :)

After ko mag pray at mag thank you na narating ko ang Laoag nag lakad naman at at hanap ng makakainan. I had lunch at Macy's diner. Super cute mala 50's diner sa Baguio ang peg.
 I had this meal for just over a hundred pesos.
The for dessert, I looked for La Preciosa, kung saan daw makikita ang well recommended na carrot cake. It was just a tricycle ride away from the Laoag Cathedral.
I think carrot cake is so-so pero iba ang carrot cake dito, ang sarap! Parang si Carrot Man ang gumawa, with pawis, dugo and love. So yummy. I also had the Apple Toblerone cake which wasn't as remarkable. Each cake is at Php 100 per slice.
It was already 3 in the afternoon so I decided not to push through with visiting the sand dunes and the Malacanang of the North. I have a better place to visit anyways, the Currimao Beach! I took a bus going back to Vigan. Fare to Currimao is just Php 80.  We passed by Batac Church along the way. 
After over an hour, binaba ako ng bus, then I took a super short tricycle ride and tada! I was at the Currimao Beach! Ang ganda ng beach in all fairness at mas maganda dahil walang entrance fee! Pasok lang ako at tada! :)  
Ganda ng beach di ba, pareho kami :)
Dahil sa pagmamadali ko nung pag gising ko, wala pala akong dalang short pang swimming. Nag swimming tuloy akong naka brief lang, dedma lang, hindi naman na nila ako makikita ulit :)

Pag ka alis nila at pagka pagpag ko ng sand, I wrote my name para may remembrance naman ang Currimao sa akin. I love Currimao, mwah!
Another bus ride, which last for an hour at nasa Vigan na ako ulit!

I met up with Ken again that night kasi papasyal pa daw nya ako sa mga dapat kainan. Syempre hindi mawawala ang kayang own resto, ang Kusina de Kenyong.
Specialty nila ang burgers, since currently, nasa kanila ang biggest at smallest burger sa Philippines. Tingin ko hindi ko naman kaya ang biggest at mabibitin ako sa smallest kaya inorder ko ang Alter Ego Burger. 
Black ang bun kasi sunog, joke lang, kasi may special mix daw ng sesame. It was good! Hindi lang dahil libre sya, kundi dahil masarap talaga :)
After my burger, we drove to Marsha's Delicacies,  Sabi ni Ken, pinaka sikat daw na bilihan ng pasalubong ang Marsha's at dati maliit lang sya na stall pero ngayon big time restaurant na at may hotel pang katabi.

Here, pinatikim, actually pina ubos sa akin ni Ken ang iba pang specialties ng Vigan. Ang Miki soup, ang Molo Molo at ang Bagnet. Ang sarap lahat! Grabe ung bagnet, parang chicharon sa crispy-ness pero ang lambot ng loob. Parang nakaka gago haha.
For dessert we had the bibingka, na specialty ng Marsha's and their own Carrot Cake which was as yummy as nung nasa La Preciosa. 
I was lucky enough to meet Madam Marsha herslef, na kakilala pala ni Ken. She was so nice kahit super big time. Sabi nya parang dati pa daw nya ako kilala, ewan ko kung totoo o kung dahil feeling close ako agad haha. Thanks po sa treat! (Nakirat na ako sa pagod, can you tell)
We drove home after and called it a night. The following day na ang aking uwi back to the bundoks of Antipolo..or so I thought!

Pag gising ko sobra ang sama ng pakiramdam ko. I had LBM, nag suka suka pa ako. Buti wala si Mama kundi iisipin nya nabuntis ako! Pero sana din andun sya because it sucks being sick alone. I had to extend my stay for one more night dahil hindi ko kaya byumahe. Grabe siguro sa dami kong nakain at sa pagod ko kaka byahe ayan tuloy. Or baka nausog ako ni Madam Marsha. Lol.

Luckily I was a bit better the following day so I took a bus home. Trip back to Cubao lasted 12 hours! Bus fare going home is much cheaper, Php 650 lang. Baka kaya matagal (?!)

And that is it for my super fun, super kaka busog, super remarkable and my super memorable second trip! I'm so happy at narating ko na din ang Vigan, and I'll hold it's memories close to my fat filled heart.

Thank you all for reading and tagging along! Hope you had fun as well at as always, much love from me to all of you! XOXO!
Viewing all 111 articles
Browse latest View live